Chapter 30

33 4 1
                                    

The Eclipse of Unfortunate Magic Part 2: The End

NAGKAKASIYAHAN na ang lahat dahil wala na ang hari ng mga demonyo, na natalo na ni Cid ito.

“Ang galing mo talaga, Cid,” manghang sambit ni Diego. “Ikaw na talaga ang pinakamalakas na magician sa lahat ng mga magicians.”

“Hindi. Dahil ‘yon sa pagtutulungan nating lahat kaya natalo natin ang mga demonyo,” mapagkumbabang saad ni Cid.

“Pero ikaw pa rin ang tumalo sa hari nila kaya ikaw ang pinakamalakas sa lahat,” wika ni Sasa.

“Guys, parang may mali?” naguguluhang tanong ni Aryan.

“Anong mali?” tanong ni Diego. “Natalo na nga natin lahat ng mga demonyo at natalo na rin ni Cid ang hari nila. Ano pang mali ro’n?”

“Hindi n’yo ba napapansin ang mga natalo nating demonyo?”

“Oh, patay na silang lahat.”

“Patay na nga pero ‘di ba dapat magiging itim na bato ito. Kung mapapansin n’yo, wala ni isa sa mga ito ang naging itim na bato.”

“Oo nga,” pagsang-ayon ni Sasa. “Bakit hindi sila nagiging bato?”

“Ibig sabihin lang nito,” sambit ni Sir Claudius, “hindi pa tapos ang lahat. Malaki ang posibilidad na buhay pa ang lumikha sa kanila, buhay pa si Vladimir.”

“Paano nangyari ‘yon? Sa lakas ng impak ng pagsabog, sure akong patay na ‘yon,” wika ni Diego.

“Nararamdaman ko, buhay pa ang hari nila,” mutawi ni Aryan.

“Maging ako'y nakararamdam din ng pagkabahala,” ani ni Cid.

“May nararamdaman akong paglakas ng kapangyarihan mula sa butas na nagawa ng pagsabog kanina.”

“Tingnan n’yo ang mga demonyo! Nalulusaw sila pero hindi nagiging itim na bato. Bagkus ang mga alikabok nila ay patungo ngayon sa butas,” tigalgal ng isang estudyante.

Biglang nagkaroon ng isang mahinang pagyanig na sinundan ng isang malakas ng pag-atungal. Nagtakip sila ng tenga. Mula sa butas, may isang malaking kamay ng halimaw ang lumitaw. Sumunod pa ang isang kamay nito. At biglang tumalon papunta sa ibabaw ng lupa.

“Ano ‘yan? Mukhang ang lakas-lakas na uri ng demonyo,” sabi ni Diego ng may halong pagkamangha.

“Isang Cy,” tugon ni Mr. Mikhail.

Cy? Talaga Cy? Bakit ang hahaba ng pangalan ng iba tapos ‘yan Cy lang? Unfair naman no’n?”

“Diego, ngayon ka pa talaga nakapagbiro sa gitna ng dire situation natin?” mataray na sambit ni Aryan.

“Hindi ‘yon biro. Unfair talaga sa iba kasi ang hahaba ng kanila tapos sa kanya dalawang letters lang.”

“Anyway, nag-uumapaw ang kapangyarihan ng demonyong ‘yan. Kung may ancient mythical creatures ang mga salamangkero, ang mga demonyo naman ay may tinatawag na legendary diabolical demons at ang Cy ang sinasabing pinakamalakas sa kanilang lahat.”

“Ang dami mo talagang alam.”

“Nagbabasa kasi ako. E ikaw, marunong ka bang magbasa?”

Habang patuloy sa pagbabangayan ang dalawa, humudyat si Mr. Mikhail para sabay-sabay nilang atakihin ang demonyo. Parang hangin lang na dumaraan ang lahat ng mga atake ng mga ito.

“Cid, ulitin mo ulit ang ginawa mo kanina,” utos ni Diego.

“Hindi ko na magagawa ‘yon,” wika ni Cid. “Isang beses sa isang araw ko lang kayang gawin ang spell na ‘yon.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon