"We are coming soon," salita ni Raffy. Tinawagan niya kasi ako to ask if we are okay. Halos mag iisang buwan na din kasi simula umuwi kami dito.Wala din ako masyadong kinukwento sa kanya lalo na yung moment na nakita ko na si Rajan. Hindi naman sa ayaw kong malaman nila. Ayoko lang mag isip sila ng kung ano ano. Medyo over acting pa naman sila ni Alice pag dating sa lovelife ko.
"When? I told you na okay lang naman kami ni Riley." Sagot ko. Hindi naman kasi nila kailangan umuwi dito para sa amin ni Riley. They've done enough for us for years at okay naman na ako doon.
Ayoko naman din kase isakripisyo nila ang buhay at career nila sa Australia. Maganda ang trabaho nilang dalawa ni Alice. Hindi ko alam sa kanila kung bakit pa nila iiwan. Sinabi ko naman sa kanila na okay lang kami ni Riley. But then, like me. They are both stubborn.
"Shut up, Gotica! Basta, uuwi kami and it's final no buts." He said authoritively kaya hindi na ako kumontra pa. Napabuntong hininga nalang ako. Wala din naman sense. Mag aaway lang kami at ang ending is uuwi pa din sila.
"Okay. Okay." Sagot ko sa kanya.
After the call, tinapos ko lahat ng activities ko online para asikasuhin ang inutos sa akin ni sir Brent na mga docs sa Ibanez airlines.
Kumain na din ako at nacheck ko na si Riley na mukhang okay naman na wala ako. Ngumuso ako pagkatapos kong lagyan ng bahagyang make up ang mukha ko.
Nagsuot ako ng casual attire dahil wala naman talaga ako sanang pasok ngaun. Isang puting fitted dress at doll shoe at tsaka ko nilugay ang mahaba kong buhok.
When everything is ready bumaba na ako sa lobby ng condo kung saan ako nag stay. I can't bring Alice car dahil tumirik ito at nasira.
"Ma'am five minutes daw po ang taxi." Sabi ng receptionist sa lobby. Plano ko nalang sanang lakarin ang company pero mainit at matatagalan ako. Taxi is cheaper than calling Grab drivers. At minsan ko lang naman gagawin ito. Medyo napagod din kase ako sa dami ng research na ginawa ko. Isabay pa ang mga utos ni sir Brent para sa trabaho ko.
Tumunganga ako. Umupo ako sa reception area and watch all the busy people passing through. Abalang abala ang mga tao sa normal na araw.
Naiimagine ko pa nga ang sarili ko, that someday.. I will be like them. Will wear expensive clothes. Will eat at expensive dine in. Will pay by credit cards. Will ride a expensive car. At syempre kasama si Riley sa lahat ng iyon. Hindi naman masama ang mangarap dahil libre naman. Ito din magiging motivation para mag sumikap sa buhay.
"Icai," napatingin ako sa tumawag sa akin at nawala ang ngiti ko.
"Raj.." sagot kong pabulong. "What are you doing here?" Tanong ko, medyo pormal. Halos mabali ang leeg ng mga kababaihan na dumadaan habang nakatingin kay Raj na mukhang wala naman pakialam.
"Sinusundo kita." Nag igting ang panga niya. Nanatili siyang nakatayo sa harap ko. His stoic face made me cringed. Parang may kuryenteng naglakbay sa katawan ko sa titig niya.
Huminga ako ng malalim at umirap. Napansin ko pa ang paper box na dala niya. Kumalam ang sikmura ko sa amoy ng bagel at mainit na hot chocolate. Alam na alam ko ang amoy nito.
Ano ginagawa niya dito? He's gone for some time at natahimik ako nang mga panahon iyon. Bakit siya nandito ngaun?
"Hindi na kailangan." Sagot ko sabay tayo. Para akong nanliit ng magtama ang mga mata namin. He's so tall and muscular. His body is hot and firm. Idagdag mo pa na ang bango bango niya. The feeling is so nostalgic.
Ganitong ganito kalalim ang nararamdaman kong paghanga sa kanya noon. All his physical appearance and affection that he gave me before. But then, kailangan natin matuto sa lahat. It's hard to care and gave love without label. Hindi ako naniniwala na kayang ibigay yun ng tao na walang inaasahang kapalit. Dahil kahit ako, umasa din.
BINABASA MO ANG
Our Strings (Strings Series 3)
غير روائي"Ayokong pakasalan mo ako dahil sa obligasyon mo!" she said. "Then what do you want?" he said confused. "I want you to marry me because you love me.." she wiped her own tears. "Yung ako naman.. yung ako lang..."