Stand-out Group
LAHAT sila ay nag-ipon-ipon sa malayong parte ng Yinzang Camp. Hindi mapigilan ang tensyon.
“Dito natin gaganapin ang training n’yo. Malayo sa building para iwas sira na rin ano. Simulan na natin. Drawlots na lang tayo,” wika ni Prof. Max na naghanda ng pagbunot ng unang grupo.
“Mauuna na ay ang grupong FullStar. Please proceed here in front. Mayroon kayong target na patatamaan. Gusto naming tirahin n’yo ‘yun at pataubin nang buong makakaya n’yo. Good luck.”
Ang grupong FullStar ay binubuo nina Nicole Alvarez, Agatha Sanchez, Ynah Banzai at Erica Venquilla. Isa-isa nilang ipinakita ang kanilang mahika. Lahat ng naging target ay napatumba nila at nawasak pa ang ilan.
“Mahusay grupong FullStar! Ibang-iba na ang mga magic n’yo kumpara noong una. Alam ko may ilalakas pa ‘yan so I’ll give you a passing rate. Good Job FullStar,” papuri ni Prof. Max.
“Kita mo na, Prof. Max? Kapag nagkaroon sila ng motivation, sure na gagawin nila ang kanilang best para makuha ‘yon.”
“Ngayon, sumasang-ayon na talaga ako sa’yo, Mr. Mikhail.”
Tinawag na ni Prof. Max ang sunod. “Holy Ones, you’re up. Show us what you’ve got.”
Binubuo ang grupong Holy Ones nina Benedict Cumberbatch, Howard Licauco, Edwin Salvacion, at Drew Navowick. Tulad ng nauna, pinataob din nila ang target sa kinatatayuan nito.
“Very good, Holy Ones! Nakita ko ang improvement ng bawat isa. Especially Mr. Benedict. Gumamit ka ng espada upang maging offense mo. Mahusay.” Pinaulanan ni Prof. Max ng mga papuri ang grupo ng mga ito.
“Next in line, Zoom Reservoir. Proceed.”
Sina Queenie Nympha, Luis Quasimodo, Walter Monfray, at Ian Caltex ang bumubuo sa grupong Zoom Reservoir. Ipinamalas din ng mga ito ang kanilang umangat na mahika. Nasira ng bawat isa ang kanilang mga target.
“Isa lang ang masasabi ko. I’m so proud of you guys. Nakikita ko na hindi na lang talaga kayo matatawag na mababang section. Unti-unti na kayong umaangat. Salamat Zoom Reservoir.” Maririnig muli ang mga papuri ni Prof. Max.
“Next is Mighty Power. Get started when you’re ready.”
Pumunta sa unahan sina Kevin Llanera, Chloe Taboo, Kyle Recavas, at Christian Remulla. Nagpakitang-gilas din ang mga ito gamit ang kanilang mga mahika.
Nagpalakpakan naman ang iba matapos nilang mawasak ang kanilang mga target.
“Excellent, you four, Mighty Power! Kitang-kita ko ang dedikasyon n’yo sa ginagawa n’yo. You did a great job. At so far, wala pa kaming nakikitang nagfafail na iimpress kami,” wika ni Prof. Max.
“Susunod at ang pinaka-last natin ay ang Team D.A.C.S.”
Pumunta sa unahan sina Diego, Aryan, Cid, at Sasa. Parang may magnet na humihila palayo sa ibang estudyante. Tila natatakot sila sa maaaring maganap sa demonstrasyon ng apat. Maging ang dalawang propesor ay napausod din palayo sa kanilang dating pwesto.
Napansin ito ng apat kaya nagkatinginan sila na wari bang hindi nila maintindihan kung bakit ganoon ang ikinikilos ng lahat.
“Ano’ng problema ng mga kaklase natin at nina Prof. Max? Bakit sila lumalayo sa atin na parang natatakot sila?” tanong ni Diego sabay kamot sa kaniyang baba.
“Marahil naramdaman nila ang napakalakas n’yong mahika kaya nag-iingat sila at baka mapahamak ang kanilang mga buhay,” wika ni Cid.
“Maliit na bagay. Hindi naman masyadong lumakas ang magic ko.” Pabirong sinabi ni Diego.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...