Chapter 14

30 8 0
                                    

Green-eyed Monster

BILANG gantimpala sa mga ginawang pagsisikap ng mga estudyante ng 1-E, iginawad sa kanila ang isang araw na bakasyon.

Napagdesisyunan nila na pumunta sa kabilang dako ng kampo upang magtampisaw sa dagat sa ilalim ng asul na kalangitan at dilaw na araw.

Hindi naman halatang hindi sila handa sa magaganap na ito. May mga dala silang salbabida at bola. Ang mga lalaki ay nakasuot ng swimming trunks at ang mga babae naman ay nakasuot ng one-piece at two-piece na bathing suit.

“Ano pang hinihintay n’yo? Tara na maligo sa dagat!” anyaya ni Diego sa tatlo. “Bakit hindi ka pa naghuhubad, Cid? Ganyan na ba ang suot mo? KJ naman. Ikaw Sasa, bakit nakatakip ka pa ng tuwalya? Tingnan mo si Aryan oh ready ng mag-dive sa dagat.”

“Gan’to talaga akong maligo. Hindi mo ako katulad na naka-brief lang,” sabi ni Cid dito.

“Maliit na bagay. Sanay na akong ganito maligo,” sagot naman ni Aryan.

Napagawi ang tingin ng mga mata ni Cid kay Aryan. Medyo namumula-mula pa ang mukha niya nang makita ang suot ni Aryan.

Napansin naman ito ni Sasa kaya tinanggal niya ang tuwalyang nakabalot sa kaniyang katawan.

“Holy wow! Sasa, may tinatago ka palang alindog, hindi mo naman sinasabi sa amin.”

Napalingon naman si Cid sa kinaroroonan ni Sasa. Nanlaki ang kaniyang mga mata at napanganga na lang siya sa nakitang itsura ni Sasa. Lalo pang namula ang mukha ni Cid dahil sa natatanaw niyang karikitan ni Sasa sa two-piece nitong suot.

“Sorry, Cid. Hindi kasi ako sanay sa ganitong suot.”

“Bakit ka naman humihingi ng pasensya? Ngayon lang kita nakitang nakasuot ng ganyan. Bagay pala sa’yo na naka-ganyan.”

Namula naman si Sasa sa sinabi ni Cid. Napatalikod ito sa hiya.

Sumali sa usapan si Aryan. “Alam mo bagay nga sa’yo ang suot mong two-piece. Ganda pala ng hubog ng katawan mo.” Sabay himas sa tagiliran ni Sasa.

Napaungol naman si Sasa.

“Hu—wag—mo---akong-ha-ha-wa—kan-dyan, Ahhh-ryaaan!”

“Tama na ‘yan Aryan. Malakas ang kiliti n’yan sa tagiliran,” pagpapatigil ni Cid sa ginagawa nito kay Sasa.

“Ready na pala kayong lahat e. Tara na sa dagat at simulan na natin ang pagsasaya!” sigaw ni Diego sa tuwa.

Tumakbo sila papunta sa dagat. Nagtampisaw sila sa bawat paghampas ng kulay asul na tubig sa dagat. Makikita ang saya sa bawat ngiti na nagmumula sa labi ng mga estudyante.

May nagkukuwentuhan, nagtatawanan, naghahampasan ng plastik na bote, nagpapasahan ng bola, at kung ano-ano pa. Hindi nila alintana ang init ng sikat ng araw basta’t makapagsaya lang sila. Lahat ay abala sa pagsusulit na ibinigay na isang araw na pahinga sa kanila.

“Mabuti na lang at binigyan tayo ng pagkakataon na makapagbakasyon kahit isang araw lang. Sa ganitong paraan, nalilimutan natin na tahasan tayong nagtetraining,” sambit ni Sasa.

“Hindi rin masama na may ganitong lugar akong napuntahan. Nakakasawa rin kasi sa hot spring sa palasyo,” sabi naman Aryan sabay unat ng katawan.

“Sana all may hot spring. Dati sa amin, nag-iinit lang kami ng tubig sa takure. Pero minsan, talo pa ng lamig ang init so wala rin,” humahagikgik na mutawi ni Diego. “Baka naman Aryan mapasubok mo kami ng hot spring n’yo.”

“Pag-iisipan ko muna.” Nagkunwaring naiisip si Aryan. “Hindi maaari—”

“Ang damot mo naman Aryan. Akala ko pa naman mabait kang tao. Parang hindi mo kami friends,” wika ni Diego sa malungkot na tono.

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon