To Raffy
Are you still mad? I need you now. Please.
Isang buwan na ang nakalipas ng huli akong kausapin ni Raffy. I feel so lost. Hindi ko na din matawagan si Raj pagkatapos ng gabi na iyon.
I tried to reach him pero wala talaga akong mapala. Pati ang kaibigan niyang si Kaio ay ayaw naman magsalita. Hindi naman ako maghahabol sa kanya. I just want to know if he's okay dahil mamatay na ako sa sobrang pag aalala.
Napabuga ako sa hangin at sumalampak sa sofa. Christmas sembreak namin ngaun. Ang lahat ay nag eenjoy sa bakasyon nila habang ako ay hindi manlang magkaroon kahit kapayaan manlang.
Tumunog ang bell na ginagamit ni tita Salve when she needs something. She is bedridden now. She can't even lift a glass of water to serve herself. Imagine how fast it happened in a month. Hindi ko siya kayang makita na ganito pero nilalakasan ko ang loob ko para sa amin.
Gusto ko na sumuko pero hindi ko kaya. Masyado kong mahal si tita. Kailangan ko muna isantabi ang personal kong problema na ako din naman ang may gawa.
Wala akong makuhang tulong sa mga magulang. Si mommy ay nasa ibang bansa ngaun kasama ang mga anak niya para doon mag aral at manirahan. Si daddy naman ay nagretiro sa pulitika at tumira na din sa ibang bansa. Ni isa sa kanila ay walang nakaalala kahit na pangangamusta manlang.
Even then, wala na kaming nakuhang balita o ano pa man sa kanila. Ang tanging bumubuhay nalang sa amin ay ang perang naipon ni tita Salve na halos ubos na. Hindi ko naman kayang pag sabayin ang pag aaral at trabaho. Isa pa, I'm just 17, san ako hahanap ng trabaho. At kapag naman may nahanap ako, sino ang mag aalaga kay tita Salve?
Hindi ko alam kung malas ako o sumpa. Simula yata lumabas ako sa mundo ay hindi na ako nakaramdam ng kapayapaan.
I went to tita Salve's room to ask for what's she needs. Pag dating ko sa roon ay medyo napahinto ako ng makaramdam ako ng pagbaligtad ng sikmura at pagkahilo. Panlalamig sa buong katawan at takot ang naramdaman.
Nang maayos na ako ay tinuloy ko ang pag pasok sa kwarto ni tita. Her bell fell on the floor while I guess she is in a deep sleep.
Huminga ako ng malalim at pumikit ng makaramdam naman ako ng hilo dala marahil ng pagyuko.
Lumipas ang oras at nagawa ko na ang lahat ng gawain bahay. I just felt weird dala ng katahimikan.
Tinignan ko ang cellphone ko pero wala manlang mensahe kahit kanino. I even stalk Rajan, Raff and Jace profile but they are not all active.
Nanlumo akong binaba ang cellphone at nagpatuloy sa mga ginagawa.
Napagpasyahan ko na kumuha ng pagkain para dalin kay tita Salve. Bago ako umakyat. Tumunog ulit ang cellphone ko. I hurriedly went to it but it was just another bill.
Hindi ko na alam kung saan ako kukuha ng pantustos o pambayad ng mga bills. I can't contact either of my parents. I don't have anything. Ang pera ni tita ay halos ubos na din.
"Tita," salita ko ng mailapag ko ang tray nang pagkain. Tinitigan ko si tita Salve na ganun pa din ang posisyon simula kanina. I don't know there's a part of me literally broke.
Nanginginig akong hinawakan siya. Isa isang tumulo ang luha ko ng malamig na si tita Salve at matigas. I know this is going to happen pero bakit ngaun? Bakit agad agad?
I stayed calm tho. Tahimik akong umiyak sa kawawang ina inahan ko na wala na ngaun. Sumalampak ako sa tabi ng kama. The grief, loneliness and being alone pains me looking at her. Paano na ako ngaun? Kahit pala hinanda ko ang sarili ko ay hindi ko pa din pala maalis na matakot at masaktan ng ganito.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."