OS- Kabanata 46

1.7K 30 2
                                    

"Mommy, wake up!" Dahan dahan kong minulat ang mga ko dahil sa gising ni Riley. Wala na si Raj sa tabi ko marahil ay pumasok na sa opisina.

Lately ay tanghali ako nagigising kahit ayaw ko naman. Minsan nga ay hindi pa ako nakakapasok sa online class dahil mabigat ang pakiramdam. Tinatambakan tuloy ako ng mga task na si Raj madalas ang gumagawa.

"One minute, Riley." Tamad kong sagot sa anak sabay pikit ulit ng mata. Narinig ko ang malalim na buntong hininga ng anak. Bumuntong hininga ako at dinilat ang mga mata. Ayoko kasing nafufrustrate si Riley.

Hindi siya nagseselos sa magiging kapatid niya pero ayokong maramdaman niya na hindi na siya ang priority ko.

"Eto na gigising na ang mommy." Ngumiti ako at niyakap ang anak. Niyakap ako ni Riley at tsaka pinaghahalikan sa pisngi. Panay ang tawa namin dalawa.

Ang tanging nagpahinto sa amin ay nang gumalaw ang tyan ko. Ilan segundo kaming tumungangang dalawa. Kitang kita ko ang pagkamangha ni Riley sa tyan ko.

Nakuha pa nga niyang yumuko para halikan ito. "Don't get jelous baby okay? We love you." Riley said. Ngumiti ako at hinaplos ang buhok ni Riley na hanggang ngaun ay mahaba pa din. Ayaw din kase niya ito paputulan at ayaw din ni Raj. Minsan nga ay napagkakamalan pang babae ang anak ko dahil sa buhok niya.

Lumabas kami ng kwarto. Palagi kong sinasabi sa sarili na ayoko tumira sa condo ni Raj kapag nanganak na ako. Hindi ko naman ito masabi dahil wala akong pang ambag para ibili ng bahay. Kung tanggapin ko kaya ang mana ko sa totoong ama? Palagi iyan nagtatalo sa isip ko pero hanggang ngaun ay hindi ko pa din mapag desisyunan.

Madaming tao ang matutuwa at makikinabang. Paminsan minsan ay kinukilit ako ni mommy. Sadyang hinigpitan lang ang seguridad namin kaya kahit mommy ni Raj ay hindi makatapak dito sa building.

"Where is tita Reese?" Tanong ko kay Riley. Wala kase siya paligid. Hindi ko madama ang presensya niya. "In her room. Still sleeping mama." Sagot ni Riley. Tumango ako at namangha sa dami ng pagkain na nasa mesa.

"Who cooked this?" Manhang mangha kong tinignan ang pagkain. Kumalam pa agad ang tyan ko ng makita ang spam at bacon na nakakahiligan ko nitong nakaraan araw. Kumuha ako ng ubas at tsaka ito sinubo.

"Papa," sago ni Riley. Palagi talaga akong ginugulat ni Raj. Madalas kase siyang magluto ngaun at halos ayaw na akong pahawakin o pagawain sa bahay. I never thought that he knew how to do household thingy. At ang sarap niya magluto! Mind you!

Umiling ako ng si Riley ang nagsalin ng gatas sa baso. Halos matapos pa ito kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Ako na baby," sagot ko. Nakita kong napanguso ang anak at halos maiyak.

"Bakit?" Tanong ko. He looks dissapointed. " I promise papa to take care of you and the baby in  your tummy. Why did you take the milk from me?" Nanlake ang mga mata ko ng ngumuso siya at ambang iiyak.

Lumapit ako sa kanya. Tumalungko ako para magpantay kaming dalawa. "I appreciate that baby. But I'm okay. Your papa is just over reacting. I can still do anything. And besides, I am the one who supposed to take care of you." Hinalikan ko ang pisngi niya. Tumigil si Riley sa pag nguso pero mukang hindi pa din siya kumbinsido sa sinab ko. Frustration is still all over his face. Lagot ka sakin Rajan!

Tumawag si Raj ng bandang tanghali na. Ang sabi niya ay lalabas daw kami ng dinner at mayroon kaming pupuntahan. Umoo nalang ako at hindi na nagsalita pa. Alam ko naman kase na hahaba lang ang usap pero hindi siya magsasalita.

Namili ng ilan gamit at pagkain si ate Reese sa mall. Sinama niya si Riley. Ayoko sana payagan pero dahil sa kakulitan ng anak ay pinayagan ko nalang. 

Nag scroll ako sa Facabook dahil sa kainipan. Mayroon pang mensahe mula kay Lakan at Alice na parehong nanganga musta. Nakita ko ang isang bata na nakapost sa FB he needs help. He need a donor of eye. Sa murang edad ay pinagkaitan siyang makakita. Nakakalungkot ang ganitong mga balita.

Sinara ko ang socmed ko at napagdesisyunan na igayak ang sarili. Ang sabi ni ate Reese ay pabalik na sila ni Riley. Raj called too at ang sabi niya ay pauwi na siya.

Maxi dress ulit ang pinili kong isuot. Medo may umbok kase ang tyan ko at dito ako kumportable isuot.

"Are you ready?" Tanong ni Raj sa kabilang linya. Tumango ako kahit hindi naman niya nakikita. "Yup," sagot ko.

"Riley's with me," sagot niya. Hindi pa ako nakakasalita ng biglang bumukas ang pinto ng unit ni Raj at iluwa si ate Reese na mukang hinihingal pa.

"Why do I have a brother that is so rude? Ni hindi manlang ako tinulungan magbibit paakyat."

Panay ang rant ni ate Reese tungkol sa hindi pagtulong sa kanya ni Raj kaya hinayaan ko nalang. Paminsan minsan ay natatawa pa ako dahil hindi maubos ang gigil niya sa kapatid.

"Baba na ako, ate." Sabi ko ng matapos. Panay na din ang tawag ng mag ama ko sa akin. "Okay, mag iingat kayo." Salita niya. Tumango at lumabas na ng unit. Pag sakay ko ng lift ay kinabahan ako bigla. Hindi ko alam kung bakit pero hindi maganda ang pakiramdam ko.

Pagdating ko sa basement ay agad ko hinanap ang sasakyan ni Raj. Naiinis pa ako dahil pinark niya ito sa malayo.

"Mama!" Dinig kong sigaw ni Riley. Ngumiti ako at kumaway. Nakatayo silang mag ama sa labas ng sasakyan ni Raj at parehong nasa bulsa ang mga kamay. Hindi ko maiwasan mapailing dahil kuhang kuha ni Riley ang bawat kilos at galaw ni Raj. It's fine with me. Wala akobg problema.

Tatawid na sana ako ng matigilan ako sa pagkasilaw ng isang itim na sasakyan. Hindi ko na matukoy kung ano ito dahil sa liwanag ng ilaw at mabilis nitong takbo. Hindi ako nakagalaw sa sobrang takot at kaba. Narinig ko nalang ang sigaw ni Raj at pagbagsak ko sa sahig.

"Riley!!!!!" Halos marinig ng buong mundo ang sigaw ni Raj sa sobrang lakas. Mabilis na nawala ang sasakyan. Pinilit kong idilat ang mga mata kahit masakit ang nararamdaman. Nanlalabo man ang mga mata ko ay kitang kita ko kung paano dinaluhan ni Raj si Riley na walang malay at duguan. Shit!

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon