EPILOGUE

30 4 1
                                    

Hi! My apologies kung super late kong na-ipublish itong epilogue. I thought I've already posted it so I focused on my second story. Nahuli tuloy ang epilogue, nauna pa ang author's note. Di ko na pinalitan, mabawasan pa ang views hahaha. Lols. Para sa #Wattys2021, fighting!

~~~~~

The Queen’s Son

“Nahanap na natin ang asawa ng mahal na reyna,” wika ng babae. “Natunton na rin natin sa wakas ang kanyang kinaroroonan. Malalaman na natin kung saan naroroon ang labi ng ating reyna.”

“Anong gagawin natin?” tanong ng isa pang babae.

“Balita ko ay nagkaanak daw sila ng isang lalaki at nag-aaral ito sa Peculiar Academy of Grixtonia. Kailangan natin s’yang mahanap. S’ya ang magtuturo sa atin sa kinaroroonan ng labi ng ating mahal na reyna. At s’ya rin ang mamumuno sa ating lipi.”

“Makumbinsi kaya natin s’ya na umanib sa atin gayong s’ya’y kakampi ng matalik nating kaaway?”

“Wala tayong magagawa kundi ang subukan na paanibin s’ya ating lipi bilang may dugo rin s’ya katulad sa atin. Hindi n’ya maaaring  baliwalain ang kanyang tadhanang maging kaisa sa atin.”

“Sana nga lang tanggapin n’ya tayo.”

“Ang gagawin naman nating ito ay para sa kanyang ina na s’ya nating mahal na reyna. Bago bawian ng buhay ang reyna natin, s’ya’y nagpadala ng mensahe na hanapin ang kanyang anak at gawin nating pinuno. Hindi nga lang natin alam kung karapat-dapat s’yang mamuno. Ang kailangan muna nating gawin ngayon ay mahanap ang kanyang anak at sabihin ang buong katotohanan sa kanya.”

“Tama ka. Kailangan natin s’yang mahanap sa lalong madaling panahon lalo’t higit, marami ng lumalabas na kauri natin na nagsisimulang manggulo. Nangako na ang mga ninuno natin na hindi na tayo kikitil ng buhay pero hindi sila tumitigil na pumatay.”

“Tara na. Hanapin na natin s’ya.”

~End of Book 1~

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon