"You've kept that for ages. Why do you need to sell it now?" Tanong ni Raffy sa akin. I smiled at the Burj Khalifa statue that I'm holding now. Ibinenta ko kasi ito kay Lakan para sa birthday ni Riley ngaun at para ibili ng ticket niya pauwi ng Pilipinas.
I sadly looked at this poor statue. Aside from my son, itong statue na ito ang pinaka-magandang nangyari sa buhay ko. Bumuntong hininga ako at umiling. I can't forever keep the memory of him. Dapat ay burahin ko na siyang tuluyan sa sistema ko. Pero sino ang niloko ko?
Tumingin lang ako kay Riley ay siya ang palaging nakikita ko.
Besides, hindi ko na ito madadala sa Pinas dahil medyo malaki din ito.
"It's okay. Kailangan, e." I told him. Bumuntong hininga si Raffy sa akin. Kailangan ko din bayaran ang last payment ng apartment ko. Bukod sa hindi na umuuwi dun si Alice dahil kay Jace na siya nakatira. Ganun din si Raffy dahil malayo ang trabaho niya.
Nakakahiya naman kung iaasa ko pa sa kanila iyon.
"We can help-" hindi na natapos ni Raffy ang sasabihin niya ng pinutol ko ito.
"I told you. I'm fine at madami na kayong naitulong sa akin. I don't even know when can I repay you and Alice pero sobrang salamat sa inyo. And besides, it's just a statue anyway."
Tinignan ako ni Raffy with his suspicious eyes. "This is not your farewell speech right?" Nakakunot ang noo niya.
Tumawa ako. "Hindi noh!"
Pagkahatid ko sa bahay ni Lakan ng statue, bumili kami ng cake at malaking lobo na number four dahil 4 years old na si Riley. Umorder lang din ako ng ilang pagkain at inumin. Wala naman akong masyadong bisita. Sila Alice lang din at ilan naging kaibigan.
Malaki ang ngiti ko habang kinakantahan namin si Riley. Natatawa pa ako dahil mangiyak ngiyak pa si Alice.
Nagresign din si Alice at Raffy sa trabaho para umuwi ng Pilipinas at samahan kami ni Riley.
Kasabay ng birthday ng anak ko ay despidida namin dahil bukas na ang flight namin.
Nung una nga ay pinagtalunan namin ni Alice ang desisyon ko pero nagpumilit ako. Bukod sa magandang opportunity ito para mag grow ako ay kasiguraduhan nito ang magandang future ni Riley. Sa huli, pinagbigyan nila ako at pinili nalang na supportahan.
Takbo ng takbo si Riley at tuwang tuwang binubuksan ang mga regalo sa kanya.
"Mama! Look may airplane!" He said happily. Tumango ako sa kanya at lumapit. "Wow, it's cute. Who gave you that?" Tanong ko.
Kinuha ko pa ang balot para basahin kung sino ang nagbigay. Nanliit ang mata ko kay Raffy na ngaun ay nakataas ang kamay.
"What to do? Support his dreams right?" Bungad ni Raffy sa akin. Kinuha ko ang shot glass na hawak niya at mabilis itong nilagok.
"Thank you." Tanging nasabi ko. Wala naman talagang masama. Sadyang bitter lang siguro ako kay Raj kaya ayokong nakakakita ng mga bagay na may koneksyon sa kanya.
But then, Raffy was right. Kung iyon ang gusto ni Riley, sino ako para bawalan ang anak kong mangarap dahil lang sa bitter ako.
Nang alas otso na ng gabi ay halata na ang pagod ni Riley kahit madami pang bisita at nag-iinuman ay pinasok ko na siya sa kwarto niya para linisan at patulugin. Hiniga ko si Riley sa kama at hinaplos ang mahaba niyang buhok.
"Gotica Dior, Gatchalian! You are so wanted outside!" malakas na sigaw ni Alice.
"Mama.. They're noisy.." ngumuso ang anak kong si Riley. Itinaas ko ang comforter hanggang leeg niya.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Saggistica"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."