OS -kabanata 3

3.8K 98 12
                                    

"Isasabay kitang umuwi mamaya. Kaio will take her ate to their home." Salita ni Raj habang binibigay sa akin ang cup ng hot chocolate at paper bag na may laman bagel. He is true to his words.

Since that day, araw araw na niya akong binigbigayan ng hot chocolate at bagel  sa umaga. Sa hapon naman ay isinasabay niya ko umuwi kapag available siya. "Pwede naman hindi na," sagot ko sabay lagok ng hot chocolate na bigay niya.

Mabilis siyang napatingin sa akin ng masama kaya napaatras ako ng bahagya. "Nice try, kid. 5 pm sharp sa parking." He said seriously. Napabuga ako ng hangin kasabay ng pag irap.

"Yes daddy!" I said and turned my back on him. Ayoko kasi makita ang ngiting tagumpay ni Raj everytime na sumusunod ako sa gusto niya. It annoys me, bigtime.

Hindi na din ako makagala kasama ang ibang kaibigan. Hindi na din ako maka-absent because obviously, hinahatid niya pa ako sa classroom ko.

Well, may benefit naman na maganda. Aside sa nag eexcel ako sa klase ay nakakabawi ako sa mga lagapak na grades ko. Mukha naman napapasaya ko din si tita Salve.

Dala ang bigay ni Raj at mabigat kong bag aksidente kong natapon ang hot chocolate na hawak ko sa grupo nila Jace at Eman. Oh, no!

"Ano ba yan! Tanga kaba? Hindi mo kami nakita?" Sigaw ni Jace na pinupunasan ang sapatos na natalsikan.

"Ibang klase talaga si Gotica, college boy na ang biktima?" Tawanan nila Eman. Kinalma ko ang sarili at hindi na sila papansinin sana ng ibato sa akin ni Jace ang cup na nalaglag.

Masama ang pakiramdam ko kanina palang pero pinilit kong pumasok dahil kay Raj. Nakikita ko din naman ang effort niya to help me to be better. Yung bagay na hinahanap ko ay binibigay niya sa akin. So for me, I'm so thankful for that.

Marahan kong pinusan ang tumalsik na chocolate sa mukha ko. Lahat ng tao sa classroom namin ay nagtawanan. All of a sudden, ang sama ng pakiramdam ko kanina ay bigla nalang tumindi ngaun.

"Oh, ano Gotica, buntis kana?" Sigaw nila ng takpan ko ang bibig ko. Nagdidilim na ang paningin ko at hinang hina ang pakiramdam ko. I was not able to fight with them kasi ang init na ng pakirdam ko hanggang tuluyan na akong nawalan ng malay.

"Okay, na siya tita?" Dinig ko ang boses ni Raj. Ramdam ko din na pinupunasan ni tita Salve ang noo ko ng bimpo na basa.

Hindi ko pa maimulat ang mata ko dahil sa panghihina. Humalimuyak ang amoy ng sopas sa loob ng kwarto ko. Hindi ko alam kung sino ang may dala nito pero kumalam agad ang sikmura ko.

" I cooked sopas, tita. Sorry, nakialam na ako sa kitchen niyo." Salita niya.

" Naku kang bata ka! Ayos lang ano kaba? Nagpapasalamat nga ako at nagkaroon ng kuya si Gotica na kumakalinga sa kanya." Salita ni tita. Mabilis kong minulat ang paningin ko. Nakita ko ang hilaw na ngisi ni Raj at pagkunot ng noo.

"He's not my kuya, tita. Ano ba yan! para akong lalagnatin lalo seyo," masungit na salita ko. Napatingin sa akin si tita Salve na nanliliit ang mga mata. " Kumain kana, Icai. Nagluto si Raj ng sopas." Binalewala niya ako. I don't want to look at tita.

Basta.
Ayoko lang.

"Ako na po bahala, tita." Si Raj.

Unti unti kong dinilat ang mga mata ko ng naramdaman ko ang pagsara ng pinto ko. Hawak hawak ni Raj ang mangkok na may sopas habang pinipilit kong umayos ng upo.

"What?" I asked him. Medyo kasi masama ang tingin niya sa akin kaya bahagya akong natakot. Hindi ko nga alam kung bakit ako napapasunod ni Raj na hindi sa akin magawa kahit na ni tita Salve.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon