First and Old Friend
HABANG nag-iisip-isip, naalala ni Cid ang sinabi niya sa kausap niyang babae kaninang umaga.
Nagtungo siya sa itaas ng kanilang dorm upang kausapin ang babae. Nais din niyang malaman kung bakit siya pamilyar sa kaniya at maging siya ay nagmumukhaan din ito.
Nakarating ito sa tuktok ng dorm. Nakita niyang nakaupo ito, sa upuang mahaba.
“Ah, pasensya na. Hindi ko agad naalala ‘yung napag-usapan natin. Dumagdag pa itong si Diego. Nilabanan ba naman ang demonyo sa Sentro,” paunang bungad na pananalita ni Cid.
Nakatingin lang sa kaniya ang babae. Hanggang sa nagsimula na itong magsalita.
“Nakita ko ‘yung ginawa mo kanina sa Sentro. Pinuksa mong mag-isa ang demonyo. Kitang-kita ng dalawa kong mga mata kung paano mo ‘yun natalo,” wika ng babae.
Nabigla si Cid sa binanggit na babae. Hindi niya akalaing may tao pala sa Sentro ng mga oras na iyon. “Hindi ko alam ang sinasabi mo, Miss. Hindi ako nagpupunta sa Sentro.”
“Huwag ka na magsinungaling. Nakita kita nang malinaw. Ang galing mo nga e. Tinalo mo ‘yun gamit ang Earth spell.”
Mukha ngang nakita niya ako. Patay paano ko ito lulusutan.
Lumapit ang babae kay Cid. “Huwag kang mag-alala, hindi ko naman ipagsasabi sa iba. Sa isang kondisyon.”
“Isang kondisyon?” tanong ni Cid na nalilito sa nangyayari.
“Oo, isang kondisyon. Sabihin mo lang sa akin ang buo mong pangalan, ang nickname mo,” wika ng babae.
“ ‘Yun lang ba? Ang buo kong pangalan ay Cedrick Ivan Dagenhardt at ang palayaw ko ay Cid.”
Napangiti ang babae nang abot-tenga. Bigla niyang niyakap si Cid nang mahigpit.
Nagulat naman si Cid sa ginawa ng babae. “Ah, teka lang bakit mo naman ako niyayakap? ‘Di pa naman kita kilala.”
“Hindi mo pa rin ba ako nakikilala? Teka, hulaan ko ang names ng nanay at tatay mo?” sabi ng babae.
Nagtataka pa rin si Cid. “Paano mo malalaman? Magkakilala ba tayo dati?”
“Ang nanay mo ay si Emilia Dagenhardt at ang tatay mo ay si Charles Dagenhardt. Tama ba ako?”
“Paano mo nalaman ‘yun? Sino ka ba talaga?”
“Hindi mo pa rin ba ako kilala, ha, Cid?!”
Tanging ekspresyon ng pagtataka ang mababakas sa mukha ni Cid. Hindi talaga niya malaman ang kung sino ang babaeng nasa kaniyang harapan. Nang may ipakita ang babae sa kaniya.
Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kamay at ipinakita kay Cid ang hugis-pusong balat nito. “Hindi mo ba ‘to natatandaan? Nagkabalat ako kasi nagkamali ako ng spell noong bata pa tayo.”
Nakilala niya ang pangalan ko, pati pangalan ng aking ama at ina. Ngayon, ipinakita pa niya ang kaniyang balat na hugis-puso. Hindi ako maaaring magkamali. Siya si…
“Sasa? Ikaw nga ba si Sasa?” tanong ni Cid sa kaniya.
“Your very first and old friend. Sarah Jabberwick, Sasa for short,” sambit nito.
Agad naman siyang niyakap ni Cid nang mahigpit na parang wala ng bukas.
“Teka lang, Cid. Hindi ako makahinga.”
Umalis sa pagkakayakap si Cid. “Pasensya na, hindi lang ako makapaniwala na sa dami ng lugar na magkikita tayo, dito pa talaga sa Grixtonia. Paano ka nakapunta rito?”
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...