"Mama!" Sigaw ni Riley sa akin kaya ako nagising. Marahan kong dinilat ang aking mata at ngumiti sa anak.
Ngumiwi ako ng bahagya kong igalaw ang aking katawan. Damang dama ko ang kirot ng ibang bahagi ng aking katawan. Malata at parang binugbog ng paulit ulit.
"Are you okay?" Tanong ni Riley sa akin. Tumango ako at pinilit labanan ang kirot na nararamdaman.
"Yes. How are you?" Tanong ko. Pagod na pagod ang pakiramdam ko. Mabuti nalang at linggo ngaun kaya wala akong pasok.
Ngumuso ang anak ko at yumakap sa akin. " You didn't follow us until we went home last night. Did sir do something wrong?" Tanong niya. Natawa pa ako kase alalang alala ang mukha ng anak.
"N-no." I stuttered. Nag iinit ang pisngi ko ng maalala ang nangyari kagabi. Ni hindi ko pa matignan sa mata si Riley dala ng kahihiyan.
"Okay. He seemed nice thought." Sagot niya sa akin. Napatingin ako sa kanya at ngumiti sabay halik sa kanyang pisngi. "He is nice." Sabi ko na ikinatango ni Riley.
"Are you two friends before, mama?" Tanong niya ulit. Now, he is bit more serious and curious. He stared at me like I need to tell him every detail of the whole story.
"Riley.." sagot ko. Naghahanap ng tamang salita o nag iisip kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo.
Tumunganga sa harap ko si Riley habang ako ay nawalan yata ng salita.
Isang katok ang narinig namin kaya medyo nakahinga ako ng maluwag. Nawala kase ang atensyon sa akin ng anak. "It's open." Sagot ni Riley. Bumukas ang pinto at iniluwa si Raffy. Nagtama ang mga mata namin. Sa hindi ko alam na dahilan ay bigla siyang nag iwas ng tingin. At sa unang pagkakataon, kumatok siya ng maayos.
"Why tito Raf?" Sagot ni Riley. Bumuntong hininga si Raffy.
"You two have visitors down stairs." Sagot niya at mabilis isinara ang pinto. Ni hindi ko manlang natanong ko sino ang bisita niyang sinasabi. Ganun pa man, bumangon ako para mag ayos ng sarili.
I brush my teeth and stared at the mirror. Kitang kita ang pamumula ng pisngi at maging sa sarili ko ay nahihiya ako tignan.
Nang maayos na ako ay dinampot ko ang cellphone ko. Labing limang mensahe ni Raj ang nandoon at hindi ko na nabuksan dahil sa tawag ni Riley.
Nang makababa kami ng hagdan ay tumatawa pa ang anak dahil sa bagal ko. Hindi ko naman masabi sa kanya na masakit ang katawan ko. He will worried to death at wala naman kwenta ang dahilan para ipag alala niya.
"Goodmorning," baritong boses ni Raj ang sumalubong sa amin.
Parehas kaming natigilan ni Riley ng nagsalita si Raj. He is wearing a simple shirt and khaki shorts plus a goddamn top sidder shoes. A casual attire na bagay na bagay sa kanya. He even smiled at us. Ugh! That smile? To die for.
Kumunot ang noo ng anak ko nang mapatingin sa kanya. "You again? What are you doing here sir?" Tanong ni Riley na tunog matanda. Nakita ko kung paano nanlake ang mata ni Raj kay Riley.
Ngumiti siya ng bahagya ng makabalik sa sarili." I'm visiting you and your mama. I will ask if you can two join me today." He said casually.
Natawa ako ng tumaas ang kilay ni Riley kay Raj at ilang segundo tumunganga sa kanya tila pinoproseso ang sinabi ng ama. Sa huli nagtatalon si Riley hanggang patakbo itong lumapit kay Raj at yumakap.
"Really sir?" Sabik na sabik na salita niya. Yumakap din pabalik si Raj sa kanya at tumawa." Yes," sagot niya.
Nakangiti akong nakatingin sa kanilang dalawa. "Mama can we join sir?" Tanong ng anak sa akin. Bumaling siya akin while is hopeful that I will agree.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."