OS- Kabanata 33

2K 63 12
                                    

Hindi na ako nakakatulog at wala na akong pahinga. Pangalawang araw nang nawawala si Riley at hindi ko na alam kung saan ako mag sisimula o patuloy na maghahanap.

"Walang balita sa mga police?" Tanong ni Alice. Patuloy pa din ako sa pag ikot sa lugar kung saan malapit sa bahay. I even posted Riley's picture sa mga posteng nadadaanan. Halos wala akong kain, tulog at pahinga sa sobrang pag aalala.

"Wala daw." Si Raffy ang sumagot kay Alice. Umuwi muna kami sa bahay para makakain sila at makapagpahinga. Kung ano kase ang ginagawa ko ay sinasamahan nila ako. Halos hindi na din sila nakakapahinga ng maayos dahil sa akin. At sa pag hahanap kay Riley.

Hindi ko kayang manatili sa bahay o magpahinga hanggat hindi ko alam na maayos ang anak ko. Kinuha ko ang susi ni Raffy at tumayo. "Saan ka pupunta?" Sabay nilang tanong ni Alice. Natigilan din silang dalawa sa pagkain.

"Hahanapin si Riley." Sagot ko sa kanila.

"Kumain ka muna para may lakas ka. Wala ka nang tulog, wala kapang kain." Salita ni Alice. Umiling ako sa kanila. "Hindi ko kayang kumain hanggat nawawala si Riley." Salita ko.

"At hindi mo din mahahanap si Riley ng maayos kung ikaw ang mawawala." Sagot ni Alice. Pinunasan niya ang bibig niya at tumayo.

"Sa tingin mo ba makikita mo si Riley pag hindi ka kumain at nagpahinga? Or worst magkasakit ka." Salita niya. Umiling lang ako at hindi pinansin ang sinalita ni Alice. Alam kong tama ang sinasabi niya pero sadyang hindi ko lang kaya at ng isip ko na maging maayos habang ang anak ko ay nawawala.

Nasaan siya? Paano siya kumakain? Nakakatulog ba siya? Umiiyak ba siya? Halo halo yan sa utak at hindi ako matahimik. Hindi ako matatahimik hanggat hindi ko nahahawakan si Riley ngaun. He's all I have at gagawin ko ang lahat para lang makita siya.

"Ako nalang--" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng manghina ang tuhod ko at umikot ang paningin ko. Napabalik ako ng upo sa inuupuan ko kanina dahil pakiramdam ko ay mahihimatay ako.

"Yan ang sinasabi ko. Ang tigas kase ng ulo mo.!" Si Alice na kahit panay ang pag talak sa akin ay inalalayan pa din ako. Nanatili akong nakapikit dala ng matinding pag kahilo at pag baliktad ng sikmura.

Marahil ay tumaas na naman ang acid sa aking tyan dahil sa hindi pagkain sa nakaraang araw.

Unti unting umayos ang pakiramdam ko ng subuan ako ng soup ni Raffy habang nakabantay pa din si Alice.

"Magpahinga ka. We will wake you up later para ituloy ang pag hahanap kay Riley or kami muna iikot habang tulog ka." Si Raffy ang nag salita to assure me. Parang akong na-hypnotismo sa bawat buka ng bibig ni Raffy ay unti unting bumigat ang talukap ng mga mata ko.

"Mama!" Sigaw ni Riley mula sa malayo. Nakita ko ang kasihayan sa mga mata ni Riley habang takbo ng takbo sa kalawakan ng damuhan habang hawak ang eroplanong laruan.

"Careful!" Sigaw ko. Masyado na siyang lumalayo sa pwesto ko kaya hindi na ako mapakali.

Naupo si Riley sa damuhan kaya naisipan ko siyang sundan. "Why did you stop?" Tanong ko ng makalapit. Ibinaba niya sa damo ang laruan at tumingin sa kalawakan.

"I don't know either. Bigla akong nalungkot mama." Salita niya sabay nguso. Huminga ako ng malalim at hinimas ang mahaba niyang buhok.

Tumahimik ako at tumingin din sa kalawakan ng asul na langit.

"Mama," sagot ni Riley. Unti unti ay humiga siya sa hita ko at pumikit.

"Bakit wala si papa?" Tanong niya. Napahinto ako saglit. Tumitig si Riley sa akin. Ang mga mata ng anak ay puno ng lungkot at pangungulila.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon