Night Before the Eclipse: Exposed Disguise
BUMALIK sa akademiya ang apat kasama si Charles. Lahat ng atensyon ay nasa kanila. Mistulang mga lamok na naman na umuugong sa tenga ang bawat estudyanteng madaan nila.
“Excuse me lang po,” bungad ni Alfred nang makita ang hindi niya kilalang si Charles. “Ipinagbabawal ang pagpasok ng sinumang hindi personnel o students dito sa akademiya. Hangga’t maaari po ay umalis na kayo ngayon.”
“Pero naging estudyante na s’ya rito. Hindi ba pwedeng rason ‘yon para papasukin s’ya,” sambit ni Cid.
“Pasensya na Cid. Kahit na naging student s’ya rito noon, still, hindi s’ya maaaring makapasok dito. Hindi naman sa judgmental ako pero ‘yong looks kasi n’ya ay hindi applicable dito sa PAG.”
“Pero...” Natigil si Cid dahil pinigilan siya ni Charles.
“Ayos lang anak. Maghahanap na lang ako ng marerentahang apartment d’yan sa malapit.”
“Kailangan agad nating sabihin kay Sir Claudius na nandito na si...” nabiting sambit ni Aryan nang may nagsalita sa likuran nila.
“Hindi na kailangan,” wika ni Sir Claudius. “Charles, masaya akong ligtas ka.”
“Sir Claudius, masaya akong makita ulit kayo. Pasensya na ngayon lang ako nakabalik dito. Mahabang istorya.”
“Halika kayo sa silid ko. Doon natin pag-usapan ang mga nangyari sa’yo. Pag-uusapan din natin ang ginawa n’yo Team D.A.C.S. na pagsuway sa rules ng PAG.”
Nagtungo sila sa silid ni Sir Claudius. Isinalaysay ni Charles kung ano ang kabuuang naganap sa kaniya sa puder ni Demon King Vladimir at ang ginawa nitong pag-alis sa kaniyang mahika. Ikinagulat ito ni Sir Claudius.
“Ikinalulungkot ko ang pagkawala na ‘yong mahika. Hindi ko akalaing may gano’ng kakayahan si Vladimir,” ani ni Sir Claudius.
“Past is past na,” sabi ni Charles. “Hindi ko na iniintindi pa ang bagay na ‘yon. Ang mahalaga ngayon ay buhay ako at kasama ko na ang aking anak.”
“Anak? Sinong anak?”
“Hindi n’yo pa alam? Ito ang aking pinakamamahal na anak, si Cid.” Hinila niya si Cid palapit sa kaniya at inakbayan.
“Tama pala ang hinuha ko na anak mo nga s’ya. Bakit hindi mo agad inamin sa akin?”
Sumagot naman si Cid ng, “Sinunod ko lang po ang bilin ng aking ina na ‘wag ihayag ang aking pagkakakilanlan sa iba at baka mapahamak lang ako. Isa pa po ay dahil sa nangyaring pag-aamok noon dito. Akala ko po ay galit kayo sa aking ama kaya hindi na lang ako nagsalita pa.”
“Mabait na bata ang anak mo, Charles. Masunurin pa. Hindi mo kagaya no’ng nag-aaral ka pa.”
“ ‘Wag n’yo na sabihin ‘yan. Hindi ko na nga ikinuwento sa anak ko.”
Nagtawanan silang lahat.
Mula sa pinto ng silid ni Sir Claudius, dumating ang isang lalaki. Medyo sugatan ito at madumi ang damit. Nang lumingon sila sa kanilang likuran, sabay-sabay nilang binigkas ang pangalan nito. “Professor Edward Cullen!”
“Anong nangyari sa’yo? Maupo ka muna. Aryan, ikuha mo ng tubig ang propesor,” wika ni Sir Claudius sa agad ding tumalimang si Aryan.
“Nahuli ako ng isang tao na tinatawag na Demon King Vladimir,” saad ng propesor. “Mabuti na lamang at bumukas ang kulungan kung saan ako nakabilanggo.”
“Pero bakit hindi po namin kayo nakita?” usisa ni Cid. “Tiniyak po namin na wala ng tao sa kulungan bago kami umalis.”
“Ikinulong kasi ako sa kahiwalay na kulungan kaya siguro hindi n’yo ako nakita. Nagulat na lang ako paggising ko, bukas na ang pinto kaya nagmadali akong tumakas at bumalik dito sa akademiya.”
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...