Mataray na mga mata niya ang sinukli niya sa akin ng magtama ang mga mata namin. Mabilis niyang nilibot ang mga mata sa buong lugar.
Tahimik ako. Maging si Rajan ay tahimik lang din at hindi na nagsalita. We both stare at her mom who is curiously roaming the place. Napatingin siya sa anak ko na kitang kita dito sa labas dahil bukas ang pinto ng kwarto ko.
"Ma!" Halos mapalundag ako ng sumigaw si Raj at mabilis na hinablot ang mama niya na papasok sa kwarto ko kung nasaan si Riley.
"Calm down, Raj. I'm just looking around." She said to Raj. Tumikhim naman siya ng mahuli niya akong nakatitig sa kanya.
Riley maybe is in his deep sleep. Kase, kung mababaw ang tulog niyan ay gising na yan ngaun at nagtataka.
"Ma.. please.." pilit pa din hinihila ni Raj ang mama niya. Ang kalmadong muka ng mama niya ay napalitan ng matinding iritasyon ngaun.
"What are you doing Rajan? Sabi ko tinitignan ko lang ang lugar! Naiintindihan mo ba un?" Galit na sigaw nang mama niya. Kitang kita ko kung paano nag igting ang panga ni Raj. Iritado ang mga mata niyang nakatanaw sa ina.
Napapikit ako ng mariin ng makita ang tinitignan ng mama ni Raj. It was the pregancy test kita! Pagdilat ko ng mata ay marahas na hinablot iyon ni Raj sa kamay ng ina na nakatunganga sa pregnancy kit.
"This is absurd, Raj." Dismayadong dismayado ang mama niya. Umiling lang si Raj sa kanya. Nang medyo humupa ang iritasyon ng mama niya at hinaplos nito ang pisngi ni Raj.
"You're doing good anak. I know you are doing this for me. For us. All we have will be going gone soon. Marry her soonest. Take back what is ours." Salita ng mama niya na tila ba nawala sa katinuan. Marahan niyang hinaplos ang pisngi ni Raj na tila ba inaamo. Umiling si Raj sa kanya at kumuyom ang panga ng paulit ulit.
"Please, ma. Accept what is happening. Accept that all you have is really hers." Kalmado ngunit may diin sabi niya sa mama niya.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako sa mga naririnig. Kundi dahil umaabot kami sa punto na ganito. I haven't claimed anything pero ganito na. Paano pa kapag tinanggap ko na?
Tumawa ang mama niya sabay tingin ng masama sa akin. Napalunok ako at bahagyang napaatras. Nakita ko kung paano nahihirapan si Raj. Sa huli, mas pinili pa din niyang lapitan ako at humarang sa harap ko na tila ba pinoprotektahan ako.
"Ma please. Lets accept the fact. Hindi niya kasalanan yun. Wala siyang kasalanan. Blame papa for this." Sagot ni Raj sa ina. Umiiling ang mama ni Raj at halata sa mukha niya ang pagkadismaya.
"I know it's hard for you pero nandito ako. You know that I got you, right?" Mahinahon at puno ng lambing na salita niya sa ina. Nasasaktan ako dahil nahihirapan si Raj. Alam na alam kong nahihirapan siya dahil pareho niya kaming mahal ng mama niya.
Alam ko at dama ko ang pagmamahal niya sa ina. I understand him on that part dahil kahit hindi siya tunay na anak ay ang mama niya pa din ang nagpalaki at sumuporta sa kanya.
"I'm not worrying, Raj. I know I can count on you. That's the reason why you are marrying her diba? To still be in power? Ano naman ang alam ng isang disgrasyadang babae about sa company and stocks? Pababagsakin lang niya ang lahat." Salita ng mama ni Raj.
Kitang kita ko kung paano nag pipigil si Raj. Marahan kong hinaplos ang braso niya para ipaalam sa kanya na ayos lang ako. I know that her mom is lying. Raj would never do that to me. Ramdam ko at kita ko ang intesnyon at pagmamahal niya sa amin ni Riley.
Sinisira lang kami ng mga tao sa paligid dahil sa pera na iniwan sa akin. I can't believe that some people, even if they live the wealthiest life all their lives. They can still be this low.
"She's smart ma, and besides, it's her money. She can do whatever she wants. Wala na tayo dun. Kahit maubos pa un." Sagot ni Raj. Nanlaki ang mga mata ng mommy niya na gulat na gulat at parang hindi makapaniwala sa sinasabi ng anak.
"I can't believe you Raj. She's smart but you are clever! I know you're into something. Hindi ako naniniwala na ipagpapalit mo ang buong buhay mong pinag hirapan out of your stupid love for stupid girl." Sagot ng mama niya.
Nanghihina ako napa upo sa sopa. I know his mama is just provoking me nor Raj pero may sakit pa din ako mararamdaman. Why can't she just be happy for us? Bakit ganito pa. Hindi ko naman kukunin ang lahat at hindi naman ako magdadamot.
"Ma, please if you can't respect her just leave." Rajan said. He is losing his temper. Matigas ang pagkakasabi niya at halatang ubos na ang pasensya.
Tumayo ako para pigilan si Raj at yakapin ng humakbang siya para sana palabasin ng unit ko ang mama niya. Nakitaan ko ng galit ang mga mata niya.
Narinig ko ang halakhak ng mama niya. She is really provoking Raj to hurt her. "Hindi mo kaya, Raj." Humalakhak siya ng malakas. Narinig ko pa ang iyak ni Riley marahil nagising dala ng ingay ng mama niya.
"Mama!" Riley shouted. Nakita ko ang pagtakbo ng anak palapit sa amin. Nakatingin ang mama ni Raj sa anak ko na tila haharangin ito. Instinct na siguro ng isang ina na bigla akong tumakbo kay Riley. But then, naramdaman ko ang matigas na bagay sa paa ko dahilan para mapatid ako at tumumba kami ng anak. Lalong lumakas ang iyak ni Riley. Ngumiwi ako ng bahagya dahil sa pag kirot ng tyan. Nadaganan ko si Riley kaya mas nabahala ako. Isang mura ang pinakawalan ni Raj at tsaka kami dinaluhan.
Nawala ang yapak ni Raj. Napatingin ako sa likod kung san pipigilan niya ang mama niya na ibato ang vase na hawak sa amin.
"Stop it!" Sigaw niya. Out of his control ay napalakas ang tulak niya sa mama niya. Kitang kita ko kung paano humampas ang ulo ng mama niya sa sahig hanggang nawalan ito ng malay.
Rajan is shaking while looking at his mom. Hindi ko nakayanan ang sakit. Tumili si Riley kaya napatingin din ako sa binti ko na puno ng dugo.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."