The Trial and Invitation
TAONG 3001.
“Cid, ‘yung isinako kong kahoy ay pwede mo ng dalhin sa bayan. Dalian mo at hinihintay na ‘yan ni Mr. Custovo.”
“Opo, Nay! Tapusin ko lang po ‘yung ginagawa ko,” tugon ng isang binata na noon din ay nagmamadali sa pagsasampay ng damit sa likod ng kanilang bahay.
Siya si Cedrick Ivan Dagenhardt a.k.a Cid.
Nakatira siya sa gitna ng kagubatan kasama ang kaniyang inang si Emilia Dagenhardt. Dati silang namamalagi sa lungsod noong bata pa lamang si Cid ngunit dahil sa trahedyang gumimbal sa kanila ay tumakas sila at nagtungo sa gubat upang doon manirahan.
Ilang araw pa lamang ang nakalilipas ay nagpaalam ang kaniyang ama. Mayroon lamang daw siyang mahalagang aasikusahin at hindi alam kung kailan siya makababalik. Ilang taon na ang nakalipas ngunit wala pa ring senyales ng pagdating ng kaniyang ama.
Bago pa man makaalis si Cid ay may pinaalala ang kaniyang ina sa kaniya.
“Cid, tandaan mo ang nag-iisang kabilin-bilinan ko sa’yo. Huwag na huwag mong gagamitin ‘yan lalo’t higit sa maraming tao o kahit sa iilan. Mahirap na baka malaman ng iba at ikalat ang tungkol sa atin.”
“Nay, hindi ko naman nakakalimutan ‘yan. Nangangako ako na hinding-hindi ko ito gagamitin kung hindi hinihingi ng pagkakataon,” tugon ni Cid sabay bitaw ng isang matamis na ngiti sa kaniyang ina.
“Ingatan ninyo po ang sarili ninyo habang wala pa ako. Huwag na po kayong gumawa nang gumawa baka mapagod kayo nang husto. Mahirap na at baka maaksidente pa kayo o kung mapaano.”
Gumanti rin ng ngiti ang kaniyang ina na medyo naluluha dahil sa naiisip nitong posibilidad na mangyari ng makita nito ang isang puting uwak na matalim na nakasubaybay sa kaniyang anak.
“Mag-iingat ka, anak. Ang kapalaran mo ay na sa’yong mga kamay,” bulong ni Emilia sa kaniyang sarili.
***
Tinahak ni Cid ang landas patungo sa lungsod na kinaroroonan ng bahay ni Mr. Custovo. Malubak, mabato, at madulas. Kung titingnan ay imposibleng malampasan ang ganitong sitwasyon ngunit hindi para kay Cid.
“Statera est clavem,” bigkas ni Cid at sa isang iglap ay naging balanse ang kaniyang paglalakad na tila bang lumalakad siya sa konkreto at patag na daan.
Hindi rin man lamang nahuhulog ang limang sakong kahoy na pasan niya mula sa kaniyang likuran, balikat, at ulunan.
Dahil ito sa angkin nitong lakas na kapag nagbuhat siya ay nagmumukha itong magaan na tila ba isang balahibo ng isang ibon.
Walang iba sa kaanyuan ni Cid. Normal lang siyang binata na hindi nalalayo sa ibang kabataan. Hindi siya ‘yung tipong iisipin mong napakalakas pala dahil sa itsura nito. Ang hubog ng kaniyang katawan ay pang-ordinaryong tao lamang. Hindi gaanong malaki at hindi rin gaanong maliit. Kinukubli niya ito dahil ito ang kaisa- isang bilin ng kaniyang mahal na ina.
Nang ito ay nasa bukana na ng nag-uugnay sa kagubatan at kalsada ng lungsod, sabay-sabay nitong ibinaba ang limang sako ng kahoy. Kinuha niya ang isang kariton na nakakubli sa mga dahon malapit sa puno ng aratilis.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...