Very Difficult Request Part 1: Arrival at the Demon’s Castle
HALOS tatlong linggo rin na mababang mga klase ng requests ang nakukuha nina Cid. Sa loob-loob nila, walang kagana-gana ang mga misyon na kanilang ginagawa. Wala silang magawa dahil iyon ang patakaran ng akademiya.
“Diego,” tawag ni Cid, “ikaw na muna ang pumili ng misyon natin ngayong araw. Wala namang maiiba kung ikaw ang kukuha. Ikaw ang bahalang magpasya kung alin.”
“Sabi mo e. Pipili ako ng pinakaakma para sa atin,” tugon nito.
“Lumakad ka na. Baka maabutan pa tayo ng init.”
Tumungo agad si Diego sa bulletin. Naghanap siya ng request na sa tingin ay nararapat para sa kanilang grupo ngunit wala siyang mahanap. Puro nasa level 1-10 lamang ang nasa bulletin para sa mga taga-E. Napansin niyang pupungat-pungat ang tagabantay ng bulletin kaya nakaisip siya na kumuha ng request mula sa Very Difficult na bulletin. Nang makapili, ipinakita niya ito sa tagabantay. Dahil medyo pasara na ang mga mata nito, hindi na nito nakita kung anong antas ang request at dagdag pa rito ang pagtakip ni Diego sa nakasulat na Very Difficult sa bandang pinakataas ng kaniyang hinlalaki sa kamay.
Malaki ang pagkakangisi ni Diego. Sa palagay niya, matutuwa rin ang tatlo kaya bumalik na siya sa mga ito.
“Pasensiya na kayo natagalan ako,” bungad ni Diego. “Ang hirap humanap ng request sa bulletin.”
“Nasa’n na ‘yong papel?” tanong ni Sasa.
Iniabot ni Diego ang papel sa tatlo. Nang makita nila ito, laking gulat nila dahil Very Difficult ang nakalagay sa itaas na bahagi ng papel.
“Anong ginawa mo, Diego?” nanggigigil na sambit ni Aryan. “Alam mo na naman may chastisement o parusa sa sino mang lalabag sa batas ng akademiya. Iniisip mo muna ba ‘yon bago mo kunin ang request na ito ha, Diego?”
“Akala ko matutuwa kayo dahil ngayon may mararansan din tayong thrill sa misyon natin.”
“Hindi sa pagkakataong ito, Diego. Maaari tayong mapahamak sa pagsuway sa batas.”
“E ‘di ibabalik ko na lang ulit sa bulletin. Problema ba ‘yon?”
“Hindi mo na ‘to maibabalik. Once na nakuha mo na ito at matatakan pa, on-going na ang misyon natin. Kailangan nating gawin ito. Wala na tayong ibang choice.”
“Sorry na nga. Malay ko ba na may gano’n pala.”
“Hindi ka kasi nakikinig o nagbabasa.”
“Awat na kayong dalawa,” pagpapahinto ni Cid. “Kung wala na tayong pamimilian pa, tanggapin na lang natin ang request na ‘yan. Tungkol saan ba ‘yan, Sasa?”
“Ayon sa request paper na ito, marami raw nawawalang tao sa Eregarden, isang lugar sa dulong bahagi ng hangganan ng Grixtonia. Nagpupunta raw sila sa bulubunduking tinatawag na Sierra Padre upang kumuha ng mga pilak, ginto, at mineral tapos hindi na sila nakababalik pa,” basa ni Sasa.
“Mukhang mahirap na request ang napili mo, Diego,” wika ni Cid.
“Simulan na natin ang paglakad upang bago magtanghali ay makarating tayo sa baryo ng Eregraden,” anyaya ni Sasa sa kaniyang mga kaibigan.
Noong oras ding iyon ay nagtungo sila sa Eregarden. Saktong tanghali ay narating nila ito. Binungad naman sila ng mga tao roon. Malawak ang baryo ngunit kakaunti lang ang mga taong naninirahan. Maraming mga bahay ngunit ang iba’y nakatiwangwang at walang taong namamalagi. Nag-ipon-ipon ang mga tao sa harap nina Cid, humihingi ng tulong sa kanila.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...