Ayoko man maapektuhan sa mga sinasabi ni mommy at mommy ni Raj ay hindi ko magawa. Tumatakbo ito sa isip ko at maghapon akong nilalamon ng kaisipan na kaya niya lang ako sinusuyo ngaun ay para sa pera na iniwan ni papa.
Seriously? Kahit ako ay hindi ko alam iyon. I don't have any single thought of it. Ni hindi ko pa nga nakakausap ang abogado ni papa. Which makes me want to. Bakit ganito magalit ang mommy ni Raj sa akin? Bakit ganito nalang ako habulin ni mommy? Anong meron?
Narinig ko ang mahinhin na halakhak ni Bree marahil siguro ay tapos na silang kumain. Ako? Eto ako at hindi manlang nagalaw ang nabiling pagkain.
Nawalan ako ng gana. Nawalan ako ng ganang kumilos dahil sa pangyayari. Mabuti nalang at umalis ang mommy ni Raj sa buildig kasabay ng pag taboy ko kay mommy.
Madaming tanong si Mika sa akin pero pinagwalang bahala ko nalang. Wala ako sa disposisyon para sagutin ang mga tanong niya sa akin kanina.
Tumawag di si Raj at kakain lang daw nila ni Riley ng tanghalian. I talked to him casually kahit may parte sa akin ang nasasaktan.
Ano nga ba ang intensyon sa akin ni Raj? What happened earlier clouded my mind but I'm still giving Raj and what is happening the benefit of the doubt.
Mahal ko si Raj. Pero sa mga tao sa paligid namin ay nakakaramdam ako ng pagdududa kung ano ba talaga ang totoong intensyon niya sa akin.
"Ayos ka lang?" Napasinghap ako ng lumabas si Lakan sa harapan ko. Kumunot ang noo niya ng mapansin ang pagkakagulat ko. Umupo siya sa tapat kong upuan at tinitigan ang bawat galaw ko.
Ngumiti ako ng tipid. "Ayos lang ako." Sagot ko. Tumaas ang kilay ni Lakan at hindi pa din inaalis ang mga mata sa akin na tila ba sinusuri ako.
"Hindi ka okay. I can see and feel it." Sagot niya. Napabuntong hininga ako. Wala naman akong kawala because somehow, kilala ako ni Lakan. She was my friend when I was in Australia.
Tumango ako at nagdesisyon na ikwento sa kanya ang nagyayari ngaun sa buhay ko. She's all on me. Nakikinig siya sa bawat detalye ng kwento ko at tinatanaw ang bawat buka ng bibig ko.
Hindi siya nagsalita habang nagsasalita ako. She gave me time to talk and detailed everything. Nang matapos ako magkwento ay napangangs si Lakan na parang hindi makapaniwala.
"Wow! I never thought that this is happening to you. Akala ko sa movie lang yan napapanood." Salita niya na may halong pagkamangha. Kahit nakangiti siya ay hindi mo mararamdaman ang panghuhusga sa kanya.
"Lakan!" Sigaw ni sir Brent mula sa loob ng office niya. Nahihiya akong tumango sa kanya para bumalik doon pero umiling siya.
"Wait! I'm talking to Gotica." She shouted back. Nandoon din sa loob kase si sir Anton at maam Bree. Wala nang sagot mula kay sir Brent kaya nagpatuloy si Lakan.
"You know what. Ang sarap pala ng magiging buhay mo if you claim what is yours. Bakit hindi mo kunin?" Tanong niyang biglaan. I was caught in the act by her question. Pakiramdam ko kase ay hindi ito nararapat para sa akin.
Nagkibit balikat ako. "Kase feeling ko hindi ako deserving for that. Hindi naman ako ang naghirap sa iniwan sakin ng totoo kong papa." Sagot ko.
Nakita ko ang pag nguso ni Lakan at pag iling sa akin. " And who you think deserves it? Legit ka. Nag iisang anak. You think you don't deserve it? Parents worked hard for the sake of their kids. At sa tingin mo hindi ka karapatdapat para sa iniwanan ng papa mo?" She asked me seriously. Ngumuso ako at tumango. Umiling si Lakan na tila ba dismayado.
"Sto being a saint, Gotica. Hindi mo ba alam kung ilan bata o tao ang pinangarap na mapunta sa lugar mo? I even envy you for having that. Be greatfull instead. And besides, para yun sa future mo at ni Riley. Hindi naman siguro iiwan sayo ng papa kung ano man yun kung alam niyang hindi ka deserving." Mahabang lintaya ni Lakan.
Tumahimik ako at tumanganga sa harap niya. At some point ay alam kong tama siya. That would help me achieved my dreams at give Riley everything he needs. Sadyang hindi ko lang talaga kayang sikmurain ang kaisipan na aasenso ako dahil sa minanana.
Natatakot akong hindi ko mapanindigan ang mga prinsipyo ko. Natatakot ako na baka lamunin ako ng buhay na maibibigau sa akin ng iniwan sa akin ni papa.
"But then, ikaw pa din ang magdedesisyon niyan. Pero gusto ko ay mag isip ka. Ayan na yan, e. All you need to do is claim it. Mind your pride but don't mind the hardship and being broke. Ganun ba gusto mo?" Huminga ng malalim si Lakan.
"Magulang kana din. Alam kong naiintindihan mo ang sinasabi ko." Ngumuti siya at tumayo. Lumapit siya sa akin to bent down para magpantag kami at tsaka niya ako niyakap ng mahigpit.
"Don't doubt Raj love for you. He's not after your money. Believe me." She said. Tumayo siya at ngumiti ulit tsaka tuluyan pumasok sa office ni sir Brent.
Napabuntong hininga ako kakaisip na kung ano ang dapat gawin para matahimik ang lahat. Ganun pa man, naliwanagan ako sa pag uusap namin ni Lakan. May parte sa akin na sinsabi na tama siya pero may parte sa akin ang nagsasabi na hindi na.
Tinapos ko ang mga dapat tapusin sa opisina. Umalis na din sila sir Brent ng maaga dahil pupunta daw sila ng Batangas ng magkakasama. They even invite pero tinangihan ko sila.
Mag aalasais na ng matapos ako. Hindi ko na halos namalayan ang oras kaya nagulat ako ng biglang dumating si Raj at Riley sa opisina.
"Mama!" Masayang masaya ang anak ko na patakbong tumungo sa akin. I hug him tight. "How was your day?" Tanong ko.
"Great! PAPA and I designed some planes. It's so happy." Sagot niya ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
Tumakbo na si Riley sa loob ng office. Napatinin ako kay Raj na titig na titig pala sa akin. Pagod akong ngumiti sa kanya kaya napakunot ang noo niya.
"Are you okay?" He asked worriedly. Pumunta ako sa table ko para iayos ang mga files na dala ko.
"Yes. Ikaw? Kamusta araw mo?" Tanong ko. Hindi agad siya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya. Nag iwas pa ako ng tingin dahil alam kong pinagmamasdan niya ang bawat galaw ko.
"Are you sure? May nangyari ba?" Tanong niya ulit. Hindi ko alam kung madali lang ba akong basahin o kilalang kilala lang niya ako. Sa itsura niya. Alam na alam ko na alam niya na may dinadala ako.
Umupo ako sa gilid kaya sumunod siya. Napatingin pa ako kay Riley na patuloy ang pagtakbo sa loob ng opisina.
"Can I asked you something?" Tanong ko sa kanya. Nag -igting agad ang panga niya.
"Of course. What is it?" Sagot niya.
Nilaro ko ang daliri nagdadalawang isip kung magsasabi ba ako sa kanya. Huminga ako ng malalim at hinarap siya.
"What if tanggapin ko yung mana ko kay papa?" Tanong ko. Ako naman ngaun ang nagbabantay ng magiging expresyon niya. Nakitaan ko siya ng gulat na agad din nawala.
"That's fine. Sayo naman talaga yun." Sagot niya. Tumango ako at hindi pa din inalis ang mga mata sa kanya.
Kinagat ko ang labi ko. Nahihiyang hinarap siya." Can I ask you again?" Salita ko. Nagtataka man ang mga mata niya ay tumango siya.
"Did you know how much papa has given me?" Tanong ko. Umigting ulit ang panga ni Raj at tumango.
"Can you tell me?" Tanong ko. Huminga ng malalim si Raj. Kahit nagtataka ang mga mata niya at tumango ulit siya.
"Everything." Sagot niya. Nalaglag ang panga ko. Shit!
"Everything as in everything?" Nanginginig ang kalamnan ko sa takot at gulat. That gave me an excruciating goosebump. Tumango si Raj sa akin."Yes. Everything. As in lahat." Sagot niya.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."