Days passed and I still carry on. Naging rebelde ako. Natuto akong bumarkada at makipagrelasyon kung kanino kanino sa murang edad.
"Saan ka na naman pupunta Icai?" malumanay na sabi ni tita Salve. Nanatili ako sa ginagawa at binalewala siya. Ayokong tignan si tita Salve dahil lumalambot ako.
From being rule breaker into prim and proper in an instant kapag si tita Salve na ang nanjan. Hindi ko na nga mabilang kung ilan kabalustugan na ang ginawa ko para mapansin ng mga magulang. Si tita Salve ang nanjan at nagsasalba sa akin mga kabulastugan.
"Dyan lang po tita!"sagot ko na hindi siya tinitignan. Simula ng birthday ko ay wala na akong maramdam. Minanhid ko ang sarili sa paghahanap ng atensyon at pagmamahal.
Gustong gusto ko sila sugurin at sumbatan pero kapag nakikita ko silang masaya sa mga pamilya nila. Nawawalan ako ng lakas. Mas pipiliin ko pa din maging masaya sila kahit ako ang nasasaktan.
Papasok ako ng school ngaun araw. Maganda ang sinag ng araw halatang walang badya ng pag ulan. Grade 7 ako sa La Soledad. Si Alice naman ay nasa Grade 9 na.
"Gotica, hinahanap ka ni, Jace." Bungad ni Eman, kabarkada ni Jace. Si Jace ang boyfriend ko this week. Nagsawa na kasi ako kay Dan kaya pinalitan ko na siya ngaun week.
Ayoko ng commitment. Gusto ko lang mag enjoy ng mag enjoy na hindi ako nasasaktan. Ayokong ma-attached sa kahit anong bagay o tao na alam kong temporary lang.
"Where is he?" Inayos ko ang palda ko para umikli ng ka-onti. Masyado kasing mahaba ang skirt uniform ko which I find so boring and primitive.
" Nandoon sa garden sa tagpuan," sagot niya sabay kibit balikat. "Bakit nandon siya? We only got 10 mins before the class starts." Sagot ko. Nag aalinlangan pumunta dahil magsisimula na ang klase.
Ayokong malate o hindi pumasok. Kakapatawag lang ng disiplinary office kay tita Salve nung isang araw. Nangako ako sa kanya na papasok na ako at hindi liliban ng klase. I want to keep my promise for now. Just a few days, at least.
"Oh c'mon, Gotica. We both know you are not a good girl. So go to him and stop being dramatic." Sagot ni Eman. Aba't! Umirap ako sa kanya at nagsimulang maglakad. Nakita ko kung paano siya ngumisi ng tinalikuran ko siya.
Nasa kalagitnaan na ako ng paglalakad ng tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagmura nalang ako at pinagpatuloy ang paglalakad papunta sa garden.
"Hi baby!" Nakangiting mukha ni Jace ang sumalubong sa akin. Diniretso ko ang kahabaan ng bermuda grass para makarating sa bench na nakapwesto sa isang malaking puno kung nasaan si Jace.
"Are you crazy?" Bungad ko ng makaupo ako sa tabi niya. Humampas ng bahagya ang hangin kaya tumaas ng bahagya ang skirt na suot ko. Hindi pa ako mapakali dahil kaming dalawa nalang halos ang nasa labas.
Humalakhak siya," Yes baby, baliw na baliw sayo." Hinalikan niya ang dulo ng tainga ko kaya napapitlag ako ng bahagya. Umirap ako at napangiwi sa kawalan. "Oh, please Jace not me." Sagot ko sa kanya.
Gwapo siya at mayaman. Kagaya ko ghost ng pamilya. Minsan naiisip ko bakit gumagawa ng pagkakamali ang mga tao ng hindi naman nila kayang panindigan.
If you are going to make mistake dapat paninibdigan mo ang pagkakamali mo. It's either you learn from it or make it right. Just like me and Jace or other people who have situation like us.
Paano naman kami? How will people understand our needs and pain? Hindi ko jina-justify ang ginagawa ko through my parents mistake and short comings pero dito ako nakakaramdam ng affection na hindi ko maramdaman sa kanila.
"I'm serious, Gotica. I love you..." He said. Napatingin ako sa kanya.
"Seriously, Jace? You love me?" Gusto kong masuka. How can he love me? We are just 13.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."