RAJAN DUKE ESQUIVEL
Wala akong matandaan sa memories ko nung bata pa ako. Ang natatandaan ko lang lumaki ako kay Camille Esquivel at binigay niya sa aking ang lahat ng bagay na pwede ibigay ng isang magulang.
"Why are you spoiling him? Let him have what he want the hard way!" Dinig kong nag aaway si mama at papa. Ang tanging natatandaan ko ay walong taon gulang ako noon. Mayroon kasing isang sikat na game console noon na medyo kamahalan kaya nagpabili ako kay mama. Sa ganung edad, mulat na ako na mayaman ang mga magulang ko.
Alam kong kaya nilang ibigay ang gusto ko lalo na at nag iisang anak nila ako. But then, papa is so hard on me. Palagi siyang galit o di kaya ay pinagdadamutan ako.
Hindi ko siya maintindihan. Sa ganung edad, sinabi ko sa sarili ko na ipapakita ko sa kanya na ang mga kakayahan ko. Sa buhay, sa skwela at sa kung ano pa man na maaring maging proud siya sa akin.
She loves all of me. Bata palang ako, sumusunod na ako kay mama. Hindi ako siguro kung mabait lang ba talaga ako o tinatanaw ko lang lahat ng pagmamahal at kabutihan na binibigay niya sa akin.
"He's our son. Of course I will spoil him. Ano ang masama?" Si mama. Galit na galit kay papa. Tumawa si papa ng tila ba may nakakatuwa sa sinabi ni mama. "Anak mo! He is not my son." Sagot ni papa.
Hindi ko na pinakinggan ang mga sumunod na sinabi niya. Tumakbo ako palayo sa kanila. Simula ng araw na iyon ay pinangako na magiging proud din siya sa akin.
I was twelve ng nadiskubre ko sa sarili na may puso ako sa negosyo ng magulang. Magaling ako gumuhit at pangarap na balang araw ay mag-design at bumuo ng sarili kong eroplano.
Airlines ang main business ng pamilya. Kaya pinilit kong ituloy ang hilig para naman mapakinabangan kapag dumating na ang tamang araw.
"He's the valedictorian. Hindi ka manlang talaga nagpakita sa ceremony? How dare you!" Galit na naman si mama ng makauwi si papa.
Graduation ko kanina sa elementarya at ako ang valedictorian. I was waiting for papa to be there at para na din masaksihan ang magiging reaksyon niya kapag nakita niya na nag tagumpay ako sa batang edad,
Wala siya. Hindi siya dumating. Bigong bigo ang pakiramdam ko pero hindi ko iyon pinahalata kay mama.
"I'm busy. I told you! And what's the point to go there? It's waste of time." Sagot ni papa. Hindi na ako tinablan ng mga sinasabi niya dahil bata palang ako ay ganun na ang pakitungo niya. Siguro, may parte lang talaga sa akin na somehow, makikita niya ang effort at potentials ko at maipagmamalaki niya ako bilang anak niya.
Hindi ko kase maintindihan kung bakit kahit kaonting sympatya ay wala siyang mabigay sa akin. I did try my best to show him that I'm worth it but maybe everything I did is not enough.
"At sino ang worth it sa time mo? Ang paghahanap sa bastarda mong anak? Sa anak niyo ng kabit mo?" Sigaw ni mama.
Sobrang nagulat ako sa sinabi niya. May kapatid ako? May anak si papa sa ibang babae? Kagaya ng dati ay tinigil ko ang pakikinig sa pag aaway nila.
Bawat araw ay mas lalo lang yata lumalala ang away nila. Hindi ko binigyan ng pansin ang mga iyon dahil madidistract lang ako sa goal ko sa buhay.
Kahit alam kong hindi naman ako ma-aapreciate ni papa, ginagawa ko pa din ang best ko because part of me still hoping that he might noticed me someday and be proud of me.
"This is Rajan." Pakilala sa akin ni mama sa isang kaibigan niya ng kolehiyo. Nagbeso sa akin ang magandang babae kasama ang isang batang babae na halos kasing edaran ko.
"Raj, this is your tita Sasha and her daugther Bree." Pakilala ni mama. Tumango ako sa bata na pulang pula ang pisngi. Inignora ko ito at nagpatuloy sa ginawa ko sa IPad na dala ko.
Lumipas ang mga araw at napapadalas ang pagkikita ni mama at tita Sasha. Kadalasan din ay sinasama ako ni mama at kasama ni tita Sasha ang anak niya.
"Wow! You are good." Napatingin ako kay Bree na mangha mangha sa ginuguhit ko. Tumingin lang ako sa kanya ng malamig at binalik ang atensyon sa pag- guhit.
Lumipas ang panahon ay natutunan kong makisama sa kanya. Mabait sa akin si Bree dahil dama ko ang special na pag tingin niya sa akin. But then, may parte sa akin na kapatid lang talaga ang tingin sa kanya.
Tumuntong ako ng kolehiyo. Gusto ko sana mag aral ng mechanical engineer o piloto but papa insisted na mag structural engineer ako. Kahit ayoko ng kurso ay yun pa din Ang kinuha ko just to please my father.
"Dude, it's my birthday today! Don't be rude." Sabi ni Kaio, kapatid ni Bree. I feel sorry for him. Hindi kase maganda ang mood ko dahil sa pagiging clingy ni Bree. Lahat n kaklase kong babae ay kung hindi aawayin ay ginagawan ng kalokohan.
Naiinis ako dahil hinahayaan siya ni tita Sasha gawin iyon kahit mali. Ang sabi kase niya ay nalayo sila kay Bree ng mahabang panahon at ngaun lang sila bumabawi. I don't get the point. Maybe, iba iba lang talaga ang paraan ng magulang sa pag dedesiplina at pagpapakita ng pagmamahal sa mga anak nila.
Kinagabihan, hinihintay ni mama si papa para a birthday ni Kaio. But then, ilan oras na ang lumipas ay walang papa na dumating.
We still went to the party. All of the elite member of the society was there. Hindi ko alam kung bakit pinalagpas ito ni papa. It's vey rare that we went to a party as family. Simula siguro bata ako at bilang ko lang ito sa daliri.
Bandang mag aalas dose ay halos wala nang tao. Kami nalang ni mama ang halos nasa party. I know that she's drunk kahit sinasabi niya na tipsy lang siya.
"Camille, can I ask a favor?" Tita Sasha suddenly asked. Tumingin pa siya sa akin kaya may naramdaman akong mali.
"Of course, Sasha. What is it?" Si mama. Tahimik ako at nagpaggap na may ginagawa pero ang atensyon ko ay nakatoon kay tita Sasha.
Bumuntong hininga siya. "It's about Bree and Rajan actually. Bree is so fond of Raj and he asked me to tell Raj to be his boyfriend." Problemado niyang sabi. Alam kong may iba sa pagtingin sa akin ni Bree pero hindi ko maintindihan kung bakit nakakaya ni tita Sasha na sabihin ito.
Tumawa si mama. " of course, he is my son. He will be her boyfriend." Pagmamayabang ni mama. Hindi ko alam kung matutuwa ako pero hindi din ako makapagsalita. Tumingin sa akin si mama.
Gusto ko magalit o magreklamo pero wala akong nagawa. Pakiramdam ko ay utang na loob ko kay mama lahat kaya kailangan kong suklian iyon.
"I'm sorry Raj, this is for the mean time. I believe you're just Bree's infatuation." Sabi niya sa akin. Naawa ako sa mga mata ni tita Sasha na malungkot. Wala akong nagawa kundi tumango sa kanya. "Okay, tita." sagot ko.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."