The City of Grixtonia
KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Cid. Naligo at naghanda na siya dahil napagdesisyunan niyang sumama sa paglilibot sa Grixtonia. Samantala, si Diego naman ay mahimbing pa sa pagtulog niya.
Paglipas ng ilang minuto, unti-unti ng nagigising si Diego. Imulat niya ang kaniyang mga mata. Nakita niyang sobrang lapit ng mukha ni Cid sa kaniya. Nagkatinginan silang dalawa.
“Cid, alam kong nakaka-inlove ang maamo kong mukha. Napakagandang lalaki ko kasi kaya’t maraming babae at lalaki ang naghahabol sa akin. Hindi ko naman akalain na type mo rin pala ako. Hindi mo naman agad sinabi,” sabi ni Diego habang inginunguso ang kaniyang labi papalapit kay Cid.
Pinigilan ng palad ni Cid ang mukha ni Diego.
“Sira! Nanaginip ka pa yata. Wala naman akong makitang maamong mukha sa’yo. Sa tingin ko--hindi, sigurado akong wala namang maghahabol sa’yo. Kahit hayop, lalayo silang lahat sa’yo.”
“Grabe ka naman sa akin. Lamang ka lang naman ng isang paligo sa akin,” wika ni Diego sabay tanggal sa kamay ni Cid sa kaniyang mukha. “Bakit ang aga mo nga palang gumising ngayon, Cid?”
“Napag-isip-isip ko kasing wala namang masama kung maglilibot muna ako rito sa Grixtonia. Sabi mo nga kagabi na sobrang ganda ng lugar na ito. Gusto ko rin makita kung ano ang mga nakita ninyo,” ani ni Cid.
“Langya ka gising ka pa pala kagabi. Kinakausap kita, hindi ka sumasagot. Pero good decision na sumama ka. Sure akong magugustuhan mo ang makikita mo sa Sentro ng Grixtonia. I swear with my heart, sobrang ganda ng mga lugar na pupuntahan natin.”
Sa totoo lamang, gusto lang ni Cid mag-imbestiga ukol sa mga bagay-bagay at misteryong taglay ng siyudad ng Grixtonia. Anong mayroon dito, anong tinatago nito?
Bumangon na si Diego. Nagpalit na ito ng damit.
“Hindi ka man lang maliligo?” tanong ni Cid.
“Alam mo kasi nanligo na ako kagabi. So, bale hindi na ako naliligo tuwing umaga. Ito ang aking daily routine, ligo in the night, no ligo in the morning,” sagot naman ni Diego sa kaniya.
“Ahh.”
“Yes, you heard it right!”
“Oo na lang.”
Ang sabihin mo hindi ka talaga nanliligo tuwing umaga kasi malamig. Wala kasing painitan dito sa Class E dorm. Malamig talaga ang tubig na manggagaling sa mga gripo. Pero ako nasanay na akong maligo kahit malamig. Sa talon kasi kami naliligo at kumukuha ng tubig. Malamig ‘yun na para bang may yelo. Si Inay naman kaya niya ang lamig kasi ang mahika niya ay Ice Magic. Kaya ko rin namang gumamit ng ice spells, pero kailangan ko ring masanay sa lamig noon kasi laging malamig sa bundok. Dahil sa patuloy na panliligo ng malamig, nasanay na ang katawan ko. Hindi na ako tinatablan ng lamig. Walang epekto sa akin kung gaano kalamig ang tubig kahit pa umabot ito ng -50 degree Celsius.
Kinuha ni Cid ang kaniyang gamit. Handa na ring umalis si Diego na nauna na sa may pinto. Ngunit may napansin si Cid kay Diego.
“Tara na Cid. Excited na akong umalis.”
“Wala ka bang nalilimutan?”
“Wala naman. Dala ko naman ang mga gamit ko.”
“Sigurado ka ba?”
“Oo nga sigurado na ako kaya tara na!”
“Transparent na pantalon ba ang suot mo kaya kita pati brief mo?”
Idinako ni Diego ang kaniyang tingin sa babang bahagi ng kaniyang katawan. Doon niya nalaman na wala pala siyang suot na pantalon.
“Pasensiya na. Excited na talaga akong pumunta ulit sa Sentro,” ani ni Diego na dagling kumaripas patungong banyo upang magsuot ng pantalon.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...