OS- kabanata 44

1.8K 34 2
                                    

"Riley! Tama na!" sigaw ni ate Reese kay Riley na tawa ng tawa habang hinahabol niya. Napailing nalang ako sa anak na alam ko naman na nanadya lang mangulit sa tita niya.

"C'mon tita, you're so pagong." Sigaw ni Riley. Nakita ko kung paano nalake ang mga mata ni ate Reese. Nagulat pa ako ng bumaling siya sa akin at nahuli akong nakangiti. Tumaas ang kilay niya at bumaling kay Raj na nagkibit balikat lang sa kanya.

She's single and all her life, she dedicated it to work hard and find Raj. Kaya ngaun natagpuan niya si Raj ay nagkaroon siya ng instant na pamilya. Palagi siyang nagpapasalamat sa akin lalo na kay Raj coz he gave her the chance and forgave her for not being here for a long time.

"Hey, where's your manners?" Salita niya kay Riley. Nilabas ni Riley ang dila niya at dinilaan si ate Reese na patuloy na ang paghabol sa kanya.

Nagkatinginan kami ni Raj at umiling. Kung titignan mo si ate Reese ay parang mas matanda pa ako sa kanya. She looks young and very pretty. Ang ganda pa ng hubog ng kanyang katawan. Kaya pala sabi ko sa isip ko nung una ko siyang nakita ay hindi siya bagay sa trabaho niya.

She's more on a model type. Napatid si Riley kaya natawa si ate Reese. Si Riley naman ay busangot ang mukha habang inaalayan tumayo ni ate Reese.

"Riley, madudumihan ka. Sit down and behave. Pinapagod mo din si tita." Sagot ko. Nag aayos kase ako habang at ganun din si Raj. Inuna namin ayusin si Riley para lalabas nalang kami mamaya.

Ngaun kase ang araw ng kasal ni Brent at Lakan. The wedding will start at 5:30 in the morning. Ang gusto kase nila ay kasabay ng pag iisang dibdib nila ay ang pag sikat ng araw.

"Yes mama," maamong sagot ng anak. Nakita ko kung paano nagulat si ate Reese at mabilis kong napasunod ang anak na kanina pa niya ginagawa pero hindi siya nagtagumpay.

"What? Just like that? Really, Gotica?" Salita niya na parang naiinis, nagugulat o nadidismaya. Tumingin pa siya kay Raj na ngumisi at nagkibit balikat sa kanya.

Madrama siyang umirap at pabagsak na naupo sa sopa. Habang nag memake up ako ay pinanuod ko si Riley na nagpakawala ng madramang buntong hininga at lumapit sa tita.

"I'm sorry, tita." He said genuinely. Ngumiti ako ng palihim. Doon ko napatunayan na maayos ko napalaki si Riley. Nagkunwari si ate Reese na nagtatampo kaya niyakap siya ni Riley at hinalikan.

Nakitaan ko ng gulat ang mga mata ni ate Reese dahil sa inakto ng anak ko. Marahil ay hindi pa siya sanay ng may kasama o naglalambing sa kanya. But then, I'm happy na naging parte siya ng pamilya.

"C'mon tita, let watch the place at the veranda." Matigas na ingles ni Riley. Ngumuso si ate Reese. "Sabi na nga ba,eh! Inuto mo lang ako." Sagot niya sa anak natawa nalang si Riley at pinilit na hindi niya inuto ang kanyang tita.

"Are you done?" Halos mapalundag ako ng yumakap si Raj mula sa likuran ko. Ang bango niya ay bumalot sa ilong ko na walang mintis na nagpapabilis ng tibok ng puso ko.

"Yup," sagot ko. Hinarap ko siya at inayos ang kuwelyo ng polo shirt na suot niya.

The wedding is simple at ang dress code ay beach casual attire. Ayaw naman magsuot ng beach polo ni Raj hindi kagaya ko na naka maxi dress lang. Titig na titig sa akin si Raj habang inaayos ko ang kuwelyo ng polo niya. Bahagya akong naconscious sa ginawa niya.

"What?" Tanong ko ng matapos ayusin ang damit niya. He sexily licked his lower lip kaya umiwas ako ng tingin sa kanya. He is so unfair! He is so handsome without him knowing! And mind you. It's effortless!

"I can't believe that I literally have you. Ang ganda ganda mo talaga." Sagot niya. Shit! Sometimes Raj has his words that will literally made me speechless. Alam kong namumula ang pisngi ko kaya hindi ko na siya matignan. Pilit pa niya akong pinapaharap sa kanya pero hindi talaga ako humarap.

"Oh, baka maging kambal pa yan ha!" Nagulat kami sa biglang pasok ni ate Reese. Tahimik na nakatingin sa main si Riley at nakangiti. This is the best feeling for me. To see Riley happy and at peace.

Tumikhim si Raj na tila ba naiirita. Tumingin ako sa orasan a nakits halos ala singko y medya na.

"Tara na, mag start na." Sabi ko sa kanila. Sama sama kaming lumabas ng silid. Humawak si Riley sa kamay na ni Raj na pumagitna sa amin.

"Okay, you just made me feel alone, Riley." Pagdadrama ni ate Reese na nasa likuran namin. Natigilan si Riley na tila ba nalungkot. Tumikhim ulit si Raj.

"Stop the drama ate. You are emotionally torturing my son." Sagot ni Raj, seryoso.

"Torturing agad? Di ba pwede nilalambing ko lang?" Sagot niya kay Raj. Halos mahampas ko ng kamay ang mukha ko dahil ayan na naman sila. Minsan naiisip ko kung okay lang ba sila talaga dahil mas madalas pa ang pagtatalo nilang dalawa kaysa sa magkasundo sila. I don't really know but I feel like Raj didn't trust her sister enough.

But then, maybe, NASA Punto lang sila na naninibago pa sa isa't Isa. 

Sa huli, pinili ni Riley na sabayan si ate Reese dahil wala daw itong kasama. Somehow, naisip ko na tama si Raj. Riley is emotionally tortured kahit hindi naman talaga iyon ang intesyon ni ate Reese. Later I will talk to her some things for her to understand.

Nang makarating kami sa venue ay humahampas ng mahinhin ang tubig sa dagat. Napanganga ako aa simple pero elegante ayos ng lugar. The wedding is beside the shore at ang lalakaran mo ay napapalibutan ng puting maliliit na corales. Puting bulaklak ang nakaikot sa maliit na altar at nakadikit sa upuan medyo marami ng tao. Nakita ko pa si Anton at Bree na kumaway sa amin.

Kalahati na ng araw ang pasikat kasabah ng paglalakad ni Lakan sa gitna. Tahimik ang lahat maliban sa kaonting ingay ng alon sa dagat. Kasabay ng paghampas ng hangin ang paglipad ng puting mahahabang tela at belo ni Lakan. Ang ganda ganda niya.

Tinignan ko si Raj na tahimik lang nakamasid. Nahuli ko pa siyang nakatingin kay Bree na may kung anong bimubulong kay Anton. Umiwas ako ng tingin dahil hindi maganda ang akin naramdaman. But then, alam ko na kahit papano ay minahal siya ni Raj.

"Ang ganda. Sana ganito din wedding niyo. Kelan pala ulit kasala niyo?" Biglang tanong ni ate Reese sa amin. Muntik ko na makalimutan na ikakasal na din pala ako. Simula kase nag propose si Raj ay hindi pa namin ito ulit napapag usap. Hindi ako kumibo dahil hindi ko alam ang sasabihin.

"We haven't talked about it yet. Maybe not now for sure." Nagulat ako ng sumagot si Raj. Hindi ko siya matignan. Hindi ko alam kung bakit nanginig ang kalamnan ko at may parte sa akin ang nasaktan at gumuho. Marriage is a big thing for me at marinig sa kanya ang ganun salita ay nakakapanghina.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon