"What are you doing?" Salita ko nang makababa kami sa building. Hindi pa din inaalis ni Raj ang kamay niya sa beywang ko. Masyado naman skandaloso kapag nagpumiglas ako. Kagaya ngaun, hindi pa man ako nag ii-skandalo ay para na kaming artista na pinag tsismisan habang siya at tahimik na pinagkaguluhan.
Seeing me holding by him was a blow to people na halos windang ng makababa kami sa lift.
"Bakit kaba nakahawak sa akin?" Salita ko ng makalabas kami ng building. Hindi ko na din naitago ang iritasyon ko sa kanya. Umigting ang panga ni Raj at nanatiling nakatabi sa akin.
"Why? May magagalit ba? I can't see anything wrong." He said coldly. Umirap ako at lalong umusbong ang iritasyon.
"This is wrong!" I almost shouted. Where did he get the audacity? Nagtatanong pa kung ano ang mali. Hindi ba niya alam na lahat ng ito ay mali?
"Bakit? Kailangan ba may magagalit?" Sagot ko. Nagtama ang mga mata namin. Galit ang mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng awa at guilt para sa kanya. He has everything but he seems so lost and have nothing. Sa huli, ako din ang nag iwas ng tingin dahil wala siyang plano. He stared at me shamelessly at hindi ko makayanan iyon.
Hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako para sa kanya. Nasasaktan ako para sa sarili ko.
"And why and where are you taking me? Nasa trabaho ako." Sagot ko ulit. Gusto kong ilihis ang usapan lalo na ang nararamdaman ko. Reality speaking, Rajan is making me weak again. Nagiging marupok na naman ako. Tinitrigger niyang lumabas yung feelings ko na noon ko pa binaon.
Pumarada ang isang puting Jaguar sa harap namin. Pag baba ng valet ay mabilis nitong iniiabot kay Raj ang susi. Hindi ako sinagot ni Raj.
He proudly walked to the shot gun seat and opened it for me. Tinignan niya ako. Napalunok pa ako dahil sa mga mata niya. He may look like a monster but his eyes showed how soft he is.
Ang mga mata niya ay parang maamong tupa na handang sambahin at luhuran ka. Bumuntong hininga ako at nagsimulang maglakad. Sa bawat hakbang ko pasakay sa loob ng sasakyan niya ay kabang kaba ako. Ang mga tuhod ko ay parang yelong nalulusaw at nanlalambot.
Marahan niyang sinara ang pintuan at mabilis na umikot sa drivers seat. Madaming mata ang nakatingin sa kanya pero wala talaga siyang pakialam.
Nang makaandar na ang sasakyan niya ay hindi pa din ako mapanatag. Napatingin pa ako sa kanya. Diretso at nakafocus ang mga mata niya sa daan.
Ang bango ng sasakyan niya at amoy niya ay naghalo. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay humahataw na ngaun lalo.
Walang nagbago sa kanya. Ang malambot at expressive niyang mga mata ay nadedepina ng mahaba niyang pilik mata. Kasunod noon ay perpektong panga niya at matangos na ilong niya. His body is firmed and his musles are well toned.
Nang makita ko kung paano tumaas ang sulok ng kanyang labi at bahagyang pag ngisi ay nagpabalik sa akin sa ulirat. Umiwas ako ng tingin at dumiretso ng upo. What the heck?
Yumuko ako dahil alam kong namumula ang pisngi ko dala ng kahihiyan.
"Saan mo gusto kumain?" He suddenly said. Our defeaning silence is killing me. Galit ako sa kanya pero natutunaw niya ang galit ko na iyon. Nagagalit ako sa kanya dahil siya lang ay may kayang gumawa at magbigay sa akin ng ganon pakiramdam.
"Why me?" Sagot ko na hindi na talaga siya tinignan. I heard him sighed. Lumiko siya sa isang malaki at kilalang hotel na di kalayuan sa building.
I don't want here! I don't want anyone to see me with him. Hindi naman basta bastang tao si Rajan. Being with him in public would surely starts gossip wildfire. Ayoko maging trending bigla bigla!
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
Non-Fiction"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."