OS- Kabanata 5

3.6K 92 10
                                    

"Wake up!" Sigaw ni Raffy habang hila ang kumot ko. Si Alice naman ay abala sa pagkalkal ng closet ko.

Binaluktot ko lalo ang sarili sa loob ng kumot habang panay ang hila ni Raffy. "Ano ba!" Patuloy ang pagbawi ko sa kumot.  

Sabado ngaun at walang klase. Bakit ba ang aga aga nila dito? Ayokong tumayo. Ayokong gumalaw. Gusto kong ipahinga ang nasugatan kong puso.

Hindi niya ako gusto. Wala siyang pagtingin sa akin. Tanging awa lang at habag ang nadadama niya. Umasa ako. Umasa ako na baka kahit sa ka-onting bahagi niya, ay pareho ang nararamdaman niya.

Oo, gusto ko si Raj. Sa murang edad ko ay alam ko at naramdaman kong gusto ko siya. Ang malaman na sa paningin niya ay isa akong bata na naliligaw ay nakakapanghina.

"Gising na nga, bata!" Hila ulit ni Raffy sa kumot ko. Sabi nga nila, biruin muna ang lasing, wag lang ang bagong gising! Idagdag mo pa na broken hearted ako!

"Sinabi nang hindi ako bata! And you know the thing respect? Hindi mo ba nakikita na natutulog pa ako?!" Bulyaw ko. Si Alice na nagkakalkal ng damit ko ay biglang natigilan. Si Raffy naman ay literal na nalaglag ang panga habang mabilis na napaatras.  

"Okay, sorry." Nawala ang kulay ng mukha ni Raffy. Hindi ko naman siya masisi dahil ngaun niya lang nakita ang side ko na to'.

"Bakit mo kasi ginising?" Malumanay na salita ni Alice. Hilaw siyang ngumiti sa akin habang tinitigan ng masama si Raffy.

Ibang iba na si Alice sa paglipas ng panahon. Ibang iba sa akin. Sopistikadang manamit at kumilos. Maganda ang grado sa skwela at madaming kaibigan.

" Icai, sorry kay Raffy ha?  I wont bring him again next time." Hilaw pa din ang ngiti niya. Tila ba natatakot. Tumingin ulit siya kay Raffy na mukha pa din gulantang.

"Umuwi ka na nga!" Taboy nito sa pinsan. Napabuga ako ng hangin at bahagyang nakonsenya sa itsura ni Raffy.  Ganun pa man, I'm not in the mood para sa kakulitan niya. Hindi ako bastos para pigilan si Alice na paalisin siya pero hindi ko din gusto ang presensya niya sa ngaun.

Worried is all over his face. Yumuko ako para hindi makaramdam ng habag. Huminga ng malalim si Raffy sabay labas ng silid ko. " Sorry, Gotica." Damang dama ko ang sinseridad sa boses niya. Hindi ako sumagot o ano. Hinayaan ko siyang lumabas.

Pagsara ni Alice ng pinto ay mabilis niya akong nilapitan at binatukan. "Aray!" Daing ko.

"Ano yun ha?" Madrama siyang umirap sabay balik sa closet ko.

" Wala," sagot ko sabay himas ng parte ng ulo ko na binatukan niya. Nakatitig ako kay Alice habang naghahanap pa din ng damit. Through the years, I never imagine that Alice would be like this.

"Sus! may narinig ako kay Raf," salita niya na sa closet ko pa din ang mga mata niya. Napamura ako ng mahina.

"He's so nosy. Wag kang maniwala sa kanya!" Sagot ko. Kinusot ko ang mga mata at pinusod ang sabog sabog na buhok. Nanliit ulit ang mga mata ni Alice habang tinitignan ako.

"Better be sure, Icai. I hope everything is in control. I know you are not dumb to know where you stand." Ngumiti ng malungkot si Alice sa akin kaya napaiwas ako ng tingin. Huminga ako ng malalim at nag iwas ako ng tingin. Tinuloy niya ang ginagawa.

Bumaba muna ako para sa kumain ng tanghalian. Hindi ko namalayan na mag aalas dos na pala ng hapon. Kaya pala matindi na ang pagkulo ng aking tyan.

Pag dating ko sa kitchen ay may kung anong ginagawa si tita Salve. "Oh, gising kana pala. Kumain kana." Salita niya ng makita ako. Nilamas niya ang mga lacatan na saging at binuhos sa isang bowl.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon