Nakatingin ako mabuti sa kanya. Sinusuri siya kung nagsasabi ba siya ng totoo o ano. But then, it hits me the fact that she knew about Rajan's family.
"Excuse me," salita ni Alice na akmang lalabas ng silid. Napatingin si Mika sa kanya. "Uh, I also want you to hear this. Alam kong kabigian mo si Gotica and you know Raj."salita ni Mika sa kaibigan ko. Kumunot ang noo ni Alice at kahit nagtataka siya ay nagkibit balikat siya at tumango. "Alright, then." Sagot ni Alice.
Dahan dahan lumapit sa akin si Mika at umupo sa pwesto ni Alice kanina na malapit sa bed ko.
"Are you okay though?" Tanong niya. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanya. Tanging pagtango lamang ang nagawa ko. Hindi siya ang witty at bubbly na Mika na palagi kong nakakasalubong sa office at pinagmamasdan ako. Mas seryoso siya ngaun.
"Paano mo nalaman nandito ako?" Tanong ko sa kanya. Yun ang unang tanong na pumasok sa utak ko. This just happened last night at tanging kami lang nakakaalam.
"I hired someone to follow you." Walang abog na sabi niya. Nanlake ang mga mata ko sa gulat. Bakit? Para saan?
"That's not right! Why did you do that?" Sagot naman ni Alice. "Bakit?" Tanong ko naman. Nanatili akong kalmado. Wala naman kase akong nabavibes na masama kay Mika eversince I met her. Sadyang masayahin at pansin ko na ang madami niyang tanong sa akin palagi.
Nagbalik balik ang tingin niya sa amin ni Alice di malaman kung sino ang uunahin. Sa huli, nagpakawala siya ng buntong hininga.
"I know it's not right. Ninakaw ko ang privacy mo. But then, I'm desperate to know Raj and of course, dahil ikaw ang pinakamalapit ss kanya. Ikaw ang pinasundan ko." Panimula niya. Nakitaan ko ng lungkot at pagod ang mga mata niya. Nanatili akong tahimik at nakatingin sa kanya.
Maging si Alice ay nanatiling tahimik at nakamasid lamang sa amin.
"For what reason? Hindi ko kase maintindihan why you are desperate and need to do that. Pwede mo naman kami or ako lapitan." Sagot ko. Tumango si Mika ng paulit ulit na tila sumasangayon na tama ako.
"I know. And I'm sorry." Sagot niya. Nagpakawala ako ng buntong hininga at tumango. Wala naman siyang ginawang masama sa akin o kahit sino malapit sa akin. Naging totoo at nagsabi naman siya ngaun ng totoo kaya ayos na iyon sa akin.
"Why are you here by the way?" Tanong niya. Naiilang ako sa mga mata niya na tila ba sinusuri ako. Ibang ibang sa Mika na palaging masaya na nangugulo kapag dumadaan ako sa lobby.
"I know what happened to your unit. Hindi ko lang alam bakt ka tinakbo dito. Sorry." Salita niya bigla.
"Dinugo ako kagabi." Tanging sagot ko. Nakita ko kung paano nagulat nag mga mata niya.
"You are pregnant again?" Tanong niya. Tumango ako." Yes." Hinawakan ko pa ang tyan ko na tila ba pinoprotektahan. Nakita ko kung paano nagbago ang expresyon ni Mika dahil sa ginawa ko.
"I don't mean harm, Gotica. Believe me or not I'm happy for the both of you." Salit ni Mika. Binalewala ko iyon. Tumikhim si Alice na alam kong medyo naiinip na.
"Bakit ang dami mong alam sa amin?" Tanong ko sa kanya. Ayoko naman siya biglain kung ano man ang alam niya tungkol sa totoong pagkatao ni Raj.
Huminga ng malalim si Mika."I was 6 years old and Raj is turning 2 that time." Simula niya. Nakuha niya ng buo ang atensyon ko. Si Alice man ay umayos ng upo at nakuha ang atensyon.
"Hindi kami mayaman. Sugarol ang papa ko at nagtitinda lang sa palengke ng gulay ang nanay namin. Isang kahid isang tuka kami. Pero kadalasan ay may oras na hindi kami kumakain dahil si nanay lang ang nagisiskap sa amin para buhayin kami ni Raj." Patuloy niya. Seryosong seryoso siya a makikitaan mo ng emosyon ang mga mata niya. Nandoon ang lungkot, sakit at pangungulila.
Nevertheless, nanatili akong tahimik. Gusto kong magkwento siya para mas maintindihan ko siya.
"Walang oras ang nanay para alagaan si Raj kaya ako ang nag aalaga tuwing nagtatrabaho siya. Hanggang nagkaroon ako ng matinding karamdaman sa murang edad." Salita niya. Ang mga luha niya ay isa isang pumapatak. Umiwas ako ng tingin dahil damang dama ko ang hirap at sakit na pinagdaanan niya sa bawat luhang pumapatak.
"Nagkaroon ako ng kidney failure noon. Malaki ang gastos para mapanatili kong buhay ang sarili ko. Hindi na makapag hanap buhay ang nanay dahil nagkasakit ako. Halos hindi na kami kumain dahil walang kumikilos sa amin. Until," natigilan siya at tahimik na umiyak.
Parang nadudurog ang puso ko isipin ang batang Raj na naghihirap noon. Magkapatid sila. Base sa kwento niya ay alam kong magkapatid sila. Makikita mo din ang resemblance nila kapag tinitigan mo siya. Bakit hindi ko ito napansin noon?
I never thought na may mas mahirap pa pala na dumaan sa kabataan nila kaysa sa akin. Ngaun ko lang narealize na maswerte pala noon kase inalagaan ako ni tita Salve.
"Kailangan namin ng pera para ma operahan ako. Wala na kami makain. Walang kuryente at tubig. Tandang tanda ko ang pag iyak ni Raj dahil sa gutom noon. Dumating si papa kasama ang isang babae. Sinabi niya na kailangan nila ng anak ng asawa niya dahil hindi siya mabuntis. Kapalit ng bata ay bibigyan kami ng 10 milyon piso." Nagpatuloy ng iyak si Mika. Pumikit ng mariin si Mika. Tumulo ang luha ko dahil may parte sa akin na damang dama at na-iimagine ang sakit na nararamdaman at pinagdaanan nila.
Kinalma ni Mika ang sarili niya at nagpatuloy ng pagsasalita. "Walang dalawang sabi ay ibinigay nila si Raj sa babae. Wala akong magawa nung panahon na yun. May sakit ako at bata para protektahan si Raj. Tandang tanda ko kung paano umiyak si Raj at paulit ulit niya tawagin ang pangalan ko ng ibigay ng mga magulang namin sa babae na iyon. Hinabol ko siya pero hindi ko siya nahabol dahil bata at mahina ako noon." Salita niya.
Unti unting tumulo ang luha ko. Damang dama ko ang sakit sa bawat salita niya. Ganito pala ang kabataan ni Raj. Hindi ko alam na may pinagdaanan din siyang ganito sa murang edad. Ang mas masakit pa doon ay wala siyang kalaban laban.
"Ginamit ng mga magulang ko ang pera para mapagaling ako. Pinilit kong gumaling noon at pinangako sa sarili na hahanapin ko at babawiin si Raj kahit anong mangyari." Huminga siya ng malalim at huminto saglit. Tila ba inaalala ang bawat detalye ng pangyayare noon.
"Araw araw nabuhay ako para hanapin ang kapatid ko na kinuha sa amin. Araw araw sinisisi ko ang sarili ko kung bakit nawala si Raj sa amin. Pinilit kong mag sumikap para hanapin si Raj. Hanggang isang araw ay naaksidente ang mga magulang ko at naiwan akong mag isa." Huminga ulit siya ng malalim. Ngaun sa parte na ito ng kwento niya ay tila ba naihirapan na siya.
"Ginamit ko ang natirang pera para mag aral at mabuhay. Ininvest ko ang maliit na halaga na natira sa kumpanya ng mga Ibanez." Salita niya.
"Naging kaklase ko si Anton noong kolehiyo. Mas matanda ako sa kanya. Nahuli ako sa pag aaral dahil sa dami ng problema. Sinubukan ko muna kase magtrabaho noon hanggang sa narealize ko na iba pa din kapag may tamang edukasyon." Salita niya.
"Doon ko nakita ulit si Raj. Hindi binago ang pangalan niya pero alam kong siya iyon. Dama ko na siya iyon. Wala akong katibayan na siya ang kapatid ko pero alam kong siya iyon."paulit ulit niyang sabi.
"Paano mo nalaman o nakumpirma na si Raj ang kapatid mo?" Pag singit ni Alice. Tumango si Mika sa kanya ng paulit ulit.
"Natatandaan mo nung bibili ka ng lunch,Gotica? Yung araw na dumating ang mama ni Raj at mama mo sa opisina?" Tanong niya.
Tumango ako. Tandang tanda ko ang araw na iyon. Sumama pa si Mika sa akin pero hindi kami natuloy dahil sa mama ni Raj at kay mommy na bigla nalang sumulpot.
"Nakita ko ulit sa wakas ang babae na kumuha kay Raj. Kilalang kilala ko siya. Kinalimutan ko ang lahat pero hindi ko inalis sa memorya ko ang mukha ng babae na iyon. Doon ko nakumpira na si Raj ang nawawalang kapatid ko." Napanga nga ako sa kanya. "Alam kong ikaw ang susi para malaman o makumpirma ko ang totoo kaya pinabantayan kita. Hindi ako nagkamali, ikaw ang nagbalik sa akin sa kapatid ko, Gotica."
Gusto kong maging masaya para sa kanila pero hindi ko alam kung paano. Nalulungkot ako sa mga nalalaman ko pero masaya ako kase mahahanap na ni Raj ang totoo niyang pagkatao.
"By the way, hindi Mika ang pangalan ko. I'm Reese Alyana Alfonso, older sister of Rajan Duke Alfonso." Pakilala niya. Parang hindi ma-absorb ng utak ko ang mga impormasyon na pumapasok. Sabay sabay kaming natahimik ng may isang katok sa pinto at bumukas ito.
"Raj," salita ni Mika sabay takbo at yakap kay Raj.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."