"Icai, hindi mo tinutulungan ang sarili mo kung palagi kang nakahiga at nagmumukmok." Alice started her rants two months after being here in Australia. She let me mourned for tita Salve's death, and maybe she gave me time to adjust for everything.
But today, mukang naubos ko na ang pasensya niya. Simula pa kanina ay panay na ang talak niya sa akin. Siguro, hindi lang ang pagluluksa at depression ang dinadaanan ko. Mabigat din ang katawan ko dahil buntis ako!
Hindi ko alam kung depress ba ako o dala lang ito nang pagbubuntis ko. My tummy is almost five months and I can feel my baby moving around inside me. What do I know in pregnancy anyway?
I can't tell them my situation coz' I feel ashame. Sa lahat ng pinag daanan ko ay eto ako ngaun, magiging magulang sa murang edad.
Bumabaliktad ang sikmura ko pero pilit ko itong pinipigilan. Patuloy ang pagtalak ni Alice habang ako ay nagpipigil dito sa higaan.
Nahihiya ako sa totoo lang. But then, kahit ako mismo ay hindi alam kung saan ako magsisimula o paano ako gagalaw.
"Nakikinig kaba, Gotica?" Lumingon siya sa akin. Bahagya akong nakaramdaman ng kaba sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Calling me Gotica means, she is serious.
Huminga ako ng malalim. Tinitigan ako ni Alice ng nanliliit ang mga mata. Inaangat ko pa ang comforter para matabunan ang aking tyan.
"Tumataba ka," she said. Butil butil ang pawis ko sa noo kahit maginaw dahil umuulan ng snow dito.
"Hindi ah!" Sagot ko, kabang kaba. Tila ba binabasa ni Alice ang nasa utak at mabuti siyang nakatingin sa katawan ko. Tumaas ang kilay ni Alice at nagsimulang magligpit ng kwarto ko.
Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko ay pinilit ko pa din tumayo. Masyado naman nakakahiya kung si Alice pa ang gagawa nito para sa akin.
"Ako na," matamlay kong sabi. Kahit pilit kong pasiglahin ang sarili ko ay nanamlay pa din ang pakiramdam ko.
Talagang lugmok na lugmok lang ang pakiramdam ko at wala akong gana magkikilos. Hindi naman ako pwede mag inarte dahil utang ko na nga na kinupkop nila ako. I just can't imagine her reaction kapag nalaman niya na nagdadalang tao ako.
Huminga ng malalim si Alice. "Oh sige, baba kana para mag breakfast. Nandun din si Raffy."
Tumango ako. May sariling apartment si Alice na nakabukod sa magulang niya. Wala siyang pasok ngaun araw pero alam kong may partime si Alice mamaya.
Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Paano ako kikilos kung nag dadalang tao ako?
Nasan kaya si Raj? Simula ng huling punta niya sa bahay ay literal na wala na akong balita sa kanya. Pinilig ko ang ulo sa iniisip. Hanggang ngaun, hindi pa din siya nawawala sa isip ko.
Gusto kong magalit sa kanya at manumbat. Pero para saan? Lahat nang nangyari ay ginusto ko at binigay ko ng buo sa kanya. Binigay ko kahit hindi niya naman hiningi. Ganoon ko lang talaga kamahal si Raj.
I don't need him now, or.. ever. I'm not mad at him but I've learned my lesson. Hindi na ako aasa sa kanya dahil alam kong babalik at babalik siya sa taong mahal niya. Hindi ko na hihilingin na makita siya o mahalin niya ako. Para saan pa?
By now, baka may sarili na siyang buhay at masaya. Nevertheless, nagpapasalamat ako sa kanya because he gave my forever.. our strings.. our baby.
Ayoko ng safety, if I tell him that I'm pregnant is still futile. Maaring tulungan niya ako pero hindi pa din magiging priority kahit ang anak ko. Ayoko nun. Ayoko maranasan ng anak ko ang buhay ko. Buhay na nakatago sa mundo. Buhay na may kulang. Buhay na binanalewala.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."