Life is indeed mysterious. Sabi nga nila, hindi namam tayo bibigyan ng o ilalagay sa situation na hindi natin makakayanan.
Life is also unpredicting. Para kang nasa loob ng libro na may mga bagay na di mo inaasahan mangyayari. Some are for the better and some are for the worst.
Dahan dahan akong dumilat. Puting silid at nakakasilaw na liwanag ng ilaw ang bumungad sa akin. Ngumiwi ako ng bahagya ng makaramdam ng kirot sa akin tuhod na agad din nawala.
"Icai," si Alice bumungad sa akin. Alalang alala ang itsura niya.
"Are you okay? May masakit ba sa iyo?" Tanong niya. Nakatitig siya sa akin na puno ng pag aalala. Nilibot ko ang mata sa lugar. I was looking for Riley. Bigla kong naalala ang nangyari kagabi.
"Asan si Riley?" Tanong ko kay Alice. Bumuntong hininga si Alice at hinawakan ang kamay ko. "He's fine. Nasa bahay na at kasama si Raffy. Napacheck up na din siya and he's totally fine. Ikaw ang kamusta?" Salita niya.
"Bakit hindi mo sinabi na buntis ka?" Tanong niya ulit. Nahimigan ko pa ang tampo sa boses niya kaya napatingin ako sa kanya.
"I'm sorry. Kagabi ko lang din na-confirmed." Sagot ko sa kanya. Pumikit ako ulit at biglang naalala ang maraming dugo kagabi sa binti ko at mommy ni Raj na nawalan ng malay.
"Nakunan ba ako?" Tanong ko kay Alice. May parte sa akin ang parang gumuho sa naalala.
Huminga ng malalim si Alice at hinawakan ang kamay ko. "Hindi. Pero maselan ang pagbububtis mo. The doctor said you need a full bedrest for the first trimester of your pregnancy." Seryosong sabi ni Alice.
Nakahinga ako ng maluwag dahil sa kanyang balita. Hinawakan ko pa ang tyan ko dahil sa saya. My baby is strong.
"Maswerte ka at kumapit mabuti ang anak mo. You need to follow the rules Icai or else mawawala ang anak mo. Bawal ka din ma-stress so you need to give up your work for the mean time." Panay ang pangaral sa akin ni Alice.
I'm so thankful that I have her. Kase, hindi niya ako hinusgahan sa pangalawang pagkakataon. And for me, I don't consider this as mistake dahil blessing ito. We made it out of love at ginusto namin pareho. Not that I considered Riley as mistake. Si Riley ang unang blessing na dumating sa buhay ko.
"Paano ang pag aaral ko? Wala akong masyadong ipon. Paano ang work ko? Paano kami?" Sunod sunod na tanong ko. Umirap si Alice sa akin at umiling ng sunod sunod.
"Madami kang hindi sinabisabi sa akin lately." Umpisa ni Alice. Nahimigan ko pa ang pagtatampo sa boses niya.
"You can have a extravagant life even if you don't work all your life. Alam mo ba ang iniwan sayo ng totoong daddy mo?" Simula niya. Umiwas ako ng tingin ng makaramdam ako ng guilt. Wala kase pa akong sinabi kay Alice about sa parte na iyan.
Ang alam niya lang ay ako ang totoong anak ng papa ni Raj end of story. Lumakad siya at kumuha ng mono block. Hinila niya iyon sa tabi ng kama ko at umupo dito.
"You can have a better life without even trying. Mabibigay mo ang lahat sa anak mo, Icai. You can give Riley a better life and your coming baby." Saliya niyam tahimik lang ako at nakikinig sa kanya.
"Hindi dahil hindi ka parte ng binubuo ng papa mo kung ano man ang iniwan niya sayo ay wala kanang karapatan. Parents worked hard for their children," huminga siya ng malalim. Tumango ako kase tama siya sa parte na iyon. I worked hard too para kay Riley at magiging future namin. Ganyan din Ang Sabi ni Lakan sa akin.
"Apparently, ikaw ang nag iisang legit na anak niya. Dugo at laman. So why are you feeling guilty na sayo iniwan ng papa ang lahat? Deserve mo yun for living a miserable life all your life dahil pinabayaan ka ng mga magulang mo." Paliwanang ni Alice. Hindi ko alam kung bakit nalungkot ako sa mga sinasabi niya. Ang luhang pumatak sa mga mata ko ay mabilis kong pinahid.
"I'm saying this not to hurt you, Icai." Salita niya ng mapansin ang pagiging emotional ko. Ngumiti ako ng tipid at tumango sa kanya.
"Sinasabi ko sayo to' for you to understand. Para hindi ka maguilty. Wala kang kasalanan sa gulo ng mga magulang mo noon. Deserve mo yan. Sayo talaga dapat yan. Think of it. Buntis kapa ngaun ulit." Sabi ni Alice. Tahimik akong nakatitig sa kanya. Nag- iisip.
If I take it. Alam kong magisismula iyon ng gulo. And how about Raj? Paano siya kapag kinuha ko iyon? Alam ko isa siya sa naghirap at tumulong magpalago ng lahat. I don't want to claim everything to think na may mga tao akong masasagasaan.
"How about, Raj? Pimaghirapan niya iyon." Sabi ko kay Alice. Bahagyang nagulat si Alice pero sa huli ay tumawa siya ng pagkalakas lakas. Kumunot ang noo ko habang pinapanood siya. Ano naman ang nakakatawa sa sinabi ko?
"You have a lot of experience but still naive, Icai. You think Raj is dumb?" Sabi ni Alice. Lalo akong naguluhan sa sinasabi niya.
"If you think Raj will be a rat poor if you take all. Mag isip ka mabuti, Icai. You don't know his experiences and capabilities. Hindi siya tanga para lang maghirap." Sabi ni Alice.
Imbes na matulungan niya ako ay lalo lang nagulo ang utak ko sa mga sinasabi niya. "Kamusta ang mommy niya? Si Raj?" Tanong ko ng biglang maalala. Ayoko muna isipin ang mga sinasabi ni Alice. I have a lot to think pero sa ngaun ay pahinga ng utak at kapayapaan ang gusto ko.
Dati, akala ko kapag naging okay ang lahat lalo na kami ni Raj ay wala nang magiging problema. Hindi lang pala sa sarili at pagmamahal umiikot ang mundo. Maybe, Alice was right. I'm still naive.
"His mom is fine. Ang alam ko ay pauwi na ito mamaya. Raj was here earlier. Pero pinuntahan niya ang mama niya. Si Raj lang ang meron ang mama niya for now." Sabi ni Alice. Tumango ako sa kanya at hindi na nagsalita. I don't want to dwell to anything right now dahil pagod ang pakiramdam ko.
Magpapahinga sana ako pero mau biglang kumatok sa pinto ko.
"Sino naman to'?" Tanong ni Alice ng buksan niya ang pinto. Napatingin ako sa bisita ng nanlaki ang mata ko.
"Mika?" Tanong kong nagtataka. How did she know I am here? Her jolly face was gone. Her face is serious but you can see she's worried.
"Bakit ka nandito?" Tanong ko ulit. Si Alice ay pinagmamasdan lang kami.
"I need to tell you something, Gotica." Sabi niya. Nanatili akong kalmado kahit bahagya akong kinabahan. Napakaseryoso naman kase ng muka niya.
"What about---" hindi na niya ako pinatapos.
"About Raj. And his real family." Sabi niya kaya ako natigilan.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Kurgu Olmayan"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."