Chapter 19

27 6 0
                                    

The New No. 1 Magician

MAAARING ito na ang pinakamatinding laban na kahaharapin ni Cid sa tanang buhay niya. Batid niyang malakas ang makakalaban niya dahil sa binigkas ni Aryan. Wala siyang pagpipilian kundi ibigay ang lahat kung sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari.

“Simulan na ang laban. The Clash: Isa laban sa isa!” anunsiyo ni Prof. Max.

“Hi, Cid,” bati ni Chris. “Unang kita ko palang sa’yo, uminit na agad ang dugo ko. Hindi ko alam kung bakit ang laki ng galit ko sa’yo. Siguro dahil nasa grupo n’yo ang aking prinsesa. Ikaw ang lider n’ya, ikaw ang responsable sa kanyang pagsanib sa inyo.”

“Pasensya ka na kung mas pinili kaming makasama ni Aryan kaysa sa’yo. Desisyon n’ya ‘yon, wala kaming magagawa do’n.”

Nagsimula ng magngalit si Chris. Hindi pa man siya nagsisimulang magbitaw ng spell, mapapansin na ang mga kuryenteng lumilitaw sa kanyang katawan.

“Hindi mo ba alam na hindi lang ako basta captain ng pinakamalakas na grupo? Ako rin ang pinakamalakas sa buong PAG. Ako ang number 1 na magician dito sa akademiya,” pagmamalaki ni Chris.

“Pasensya ka na ulit. Hindi ko kasi alam. Bago lang kasi ako rito. Unang taon ko palang kaya hindi ko pa alam ang balitang ‘yan.”

“Pinaiinit mo talaga ang dugo ko. Makikita mo ang mataas na antas ng kapangyarihan ko.”

Unang umatake si Chris.

Velox fulmine!” Isang kidlat ang lumitaw at pinuntirya si Cid.

Umiwas si Cid sa bawat pagpukol sa kaniya ng mga kidlat. Sa huling pagtira ni Chris, natamaan siya sa kanang hita dahilan upang mapaluhod siya. Napuruhan siya ng kaunti sa nagawa ni Chris.

“Ano na, kaya pa? Sumuko ka na lang kaya.”

Muling tumira si Chris ngunit hinarangan ito ni Cid ng isang spell.

Flamma murus!” Nasalag naman ni Cid ang ibinatong kidlat sa kaniyang unahan ngunit may isang lumikong kidlat at dumako sa kaniyang likuran kaya natamaan siya. Nangisay si Cid at napatumba sa sahig.

Napatayo ang mga taga-E. Nag-alala sila sa nangyari kay Cid. Gusto na nilang ipatigil ang laban pero hindi ito pinahintulutan ng mga propesor sapagkat hindi pa sinasabi ni Cid na siya ay sumusuko na.

Gayundin din, tumayo si Cid kahit na medyo natutumba pa siya. Hawak niya ang kaniyang kaliwang braso at nakangiwi dahil sa sakit.

“At nakakatayo ka pa?” wika ni Chris. “Sumuko ka na lang kasi. Tanggapin mo na lang ang pagkatalo mo. Kahit kailan, walang makatatalo sa akin. Matalo man ako, hindi sa pipitsuging kagaya mo.”

Globos igbis!” Lumabas ang mga bolang apoy at tinarget si Chris. Mabilis namang nakaiiwas ito dahil gumagamit siya ng thunder spell para mapabilis ang kaniyang paggalaw.

“ ‘Yan na ba ‘yun? Akala ko ba malakas lahat ng miyembro ng grupo n’yo? Ikaw yata ang pinakamahina sa inyong lahat e.”

Muli siyang pinatamaan ni Cid gamit ang parehas pa ring spell.

***

“Bakit hindi gumagamit si Cid ng malakas na spell? Tulad ng ginamit n’ya sa camp na biglang sumabog,” pagtataka ni Diego.

“Hindi kayang manakit ni Cid ng ibang tao lalo’t kung walang ginagawang masama sa kanya,” sagot ni Sasa.

“Hindi pa ba masama ‘yon? Kinukuryente na nga siya.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon