Gabi na nang umuwi si Raj lastnight. Ayaw pa nga niyang umuwi pero literal ko siyang pinagtabuyan.
Masyadong needy. Inaruga ko na at lahat siya pa ang nanunumbat. At isa pa sa kinaiinis ko sa kanya ang paulit ulit niyang sinasabi na paghihiwalayin niya kami ng boyfriend ko daw.
Umiling ako ng paulit ulit sa kaisipan na pinagseselosan niya si Riley. In time may be, sasabihin ko sa kanya at ipapakilala ang sinasabi niya na lalake ko daw.
Ugh! And why do I need to explain myself to him? I owe him nothing. Hindi naman kami at hindi magiging kami. Hindi ko alam kung ano ang plano o ginagawa niya pero may parte pa din sa akin na takot ng maniwala.
Binuksan ko ang glass door sa balcony. Papasikat na ang araw at kitang kita ko mula dito ang nagtatayugan na mga building. Mausok na kalsada at maiingay na sasakyan.
Mag aalas sais 'y medya na at tamad na tamad akong gumalaw. May klase ako ngaung umaga kaya hapon pa ang punta ko sa Ibanez para magtrabaho naman.
Sa ilan buwan ko sa Ibanez at mga ginawa, nasasanay na ako pati ang katawan ko sa broken scheds ko. May araw na mahirap pero kinakaya ko.
Living in the city demands high cost of living. Hindi ako pwedeng tatamad tamad dahil papasok na rin si Riley sa darating na pasukan.
Umupo ako sa upuan at hinigop ang kapeng tinimpla. I was about to call my son when a message suddenly popped up.
From Unknown number
- Goodmorning. I will fetch you later.
Kumunot ang noo ko at bahagyang kinabahan. Hindi ko man kilala ang nag-message ay duda ako kung sino ito.
Me
Sino ka?
I still need to confirmed it. Baka mamaya ay isipin nitong nagmessage na nagmamaganda ako.
From Unknown number
- Raj.
Ngumuso ako ng mabasa ang reply. Masyadong maikli pero ang laki ng impact. Hindi na din ako nagtaka kung kanino niya nakuha ang number ko. He has his ways and connection.
Me
Hindi kita service.
Sagot ko. May parte kase sa akin ang napepressure kapag nandyan siya at malapit sa akin. I know I shouldn't feel that way pero hindi ko talaga magawa. Pag dating talaga sa kanya, big deal iyon palagi sa akin. Ganun pa man, sinave ko pa din ang number niya sa phone ko.
From Raj
I want to be your service. I want you. I want you to own me as much as I want to own you.
Reply niya. Tumunganga ako sa cellphone ko. Napailing ako habang nagingiti. He's older than me but he's acting like a highschool baby. Seriously?
Me
Ang korni mo! Tigilan mo nga ako!
Sagot ko. But then, hindi ko mapag kaila na kinilig ako. I never entertained any guys nung nasa Australia pa ako. Kahit nga si Raffy noon na vulgar nang sinasabi at pinaparamdam ang damdamin sa akin ay binabara at binabalewa ko.
Siya lang talaga ang nakakapagbigay ng langit sa akin... Nawala ang ngiti ko sa naisip. Raj can give me the heaven feeling as well as hell. Siya lang talaga.
Ang daya daya ng mundo! Bakit kung sino pa yung taong nanakit sayo ng paulit ulit. Siya pa din yung taong gusto mong balikan at piliin ng pa-ulit ulit.
From Raj
-that's something I couldn't give you.
Lalong humataw ang puso ko sa bilis ng tibok! Umagang umaga ka naman Raj! Now what? Kailangan ko mas maging ma-ingat. Now that Rajan believes that I'm into someone else ay baka malaman niya ang tungkol sa anak namin.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."