Chapter 12

25 8 0
                                    

Training Now Begin!

BAGO pa man pumutok ang araw, gising na ang lahat ng estudyante ng 1-E. Lahat ay naghanda na upang harapin ang pagsasanay na ibibigay sa kanila ng mga propesor.

“Magandang umaga, 1-E students. Nawa’y nagkaroon kayo ng sapat na pahinga. Hindi magiging biro ang pagdaraanan n’yo ngayon at sa mga susunod pang araw,” wika ni Mr. Mikhail.

Naghihikab at nag-uunat pa ang ilan sa iba. Nakapikit habang nakatayo naman ang ilan.

“Gisingin n’yo na ang mga diwa n’yo. Magsisimula na tayo,” wika ni Prof. Max na pinipilit imulat ang kaniyang inaantok na mga mata.

Sa kanilang lahat, tanging si Cid lamang ang gising na gising ang sarili na para bang hindi siya nababahala sa mga mangyayari.

Nakita niyang nakapikit pa sina Diego kaya ginising niya ang mga ito. Pumalakpak siya sa harap nina Sasa at Aryan. Iminulat naman nilang dalawa ang kanilang mga mata. Pinitik naman niya sa tenga si Diego dahilan upang ito ay mapa-aray sa sakit.

“Arghh! Ba’t ka ba namimingot? Inaano ka ba? Ha!”

“Oh, e ‘di nagising din kayong tatlo. Gisingin n’yo na ang mga diwa n’yo. Magsisimula na ang unang araw ng ating pagsasanay.”

Nag-ayos naman ang tatlo ng kanilang mga sarili na ‘di kalaunan ay nagising na rin ang buong katauhan.

Ipinaliwanag ni Mr. Mikhail ang mga magaganap sa buong isang buwan. “Makinig ang lahat. Ang inyong pagsasanay ang mahahati sa apat na kategorya. Easy para sa ngayong linggo, Medium para sa susunod na linggo, Difficult para sa susunod na susunod na linggo, at Extra Difficult para sa huling linggo. ‘Yan ang flow ng training ninyo for the whole month. Questions?”

“Ano pong partikular na mga gawain ang nakalaan para sa bawat linggo?” tanong ni Cid.

“Para sa ngayong linggo, isasagawa ang inyong subject kay Prof. Max na Magic Development and Enhancement. Ituturo sa inyo kung paano mas palakasin ang mga magic n’yo. As for the succeeding weeks, surprise na lang muna siguro. Pero asahan n’yo na sa bawat linggo, mas mahirap ang pagdaraanan n’yo,” tugon ni Mr. Mikhail.

“Nandito si Prof. Max para i-explain ang mangyayari ngayon.” Dagdag pa ni Mr. Mikhail.

“Salamat, Mr. Mikhail. Bilang nasimulan na natin ang subject nating ito, nakita ko na rin ang extent ng magic level n’yo, ang gagawin natin ngayon ay i-improve at i-enhance pa ang level n’yo. Madali lang ito pero magiging maraming proseso. Pumili kayo ng isang member n’yo na magiging lider hanggang sa huling linggo. Siya ang magrereport sa akin ng mga pagbabago sa ka-grupo n’ya,” paliwanag ni Prof. Max.

Iisang direksyon ng mga mata ang pinatunguhan nina Sasa, Diego, at Aryan at walang iba kundi kay Cid.

Kumunot ang noo ni Cid. “Ba’t ganyan kayo makatingin sa akin? Huwag n’yong sabihing a---”

“May iba pa bang mas karapat-dapat na maging lider ng grupong ito? Hindi pwede si Aryan, masyadong mahinhin? Si Diego, wala namang maitutulong ‘yan…” wika ni Aryan.

“Grabe ka naman sa akin, Sasa. Masakit naman sa feelings ang sinabi mo sa akin,” sambit ni Diego na kunwari nagpupunas ng luha kahit wala namang pumapatak.

“…Siyempre biro lang naman. Hindi rin naman pwede ako. Ikaw lang Cid ang best option para maging lider namin.”

Napakamot na lang ng ulo si Cid at tinanggap ang ginawang desisyon ng tatlo. “May magagawa pa ba ako e kayong tatlo na ang nagsabi.”

Nagsimula na muling magsalita ang propesor. “Mukhang naka-pili na kayong lahat ng magiging lider n’yo. Mangyaring lumapit sa akin ang mga lider ng bawat grupo. Sa kanila ko na lang sasabihin ang mangyayari at sila na ang bahalang i-discuss sa inyo ang mga ito. Come here in front leader of each group.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon