"Icai kumain kana, or magpahinga. Hindi maganda sayo at sa baby mo yan ginagawa mo." Salita ni Alice. Malamig akong tumingin sa kanya at binalewala ang sinabi.Nakatitig ako sa kabaong kung nasaan nakahimlay ang katawan ni Riley. Hindi ko matanggap. Ayokong tanggapin na wala na ang anak ko. Si Riley ang naging dahilan ko noon para magpatuloy na mabuhay at lumaban sa mundo. Bakit siya? Kung ano man Ang dahilan kung bakit siya kinuha sa akin ay hindi ko kayang intindihin. Kung ano Ang reason ay hindi ko kayang tanggapin.
Wala na siya. Wala na ang taong alam kong magmamahal sa akin ng totoo. Iniwan din ako. Hindi ba ako kamahal mahal? Masama ba akong tao? May inapi ba ako o inapakan na tao? Bakit nangyayari sakin ang ganito? Wala akong maisip na dahilan. Si Riley ang naging lakas ko at kasama mo sa panahon na pakiramdam ko ay pinagmalupitan ako ng mundo.
Hindi ako humiling ng sobra sobra pero hindi din ako binigyan ng kahit ano. Parang pakiramdam ay buong buhay na ako pinapahirapan at hirap na hirap na ako. I don't know how to continue my life. Si Riley ang buhay ko at isipin ko palang na wala na siya ay parang mamatay na din ako.
Nasaan ang katarungan para sa akin? Nasaan? Gusto kong magwala at sumbatan ang mundo sa mga bagay na binibigay nito sa akin. Sa ngaun, tanging sakit at galit at nararamdaman ko.
"Ayaw pa din," salita ni Alice. Alam kong si Raj ang kausap niya kahit hindi ko tignan. Anino palang at amoy nito ay alam ko na siya iyon.
Narinig ko ang malalim na buntong hininga ni Raj at yapak niya papalapit sa akin.
"Icai," salita niya. Damang dama ko ang pagod sa boses niya. Nanatili akong nakatitig sa kabaong ni Riley. I don't want to feel anything. Namanhid na ako at wala akong maramdaman na kahit ano. I'm tired of everything. Sa lahat ng sakit na dinaanan ko simula bata ako, ito yata ang sakit na hindi ko kayang labanan o lampasan. Nagagalit ko ako sa kanya! Sinisisi bakit nasagasaan si Riley. He's with him pero Hindi niya napigilan ang pangyayari.
"I know you're in grief. Ako din naman. Pero wag mo kalimutan na nagdadalang tao ka. There's also life inside you." Mahinahon na salita ni Raj. Tila ba ingat na ingat sa sasabihin sa akin.
Hindi ko alam kung bakit galit ang naramdaman ko imbes na maintindihan ang sinasabi niya. Galit dahil ang dali lang niyang tanggapin ang lahat. Galit dahil pinabayaan niya si Riley na tumakbo papunta sa akin. If he was aware enough. Hindi pa sana patay ngaun si Riley.
Nanatili akong tahimik at pilit nilabanan ang galit at nararamdaman. Ayokp magkagulo Lalo na sa panahon ngaun. I just to be at peace while I still can see Riley.
Nagpakawala ulit siya ng buntong hininga. Tumingala si Raj at hinilot ang bridge ng ilong niya.
"Please, atleast for our baby. I'm sure Riley wont---" hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng tignan ko siya ng masama. Nakitaan ko ng gulat at sakit ang mga mata niya habang galit at puno ng sakit ko siyang tinitigan.
"I'm sure kung hindi mo pinabayaan si Riley ay hindi nandito pa siya ngaun! I'm sure if you take care of him well enough hindi siya nakahiga ngaun jan at walang buhay!!" Galit kong sabi. Akala ko kaya kong sarilinin pero hindi. Akala ko kaya kong isantabi pero Hindi sa pagkakataon na ito.
His jaw dropped and shocked is all over his face. Halatang halata ang gulat at parang hindi makapaniwala sa narinig.
"Are you serious?" Tanong niya ng makabawi. Galit na galit ang nararamdaman ko sa kanya ngaun. I am blaming him for Riley's life! For my loss. Paulit ulit sa utak ko na nandun siya nung time na iyon at tuwing naiisip ko ay hindi ko kayang tanggapin.
Galit ko siyang tinignan. Walang bakas ng kahit ano sa mukha niya. He looked offended but nangingibaw sa mata niya ang sakit. Umiwas ako tingin dahil hindi ko kaya itong tagalan. Kung natatanggap at napapatawad ko siya noon, hindi ko alam kung kaya ko iyon gawin ngaun.
"I'm serious! I'm blaming you for this Raj! Ikaw ang may kasalanan kung bakit nawala si Riley. Ikaw!" Salita ko halos maghesterical. Nakaramdam ako ng panghihina at matinding panlulumo. Nagsimula ulit tumulo ang luha ko sa sobrang bigat at sakit na nararamdaman.
"You think gusto ko ang nangyare? I lost my son too. Alam mo ba pakiramdam na hindi mo nailigtas yung anak mo? Na nawala siya sa harap mo na wala kang nagawa? Na wala kang kalaban laban? Don't be unfair, Gotica! Hindi porket pinili kong magpakatatag, hindi na ako nasasaktan!" He said. Every words he thrown me was too painful to feel. Lalo akong napahagulgol ng iyak. Ayokong makinig sa kanya. Ayokong pakinggan ang mga sinasabi dahil kahit ano pa iyon. Hindi na nito mababalik ang buhay ng anak ko!
"Pinili kong magpakatatag para sa inyo. Para sa iyo sa anak natin na nasa tyan mo. Don't blame me for this because that is so unfair." Sagot niya. Wala akong maintindihan o ayokong intindihin ang sinasabi niya. Pumikit ako at nilagay ang dalawang palad sa magkabilang tainga ko.
"Stop it! Dito pa talaga kayo nag away? Shame on both of you! Nakaratay si Riley jan ngaun. Give him peace at least." Galit na singit ni Alice. Malalim na buntong hininga ni Raj ang narinig ko hanggang tuluyan na siyang tumayo at lumayo sa akin. Humagulgol lang ako sa sobrang sakin na nadadama.
Maya maya ay dumami ang tao na nakiramay. Mga dating kaibigan at kapitbahay.
"OMG!" Salita ni Lakan at bigla akong niyakap. She is crying while hugging me. Kasama niya si sir Brent, Anton at Bree na kita ang lungkot sa mukha.
"Condolence," sabi nila. Hindi ko alam kung tatango ako o ano. I don't need others symphaty now. Ang gusto ko ay bumalik si Riley sa akin. Gusto kong magising kung bangungot lang ito!
"Be strong, Gotica." Salita ni Lakan. Nakakatitig lang ako sa kanya pero wala akong sinabi. Huminga siya ng malalim at tinapik ang likod ko.
Medyo madaming tao ang dumadating pero wala akong binati o nilapitan kahit sino. Hindi ko na din alam kung saan pumunta si Raj dahil hindi ko siya nakikita simula kanina.
Nagulat ako ng biglang tumahimik. Napatingin ako sa entrance kung saan pumapasok ang mama ni Raj. She walks confidently with her long black dress and black aviators.
Walang nagsasalita. Lahat ay nakatanaw sa mommy ni Raj. Unti unti siyang lumapit sa kabaong ni Riley. She silently look at my son. Mga ilan minuto din ang tinagal niya bago siya umalis at bumaling sa akin.
"I wont give any sympathy towards you. You deserved it." Salita niya.
Biglang umingay ang paligid. Narinig ko ang salita ni Rajan sa malayo. "Ma!" Sigaw ni Raj naman ang dumagundong sa paligid.
"What the hell?" Sagot ni Raj sa ina. Galit ang mga mata niyang nakatingin sa ina. Marahas niya pang hinawakan ang braso ng ina.
"Kung nandito ka para mangulo lang, please... leave! Irespeto mo naman kahit ang burol ng anak ko." Salita ni Raj. Napanganga ng bahagya ang mama niya. Nang makabawi ito ay umiling siya.
"You lost your child because you are iresponsible mother!" Marahas na salita niya sa akin. Tila ba ang respeto at lahat ng pagpipigil ko ay naglaho nang tuluyan. Tumayo ako. Kinuyom ko ang kamao ko. Napatingin sa amin ang lahat pati si Raj na medyo gulat.
"I swear after this you're going to eat your words. I will let you rot on the streets. I will take what is mine. You will have nothing. I will show no mercy. Brace yourself coz' after this, I'm coming for you, MAAM." Salita ko at saka siya tinalikuran.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Literatura Faktu"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."