OS- Kabanata 14

3.4K 119 23
                                    

"Good bye, Gotica. Thanks for today!" Sagot ni Lakan isang sikat na vlogger dito sa Australia. Sa kanya ako nagtatrabaho ngaun.

Personal assistant niya ako dito. Kasama sa trabaho ko ay tiga ayos ng gamit niya at ng bahay niya. Sometimes sinasama niya ako sa gig niya kapag kailangan talaga.

Galing siya ng Pinas. Nang minsan ay naabutan ko siyang iyak ng iyak ay nakwento niya sa akin ang parte ng masalimuot niyang buhay. Hindi sila mayaman. Kagaya ko, galing siya sa mahirap na pamilya. Ang pagkakaiba namin ay siya ang kumakayod sa murang edad para mabuhay ang pamilya. Sadyang matayog lang ang pangarap niya sa buhay. I admire her kasi alam kong ginawa niya ang best niya para marating kung nasaan man siya ngaun.

She also said na dapat ay ikakasal siya noon pero hindi ito natuloy. Hindi naman na niya sinabi kung kanino. The rest is history.

"Thank you din." Sagot kong malaki ang ngiti. Binigyan niya kasi ang anak kong si Riley ng mga damit at laruan.

Halos apat na taon na ang nakakalipas ng ipinganak ko si Riley. Hindi ako nakabalik sa school coz' I don't have the means. Graduate na din si Alice at Raffy. Mayroon na din silang magandang trabaho. They offered me na pag aralin pero tumanggi ako. Tama na.

Masyado nang malaki ang utang na loob ko sa kanila at madami na silang naitulong sa amin ng anak ko. Ang pag aralin pa nila ako ay kalabisan na at hindi ko na masisikmura. At kung mag aaral man ako, gusto kong ako ang naghirap para doon.

Marami akong trabahong pinasok. Nandoon ang naging fastfood crew ako, cashier at ano pa. Dahil hindi ako nakapag aral, madalas kong makuha ay maglinis ng bahay ng kapwa ko Pilino na nakilala dito.

Sa awa ng diyos, maayos naman ang kita sapat para buhayin ang anak ko at makabukod ng tirahan.

Nag iipon din ako para makapag aral. Nag apply din ako sa ibang mga company ng scholarship kapalit ng pagtatrabaho sa kanila habang pinag aaral ka nila.

Marami akong natutunan, marami akong hirap na dinanas pero lahat ng iyon ay hindi ko iniinda. Tignan ko lang ang anak ko ay nawawala lahat ng hirap at pagod ko. Riley is my everything and I would defenitely give him what he truly deserves hanggang sa abot ng makakaya ko.

Dati ay wala akong pangarap sa buhay. Pero nang dumating si Riley ay nabago ang lahat. Binago niya ako pati ang pananaw ko sa buhay.

Nakangiti akong naglakad pauwi. Medyo natuwa pa ako ng biglang umulan ng butil butil na snow.

Marahan ako at inenjoy ang bawat butil ng snow na pumapatak. Hindi naman din kalayuan ang bahay ni Lakan mula sa apartment ko. Ayoko naman mag- taxi dahil nanghihinayang ako.

Pag dating ko sa sa flat na inuupahan ay narinig ko agad ang maktol ng anak ko at tawa ni Raffy.

"You are lying!" Sigaw ni Riley kay Raffy. Hinahampas ng laruan ni Riley si Raffy habang patuloy ang pag ilag ni Raffy.

Nagulat ako ng bahagya. Alam kong madalas sila mabangayan ni Raffy pero ngaun lang yata nanakit si Riley. Marahil ay hindi na niya nakayanan ang pag aasar ni Raffy.

"I'm not. Bati na tayo." Malambing na salita ni Raffy. Akmang bubuhatin niya ang anak ko ng umiwas ito. Umiling ako at napangisi.

Nang dumating ako kung nasaan sila ay ngumiti si Raffy sa akin at tumayo ng maayos.

"Mama!" Sigaw ni Riley. Nadurog ang puso ko ng makita ang anak na excited na papalapit sa akin. Mabilis siyang tumakbo sa akn at kumapit ng mahigpit sa binti ko.

"Bakit po ang tagal mo?" He innocently asked. Kinurot ko ang pisngi ni Riley kaya bahagya siyang napangiwi. "Why are you shouting? Bakit inaaway mo tito, Raffy?" I asked him instead.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon