Chapter 16

30 7 0
                                    

Artificial Demon Hunting

LUNES.

Dalawang araw na nakatulog ang grupo nina Cid ngunit, hindi na sila ginising pa ng kanilang mga propesor at iba pang kaklase bilang gantimpala na rin sa pagod na natamo nila at kaunting takot na baka gamitin sa kanila ang kanilang pambihirang mahika.

“Magandang araw sa inyong lahat,” bati ni Mr. Mikhail. “Para sa ikatlong linggo ng training n’yo, ako ang mamamahala. Pasensya na kung hindi ko agad nasabi o naipakita sa inyo ang magic ko. Ang magic ko ay Clone magic kung saan kaya kong gumawa ng isang huwad na pigura tulad na lamang ng gagamitin natin ngayon sa training n’yo. Ito ay ang mga demonyo. Ngunit ang mga ito ay nasa hanggang level 10 lang kung kaya’t wala kayong dapat ipag-alala. Gayunpaman, medyo madami-dami rin ang nagawa ko kaya kailangan ng pagtutulungan ng bawat miyembro ng grupo.”

Naguguluhan ang mga estudyante sa pinagsasabi ni Mr. Mikhail.

“Ano pong specific na gagawin namin ngayon?” tanong ni Chloe.

Ipinaliwanag ni Mr. Mikhail ang mga mangyayari at mga dapat gawin sa loob ng isang linggo.

“Demon hunting? What the packing tape!” mutawi ni Diego.

“Bunganga mo, Diego,” wika ni Cid sa kaniya.

“ ‘Yan na ‘yun lahat. Ulitin ko lang ulit,” sabi ni Mr. Mikhail. “Gumawa ako ng clones ng mga demons na may level hanggang 10. Kailangan n’yong impukin lahat ng mga mapapatay n’yong mga demons kasi magiging manika ang mga ito once na mapatay n’yo. Mayro’n kayong limang araw para makakitil at makapatay ng mga clones. Bawat araw ay ililista ang kabuuan ng inyong mga malilikom. Good luck sa inyong lahat at maaari na kayong magsimula ngayon na!”

Naghiwa-hiwalay ang bawat grupo sa iba’t ibang direksyon. May tumungo sa hilaga, sa silangan, sa timog, at kanluran. Ang Team D.A.C.S ay dumako patungo sa timog.

“Kailangan nating gumawa ng estratehiya upang mas mapadali ang ating pangangalap ng mga demonyo,” wika ni Cid.

“Ano kaya kung maghiwa-hiwalay tayo upang mas malaki ang chance na makalikom tayo ng maraming demon clones?” suhestiyon naman ni Aryan.

“Maaari nga ‘yan bilang nasa sampung lebel lang ang mga clones. Magtakda lang tayo ng lugar kung saan tayo magkikita-kita. Bale dito na lang sa may punong ito. Uukitan ko ito bilang isang tanda. Bago lumubog ang araw, dapat nandito na tayong apat,” pagsang-ayon ni Cid.

Noon din ay tumalima ang apat. Bawat isa sa kanila ay bakas ang pagnanais na mapagtagumpayan ang pagsasanay.

Sa hilagang bahagi, kung saan tumungo si Cid, may mga naglipanang mga demonyo na sa tantiya n’ya ay may sampung lebel kaya mas pinili niya na puntiryahin ang mga ito.

“Kulay itim na manika pala ang may lebel na sampu. Ito na lang ang aking iipunin. Nakatitiyak akong may dahilan kung bakit kulay itim ito sa halip na kulay kayumanggi,” wika ni Cid sa kaniyang sarili.

Sa loob pa lang ng ilang oras, naka-dalawampu na agad si Cid.

Palubog na ang araw. Huling dumating sa tagpuan si Cid.

“Mukhang sinulit natin d’yan ah. Pero alam kong ako na ang may pinakamaraming napaslang na demon clones. Bukol na bukol itong dala kong bag oh,” pagmamayabang ni Diego.

“Sana all,” wika ni Aryan.

“Kanino mo natutunan ‘yan?” tanong ni Sasa.

“Kay Diego. Sinasabi raw ‘yon kapag namangha ka sa isang bagay tapos nais mo rin na magkaroon ng gano’n.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon