Prologue

125 13 0
                                    

Sa isang malayo at hindi saklaw ng hangganan ng ating mundo, matatagpuan ang isang hindi kilala at hindi pinaniniwalaang siyudad ng Grixtonia.

Ang siyudad ng Grixtonia ay isang lugar na hindi matatagpuan sa kahit na saang lugar sa mundo. Walang makapagsabi kung saan ito makikita o kung paano makapupunta rito. Para sa mga ordinaryong tao, isa lamang itong kathang-isip o dala lamang ng malawak na imahinasyon. Ngunit para sa mga natatangi at napili, ang lugar na ito ang pinakamagandang lugar na iyong makikita. Isa sa ipinagmamalaking naitatag nito ay ang nag-iisa nitong paaralan na kung saan kakaiba at pambihira ang estruktura at umiiral na sistema ng pamamalakad dito.

Taong 2912, ang paaralang itinatag ng limang pilosopo ay tinawag na "Peculiar Academy of Grixtonia". Isa itong institusyon kung saan ang mga piling mag-aaral ay nagtataglay ng mga hindi pangkaraniwang abilidad at hindi ordinaryong kakayahan.

Ang limang pilosopo na namamahala ng paaralan ay nagtataglay ng kaniya-kaniyang mahika kaya't hindi magawang masukat kung sino ang higit na makapangyarihan sa kanila. Ang mga pilosopong ito kasama ang iba't ibang propesor ng iba't ibang aralin ay patuloy sa pagkalap ng mga estudyanteng angat at bukod-tangi sa lahat. Ang mga mag-aaral sa paaralang ito ay pinili dahil sa angkin nilang kakayahan na higit sa nakararami.

Ang paraan ng kanilang pagpili ay nakabatay sa obserbasyon at kanilang ginagawang kilos. Isang white raven ang ipinadadala upang malaman ang kanilang galing at masabing nararapat silang makapasok sa paaralan. Kapag nakapasa sila sa hindi nasabing pagsusulit ay makatatanggap sila ng isang paanyaya na makapag-aral sa paaralan ng Grixtonia.

Mula rito ay isa pang pagsusuri ang kanilang kahaharapin. Susukatin ang kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng magic meter device na tinatawag na "Qzigfor". Dito malalaman kung saan silang seksyon ilalagay, A, B, C, D o E at kung ilang star/s ang kanilang matatanggap.

Isang binata ang hindi inaasahang mapapadpad sa Grixtonia. Dala ang bilin ng kaniyang ina at ang misyong mahanap ang kaniyang ama, haharapin niya ang iba't ibang pagsubok. Kasama ang mga kaibigan niya, tutuklasin nila ang misteryong pinaniniwalaan ngunit walang kasiguraduhang itinatago ng akademiya.

Magtagumpay kaya sila? Alamin natin kung paano nila malalagpasan lahat at kung paano nila kakayanin ang suliraning kanilang kahaharapin.

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon