OS- Kabanata 47

1.6K 42 23
                                    

"You are fine and the baby.." hindi ko na pinatapos magsalita ang doctor ng tumayo ako ng maramdam na okay na ako at wala na ang pagkahilo. No one is inside my room kaya lalo akong nabahala. Imahe ni Riley ang paulit ulit na pumapasok sa utak ko.

"Mrs. Esquivel, wait!" Sigaw ng doctor at nurse pero hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad kahit medyo may kabagalan. Nang makarating ako sa hallway ay may ilan ilan tao ang nakatingin sa akin.

"Riley!" I shouted shamelessly. Wala akong pakialam kung mapagkamalan na akong baliw o ano pa man. Literal akong mababaliw kapag hindi ko nakita si Riley ngaun mismo.

"Riley!" I shouted again. May ilan nurse na ang lumapit sa akin pero hinawi ko sila. Naabutan ako ng doctor ko na medyo hingal pa.

"You still need to rest, maam. Makakasama sayo ang ginagawa mo." Paliwanag niya sa akin. Tumanganga ako sa kanya saglit at binalewala ulit. Nagpatuloy ako sa pag sigaw ng pangalan ni Riley.

"Maam," pigil na sila sa akin. Tinitigan ko sila ng masama kaya napaatras sila. Ganun pa man, patuloy ang pagsunod ng nurse sa akin habang hinahanap ko pa din ang anak.

"Did you know where are they?" Tanong ko sa nurse na patuloy ang pag sunod sa akin. Napatingin ito sa akin na tila ba nag iisip. Sa huli, dismayado ako ng umiling siya sa akin. Kumuyom ang kamao ko at nagpatuloy sa paghahanap sa anak sa loob ng ospital.

"Riley!" I shouted again. Para na akong sira ulo na tinitignan ng lahat pero wala pa din akong pakialam. I badly want to see Riley now. Paulit ulit pang nakikita Ang imahe niya na puro dugo. Panginginig at takot na nararamdaman ko.

"Maam kung ako nalang po ang maghanap? Upo muna po kayo at magrelax. Hindi po makakabuti sa inyo yan." Salita ulit ng nurse. Paulit ulit akong umiling at hindi siya pinansin.

Lumiko ako sa hallway pakaliwa. Halos mapalundag ako ng makita na umiiyak si Alice at si Raj na nakatulala. Nandon din si Ate Reese na tahimik at may kung anong tinitignan. Parang gumuho ang mundo ko sa nasaksihan.

Ang kalabog ng dibdib ko ay hindi ko na maipaliwanag.

Sa hindi ko alam na dahilan ay parang bumigat ang bawat paghakbang ng mga paa ko habang naglalakad. Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko sa  sobrang bilis ng pagtibok nito.

"Gotica, ano ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng biglang lumitaw si Raffy sa harap ko habang pulang pula ang mga mata. Matapang ko siyang tinignan. Umiwas siya ng tingin at kitang kita ko kung paano nagtubig ang kanyang mga mata.

Nilagpasan ko si Raffy at patuloy na naglakad. Nanlambot ang mga tuhod ko ng makita na lahat sila ay nasa tapat ng morgue.

"Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanila. Nakitaan ko ng gulat ang mga mata nila. Si Raj ay mabilis na dumalo sa akin.

"Bakit nandito ka?" Salita ni Raj.  Si Alice ay lalong lumakas ang pag iyak. Halos mapaluhod na siya sa sobrang paghagulgol. Si ate Reese naman ay nakatingin lang sa akin pero walang sinabi. Bakas din ang pamumula ng mga mata niya dala ng pag iyak.

"You need to rest,Gotica." Mahinahon na sabi ni Raj. Kita ko din sa mata niya ang bakas ng pag iyak. Umiling ako at nakaramdama ng iritasyon sa kanya.

"Bakit kayo nandito? Bakit kayo umiiyak?" Pumiyok ang boses ko sa hindi ko alam na dahilan. "Nasaan si Riley?" Kalmado ko pang tanong. Humagugol lalo ng iyak si Alice ng nang bangitin ko ang pangalan ni Riley. Si Raj naman ay tumingala at umiwas ng tingin. Tumulo ang luha ni Raj. Doon na nagsimulang pumatak ang luha ko. Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa pinapakita nila.

Takot, sakit at galit ang nararamdam ko sa hindi ko alam na dahilan.

"Asan ang anak ko? Raj! Alice! Asaan si Riley??!!" Sigaw ko. Patuloy ang pagpatak ng luha ko. Si Alice ay halos hindi na makahinga sa pag iyak. Umayos si Raj ng tayo pero hindi niya makuhang magsalita. Lalong sumama ang pakiramdam ko at hindi na makapagsalita.

"Asan ang anak ko? Magsalita kayo parang awa niyo na..." nanghihinang sabi ko at tuluyan ng napahagulgol. Niyakap ako ni Raj pero tinulak ko siya.
 

"Nasaan si Riley, Raj?" Paulit ulit kong tanong pero ala akong makuhang sagot sa kanila.

"He's gone.." malamig na boses ni Raffy sa likuran ko ang umalingawngaw. Napabitiw ako ng yakap kay Raj at marahas siyang hinarap.

Isang sampal ang binigay ko kay Raffy na halos mayanig ang mukha niya. "That was not funny," galit na sagot ko. I even gritted my teeth and closed my fist.

Kumuyom ang kamao niya at nag igting ang bagang. "You think I was joking?" Galit na sabi niya.

"Stop," singit ni Raj. Galit na tinignan ni Raffy si Raj at nagpakawala ng mura. Sakit Ang tanging nakikita ko sa mga mata ni Raj.

"We were fine! Maayos kami nung wala ka eh! You mother fucker!" Sinuntok ni Raffy ang ding ding kaya nagulat ako ng bahagya. Buong buhay ko ay ngaun ko lang nakita na ganito kagalit si Raffy at nasasaktan.

"Listen to me, Gotica. I'm sorry." Salita ni Raj. Kinalma ko ang sarili at tinitigan siya. Halos hindi ako matignan ni Raj. Ang mga labi niya ay bahagyang nanginginig pa.

"Bakit ka nagsosorry?" Tanong ko. Yumakap sa akin si Raj at tuluyan niyang pinakawalan ang mga luha sa mga mata niya. Tahimik siyang umiyak. Sa hindi ko alam na dahilan ay nagtuluan ulit ang mga luha sa aking mata.

"Wala na si Riley, Gotica. He's dead on arrival." Salita ni Raj. Para akong nabingin at binuhusan ng malamig na tubig. Saglit akong natigilan. Tila ba nablangko ang aking isip at namanhid ang pakiramdam.

Napatingin ako sa pinto na may nakasulat na morgue. Nangnginig akong kumawala kay Raj ar nagsimulang maglakad.

"ICAI!" nangingig si Alice na hinawakan ang braso ko pero hinawi ko agad.

Pinihit ko ang pinto. Nangbumukas ito ay may dalawang tao sa loob na bahagya pang nagulat. May tatlong katawan sa loob na natatabunan ng puting kumot.

"Maam, hindi ka allowed dito." Salita ng isang lalaki ngunit hindi ko pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad. Binuksan ang unang kumot. Katawan ng isang matandang babae ang lumantad. Nanginginig ulit akong naglalakad. Pagdating ko sa pangalawa ay marahan ko ulit binuksan ang kumot. Halos mawalan ako ng buhay ng makita si Riley na maputla, nakapikit at malamig na. Nanginginig akong hinawakan ang medyo matigas na niyang katawan.

No! No! No! Ang pinakamamahal kong anak ay nakaratay dito at walang buhay. Ako dapat ang nanjan! Ako dapat ang nagpopretekta sa kanya pero ako ang prinotektahan niya. Walang kasing sakit na ang batang nagmahal at minahal mo. Ang bumuo sayo at naging dahilan para lumaban sa buhay ay wala na...

"RILEY!!!!!!!!!!!!!" Sigaw ko at saka niyakap ang anak na wala nang buhay.

Our Strings (Strings Series 3) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon