Chapter 6

38 7 0
                                    

The Demon at the Center of Grixtonia

SA BULWAGAN sa akademiya, nagsimulang magpulong ang mga tauhan nito upang pag-usapan ang paglitaw ng isang hindi inaasahang bisita.

“Biglaan ang pagpupulong natin ngayon dahil may lumitaw na namang demonyo rito, isang Philamorpheus. Ang lokasyon nito ay sa mismong sentro ng Grixtonia. Kailangan natin itong mapuksa agad habang hindi pa ito nakapamiminsala nang malubha,” mutawi ng matandang lalaki na naka-upo sa gitnang dulong bahagi ng lamesa.

“Sir Claudius, nabigyan na namin ng instructions ang mga estudyanteng lalaban sa  demonyong lumitaw. Mga estudyante sa 2-A ang naatasan dahil nasa Lvl. 65 ang demonyong iyon. Ang hudyat n’yo na lamang ang kanilang hinihintay,” wika ni Prof. Max.

Claudius Beethoven. Isang daang taong mahigit na ang edad nito. Isa siya sa mga nagtatag ng Peculiar Academy of Grixtonia noong nakaraang 2912. Bagaman may katandaan na ito, malakas pa rin ang kaniyang pangangatawan at hindi pumapalya ang memorya. Siya na lang natitira sa limang pilosopo at nagsilbing dean o pangulo ng akademiya.

“Ngayon din ay papuntahin n’yo na sila upang wala ng iba pang mapahamak pa. Mr. Mikhail Dwight, sumama ka na rin sa kanila nang sa gayo’y masuportahan mo sila,” wika ni Sir Claudius.

“Ngayon din ay magtutungo na kami sa Sentro ng Grixtonia.”

“Tapos na ngayon ang ating pagpupulong,” pagwawakas nito.

Tumalima agad si Mr. Mikhail. Kasunod nitong umalis ang iba pang propesor. Naiwan sa bulwagan si Sir Claudius.

“Naglilipana na ang maraming halimaw ngayon. Hindi kaya hudyat na ito ng isang paparating na delubyo. Ang pangyayari mahigit 200 taon na ang nakalilipas kung saan matatakpan ng buwan ang sinag ng araw. Sisiklab kaya ang labanang kumitil sa maraming buhay noon?” sambit ni Sir Claudius sa kaniyang sarili habang tinatanaw ang kabuuan ng Grixtonia mula sa bintana ng akademiya.

***

Pagkalabas ng kanilang room, naghanda ng bumalik si Cid sa kanilang dorm.

Hindi pa man ito nakalalayo, nakarinig siya ng isang pagsabog.

“Ano ‘yun? Parang nanggaling sa Sentro. Si Diego ando’n pa! Baka kung mapaano siya. Kailangan ko siyang puntahan agad!” wika ni Cid na nagulat sa matinding pagsabog mula sa Sentro.

Dala ng pag-aalala sa bago niyang kaibigan, nagmadali siyang tumungo sa Sentro upang tiyakin ang kalagayan ni Diego.

Sa ‘di kalayuan, natanaw siya ng babaeng nais kumausap sa kaniya. Tinawag niya si Cid ngunit hindi ito lumingon sa kaniya. Kaya naisip niya itong sundan.

***

Sa Sentro ng Grixtonia.

Nagkagulo ang maraming tao. Nagtatakbuhan sila papalayo sa isang mabangis na demonyong naninira ng madaanan at nananakit ng taong malapitan nito.

Kung ang ibang tao ay lumalayo sa demonyo, sina Diego at ang ibang estudyante ng 1-E naman ay nakapalibot sa demonyo at sinusubukan itong labanan.

“Huwag kayong matakot diyan. May magic tayo. Kaya nating labanan ang demonyong ‘yan!” sigaw ni Diego.

Ngunit hindi nila alam na nasa mataas ng lebel ang demonyong lumitaw kaya naman nang manlaban ito ay natamaan ang lahat.

Nawalan ng malay ang lahat ng nakapalibot sa demonyo pati si Diego ay napahandusay sa baba.

Ilang minuto pa, dumating na agad si Cid sa Sentro. Nakita nito kung gaano kabangis ang demonyo at nasaktan si Diego at ang ibang estudyante.

Marahil ito ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagpupulong ang mga taga-akademiya. Kagagawan ito nitong nag-aamok na demonyo. Nagplano siguro sila na puksain ito at papunta na sila dito.

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon