OS- Kabanata 31

2.3K 55 4
                                    

"Mom," gulat na gulat ako. Ang laki na ng pinagbago niya. Sa ilang taon na hindi ko siya nakita at nakausap ay nakakagulat talaga. She is still beautiful pero makikita mo sa mukha niya na nag ka edad na talaga siya.

She smiled weakly at me." How are you, Gotica?"she asked seriously. Napatingin pa siya kay Riley ng tumakbo ito at yumakap sa akin.

"What are you doing here?" Tanong ng mama ni Raj sa mommy ko. Ngumiti ng nakakaloko si mama sa kanya. "Why? You own the place, Camille, huh?" I don't know what's wrong but somehow my mom sounds sarcastic and bit angry.

"Mama..." salita ni Riley. Humigpit ang kapit niya sa akin na tila ba takot na takot. Niyakap ko ang anak at yumuko para halikan ang ulo niya.

"Is he my grandson?" Tanong bigla ni mommy na medyo gulat pa. Kinukuha pa niya ang kamay ni Riley pero matigas si Riley at ayaw ibigay. Lalong kumapit si Riley sa hita ko at hindi nagpaubaya.

"Anak ko siya." Tanging sagot ko sa sariling ina. Wala naman na akong galit sa kanya for being gone and left me alone for a long time. I just don't want them to include in what I have right now lalo na kay Riley. I dont want my son to experience what I've been through.

Ayoko makalapit sila sa anak ko dahil ayokong masaktan si Riley. I don't want to keep those people who are for temporary. At lalo na ay kung hindi nila tatanggapin si Riley as their family. Kaya kong mahalin ang anak ko at poprotektahan ko siya at all cost.

"What happened to you, Gotica?" My mom asked. Ang nakakagulat lang ay may himig ng pagkabigo at sakit ang boses niya.

"Mama, who is she?" Tanong ni Riley at patuloy ako kinalabit. Tumingin ako sa anak at inisip kung ano ba ang dapat sabihin sa kanya.

"Riley, come." Singit ni Raj. Lahat kami ay napatingin sa kanya. Nakita ko pa kung paano nagbalik balik ang tingin ni mommy kay Raj at kay Riley habang nanalalake ang mga mata.

"You've got to be kidding me." Salita ni mommy. Humigpit ang hawak ko sa anak. Lumapit sa amin si Raj at pumwesto sa harap namin na tila ba pinoprotektahan kami sa lahat.

"Raj, " kalabit ko sa kanya. I can protect myself. I just don't want Riley to get involve to this mess.

"Please... take Riley home. Susunod ako." Salita ko. Kumunot ang noo niya sa akin.

"At bakit mo inuutusan ang anak ko?" Singit ng mama ni Raj. Nag tagis ang bagang niya at hindi ito pinansin.

"Are you sure?" He sound so worried. Parang ayaw niya akong iwanan. I nodded and smiled weakly to assure him that I'm fine.

"Please.." ulit ko. Nagpakawala siya ng buntong hininga at tinangay si Riley palayo sa lugar.

"Rajan! Come back here!" Sigaw ng mama niya halos buong tao sa restaurant at hotel ay nabagabag. Hindi iyon pinansin ni Raj. Tuloy tuloy siyang naglakad hanggang mawala siya sa paningin ko.

"You home wrecker bitch! Manang mana ka sa nanay mo!" Sigaw ng mama niya sa akin na galit na galit. I don't understand where she is coming from. Wala naman akong ginawang masama sa kanya. Ano ang sinira ko?

"Don't talk to my daughter that way." Singit ni mommy. Nalaglag ang panga ng ilang saglit. Buong buhay ko, ngaun ko lang narinig na tinawag niya akong anak niya. I'm just not sure if I need it now. Kase, wala naman na akong naramdaman. Pain is the only thing I remember looking at her now.

Sana noon pa. Noon, sobrang pinapangarap ko na marinig iyon mula sa kanila ni daddy. Now, wala na sakin iyon. I accepted the fact that they will never accept me. And they will never be my family.

"Really? Teach me how to talk to her then?" Sagot ng mama ni Raj. Nagtataka lang ako kase magkakilala ba sila? At sa paraan ng pag uusap nila ay parang may iringan sila na hindi ko maintindihan.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon