Chapter 5

45 8 0
                                    

First Day at the Academy

ISANG beses pa lamang nakapupunta si Cid sa sentro ng Grixtonia ngunit hindi na ito nasundan pa. Pinipilit siya ni Diego pero lagi niyang sinasabing masama ang kaniyang pakiramdam. Sa totoo lamang, iniisip ni Cid na sapat na ang kaniyang nalaman mula sa matandang manghuhula kahapon. Mas mabuti ng manatili na lang muna siya sa dormitoryo nila upang makapag-isip-isip.

Lumipas pa ang ilang araw at dumating na ang itinakdang araw na pinakahihintay ng lahat. Ito ang unang araw nila sa akademiya ng Grixtonia. Marami sa kanila ang nagagalak, marami rin ang kinakabahan. Si Cid? Wala. Literal na wala siyang reaksyon. Hindi dahil sa hindi siya interesadong makapag-aral sa isa sa mga prestihiyosong akademiya sa mundong ito ngunit, ito ay dahil sa ayaw niyang mahalata at malaman ng iba ang kaniyang tunay na pagkakakilanlan lalo’t higit isa ito sa kabilin-bilinan ng kaniyang ina.

Nagtungo na sila sa loob ng akademiya. Namangha ang lahat sa nakita nilang gandang taglay ng akademiya. Tila isang palasyo ang loob nito. Mula sa mga sahig, haligi, at nakasabit sa kisame, tunay na nakapanlalaki ng mata.

Sinalubong sila ni Alfred, class president ng section E.

“Maligayang pagdating sa Peculiar Academy of Grixtonia, PAG for short. Ngayong araw na ito magsisimula ang pagsubok, hindi, kasiyahan na tiyak akong kapupulutan n’yo ng aral at mahahasa ang tinataglay n’yong abilidad. Malaki ang maitutulong ng PAG sa inyo kaya’t sana’y enjoyin n’yo lang ang pag-aaral n’yo rito,” wika ni Alfred.

“Dito po ba kami mag-aaral?” tanong ng isang estudyante sa likuran.

“Oo, dito sa PAG kayo mag-aaral kaso lang hindi rito sa gusaling ito dahil ito ay para lamang sa mga estudyanteng nakakuha ng mataas na marka no’ng huling pagsusulit o ‘yung mga nasa section A hanggang C. Ang inyong room ay nasa kabilang gusali pa makalagpas sa pintong iyon,” paliwanag ni Alfred sabay turo sa malaking pinto sa kanilang likuran.

Wala bang pagkakapantay-pantay dito sa akademiya? Nakahiwalay pa ang room namin sa iba. Gano’n na ba kababa ang tingin nila sa section namin?

Nagpatuloy sa pagpapaliwanag si Alfred tungkol sa iba’t ibang bagay hanggang sa marating nila ang tinutukoy niyang gusali.

‘Yung ngiti at sayang naramdaman ng lahat no’ng simula ay agad ding napalitan ng pagkabigla at pagkadismaya sa nakitang gusali sa kanilang harapan. Hindi katulad ng gusaling nakalaan para sa section A hanggang C, ang gusaling ito ay gawa sa kahoy. Ngunit, hindi naman ito ganoong kasama kaya nga lamang ay wala itong binatbat sa ibang gusali.

“Oh, ‘wag naman kayong malungkot diyan. Hindi naman porket ganito lang ang magiging gusali n’yo ay madidismaya kayo. Ang mahalaga ay ‘yung ituturo ng mga propesor at mga matutunan n’yo, ‘di ba? At syempre, ‘yung memories na mabubo n’yo nang magkakasama. Kaya cheer up newbies. Pwede na kayong pumunta sa naka-assign na room para sa inyo,” wika ni Alfred.

“Enjoy learning!”

Wala ring nagawa ang mga sinabi ng 2nd year class president. Bagsak pa rin ang impresyon nila.

Gayunpaman...

“Oh mga classmates! Tama ‘yung sinabi kanina ng presidente ng 2nd year. Enjoyin na lang natin ang pag-aaral dito. Free lang naman kaya walang proproblemahing bayarin. Choosy pa ba tayo?” sambit ni Diego upang pagaanin ang loob ng lahat.

“Ano namang nakain ng Diegong ito?” mahinang wika ni Cid.

Minsan naiisip ko na kung hindi lang siya parang may sayad ay isa siyang matalino at maabilidad na tao. Mukhang nakuha niya na agad ang loob ng aming mga kaklase. Sana ganyan na lang siya lagi.

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon