Chapter 8

28 6 0
                                    

The Demo

KINABUKASAN.

“Sino pang hinihintay natin, Cid?” pagtataka ni Diego dahil hindi pa rin sila umaalis ng dorm.

“May hinihintay lang tayong kasabay,” sagot nito. “Oh, andyan ka na pala, Sasa.”

“Wews, kaya naman pala boi. Chicks pala hinihintay mo. Baka naman gusto mo akong ipakilala sa kaniya?” wika ni Diego na mukhang excited na excited.

Sinuntok siya ni Cid. “Hindi. Kababata ko lang siya. Siya ‘yung sinasabi ko sa’yo na kauna-unahan at kaisa-isa kong naging kaibigan sa mundo natin. Sarah Frey Jabberwick ang pangalan niya.

“Nice to meet you, Sarah Frey Jabberwick. Diego nga pala.”

“Sasa na lang ang itawag mo sa akin.  Nice to meet you too, Diego,” nakayukong pagbati ni Sasa.

“Anong relasyon n’yong dalawa ni Cid? Kayo bang dalawa ay alam mo na?” pangungulit ni Diego.

“A---ano. Wa---wala kaming relasyon. I mean may’ron kaming relasyon. Pero hindi mag-girlfriend, boyfriend. Hindi ‘yon. Childhood friend ko siya,” pautal-utal na sagot ni Sasa.

“Talaga ba? Sige, sinabi mo e,” pang-aasar ni Diego nang may kasamang pagngisi. “What a small world, ‘di ba? Sa lahat ng lugar, dito pa kayo pinagtagpo. Mapagbiro talaga ang tadhana,” dagdag pa nito.

Binatukan ni Cid si Diego. “Ano bang pinagsasabi mo r’yan? Pabayaan mo nga si Sasa. Walang kwenta naman ang pinagsasabi mo r’yan e. Tara na sa akademiya, baka mahuli pa tayo. Ayaw ko mahuli sa klase.”

“Nagbibiro lang e. Funny person ako sa kwentong ito. Baka mawalan ng tayo ng readers kapag puro seryoso lang ang mga eksena natin,” wika ni Diego.

“May sayad ka sadya? Kung anu-ano na ang sinasabi mo!” kunot-noong sambit ni Cid. “Tara na Sasa, pabayaan mo na ‘yan.”

Nagsimula na silang tumungo sa PAG.

“Mabuti na lang hindi ka na mahiyain. ‘Di tulad no’ng mga bata pa tayo. Bihira ka lang kung magsalita,” ani ni Sasa.

“Hindi naman masyado. Kay Diego lang naman ako ganito. Siya lang kasi ang kaibigan ko rito at ikaw dahil andito ka na. Dalawa na kayong kaibigan ko.”

“Kaibigan lang?” mahinang mutawi ni Sasa.

“Ha? May sinasabi ka?”

“Wala. Sabi ko hindi ka na mag-iisa pa kasi may kaibigang dadamay sa’yo.”

Nasa likod lang si Diego. Pasipol-sipol. Kumakanta.

“Baby, you’re my destiny. You and I were meant to be. With all my heart and soul. I’ll give my love to have it all. And as far as I can see. We will always meant to be. My destiny.”

“Kita mo na? Hindi ka ba naman magbabago kapag laging ganyan ang nakakasama mo? Kaya pabayaan mo na lang ‘yan. Ganyan talaga ‘yan,” wika ni Cid.

Bumilis ang lakad ni Diego at nauna na sa dalawa.

“Bilisan n’yo ng dalawa. Nagmumukha na akong third-party sa inyo. Saka baka malate na tayo sa klase.”

Mga ilang minuto lang, narating na rin nila ang akademiya. Sakto namang tumunog ang kampana na hudyat na magsisimula na ang klase ng bawat yearl level at section.

Pagdating nila sa room nila, nagtaka sila dahil wala ni isang tao sa loob.

Naalala lang ni Sasa na sa labas nga pala sila magkaklase. “Doon yata tayo magkaklase sa labas, sa bandang likuran nitong room.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon