Half way of my fifteen year was fine. Though I am still a rebellious child, na-cocontrol na ako ng tao sa paligid ko most especially ni tita Salve.
Sa taon ito, isang beses ko pa lang nakita ang mga magulang ko. Si papa ay nagbigay ng tatlumpung minuto nung birthday ko habang si mama naman ay nagbigay ng labing limang minuto nang na-ospital si tita Salve.
"Gotica!" Sigaw ni Raffy, pinsan ni Alice. Galing siya America at inilipat dito ng mga magulang dahil din sa dami ng kabalastugan ginawa. Ngumiwi ako sa kanya. I was in hurry dahil nagtext si Raj na nasa canteen siya.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. Napatigin ako sa relo ko. Tatlumpung minuto nalang ay mag be-bell na hudyat na magsisimula na ang klase. " Sa canteen?" Tanong niya ulit. Umirap ako at pinagpatuloy ang pagmamadali sa paglalakad.
"Bakit kaba nakasunod?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko naman kasi siya inaya pero nandito pa din siya patuloy sa pagbuntot.
Hindi siya nagsalita. Tila ba lahat ng sasabihin ko ay hindi naman niya iniintindi kaya hinayaan ko nalang.
Pag dating ko sa canteen ay may iilan studyante pa ang nakakalat. Nilibot ko agad ang mata ko at mabilis nahanap si Raj sa parte kung saan kami madalas umupo. Inayos ko ang uniform ko at sinuklay ang buhok gamit ang aking daliri.
"She's with his girlfriend," Raffy whispered beside me. Kumunot ang noo ko at nakaramdam ng biglaan pag init ng ulo.
Bakit ba nakasunod pa din siya sa akin? And who the hell is asking his opinion?
"Bree is not his girlfriend!"I turned to him and gritted my teeth sa nadadamang iritasyon. Alam ko na ang kasunod nito. Kaio's sister is smiling from ear to ear habang nilalantakan at hot chocolate at bagel na para sa akin.
How dare she! Akin iyon bakit siya ang kumakain?
"Sure? Bakit hindi ka makalapit?" Nahimigan ko ang pang-iintriga sa boses ni Raffy. Napatingin ako sa kanya. He was so serious looking at Raj. Nagtagis ang bagang niya. Nang naramdaman siguro ang paninitig ko sa kanya ay napatingin siya sa akin with his eyebrow shot.
Napaatras ako bigla at lalong nairita. Tinignan ko siya ng masama. He only gave me his remarkable smirk. "Bakit ba nakikialam ka? Ano ngaun kung hindi ako makalapit?" Iritang irita ako.
Huminga ako ng malalim. Nagtatalo ang aking sarili at utak kung lalapit ba ako sa kanya. I was once introduced to Kaio's sister pero hindi maganda ang impresyon niya sa akin kaya hindi na ako sumubok lumapit pa.
"Akala ko ba close kayo? Bakit hindi ka makalapit?" Tanong ulit ni Raffy. May kung anong kumirot sa aking dibdib. Baket nga ba?
Hindi ko din alam. Raj came from a good family. Even all his friends, credentials and views in life were all intimidating. Nanliliit akong pumasok sa mundo niya.
Sino ba ako? Anak sa labas. Itinatago ng mga magulang. Isang rebeldeng bata na halos pariwara na ang buhay.
Nanliit ako sa kanya at sa mundo niya. But then, kahit kailan ay hindi ko naman naramdaman o hindi pinaramdam sa akin ni Rajan na iba ako sa mundo niya.
"Bakit ang dami mong alam?" Sagot ko. Huminga ako ng malalim at napagpasyahan na umalis na sa lugar. Hindi manlang ako napansin ni Raj. At hindi din ako sigurado kung hinintay niya ba ako o hinanap manlang. The thought of it breaks me, a little. He is in his real world. Katulad lang ng magulang ko, secreto niya ako. Ako ang ibang mundo ni Raj. At hindi ako kabilang sa totoong mundo na kung anong meron siya ngaun.
Nagsimula akong maglakad. Raffy burst out a loud laugh dahilan para mapatingin sa amin ang ibang studyante. " May kinakatakutan ka pala no? Akala ko sobrang tapang mo." He said nonchantly. Hindi ko alam kung insulto ba niya iyon o ano. Ang alam ko lang ay napapakulo niya ngaun ang dugo ko.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."