Chapter 25

22 7 0
                                    

Very Difficult Request Part 2:
Father and Son

Nakahiga sa kaniyang kama si Demon King Vladimir habang kumakain ng ubas. Pinapanood mula sa usok sa ere ang kaganapang nangyayari sa loob ng kaniyang kaharian. Sa halip na mataranta dahil may nanloob sa kaniya, nakangiti lang ito.

“Demon King Vladimir, hahayaan mo na lang ba ang mga bata na ‘yan na nakapasok sa inyong palasyo?” tanong ng babaeng alila.

“Hindi ko na kailangang lumabas at pigilan ang mga batang ‘yan,” wika ni Demon King Vladimir. “Ang mga nangyayari ngayon ay nakaayon sa aking plano. Ayaw ko ring masira ang aking mood ngayon dahil nalalapit na ang pagtakip ng buwan sa araw. Ramdam na ramdam ko na ang nag-uumapaw kong mahika. Wala ng makapipigil pa sa akin lalo’t higit ang mortal kong kaaway ay hindi na ang dati n’yang sarili.”

“Kaya pala hindi n’ya ako sinampiga no’ng nauna akong magsalita. Nasa good mood s’ya,” mahinang sambit ng babaeng alila.

“May sinasabi ka?”

“Wala Demon King Vladimir. Nais ko lang kayong batiin sa nalalapit n’yong tagumpay.”

“Tama ka. Ang araw pagkatapos ng bukas ang s’yang magiging pinakamahalagang araw para sa akin at mga demonyo. Sa oras na matapos ang araw na ‘yon, tayo na ang maghahari rito sa Grixtonia at isusunod natin ang mga karatig na siyudad hanggang masakop natin ang buong mundo.”

“Mabuhay si Demon King Vladimir!”

***

“Anong lugar ito? Bakit may mga rehas?” tanong ni Aryan.

“Hindi pa ba halata? Kulungan ito o piitan,” ani ni Diego.

“Marahil dito ikinukulong ang mga nahuhuli nilang taong mga taga-Eregarden,” hinuha ni Sasa.

“Ang mabuti pa, tingnan natin kung may mga nakakulong na tao sa loob. Maghiwa-hiwalay tayo,” wika naman ni Cid.

Tumalima agad silang apat upang tingnan ang bawat piitan. May mga piitang walang laman at mayroon din namang may laman.

“Ako na ang bahalang magbukas ng mga kandado ng bawat kulungan,” sabi ni Cid.

Plenus patefacio sera!” Bumukas ang lahat ng pinto ng piitan.

Isa-isa nilang inilabas ang mga taong nakakulong. Mga bata at matanda ang kalimitang nasa loob.

“Hindi ko akalaing pati mga bata ay magagawa nilang hulihin,” wika ni Aryan.

“Kapag ganyang kasama ang kumidnap sa kanila, walang ligtas ang sino man. Bata man o matanda,” sabi ni Diego.

Tinanong ni Sasa ang isang matanda kung nasaan ang ibang nakakulong sa bakanteng kulungan.

“Wala na sila. Patay na.”

“Paanong patay na sila?” usisa ni Sasa.

“Patay na sila dahil ipinakakain sila sa mga demonyo rito sa marahas na palasyo ng isang tao ba s’ya o isa ring halimaw na kilala sa tawag na Demon King Vladimir.”

“Demon King Vladimir? Sino kaya s’ya? Bakit n’ya ginagawa ang ganitong malupit na bagay?”

“Hindi ko rin alam kung sino s’ya. Ang alam ko lang ay napaka-sama n’yang tao.” Naiiyak pa ang matanda.

Samantala, dumako si Cid sa dulong bahagi ng piitan.

“Mukhang may hindi pa nailalabas ng kulungan,” aniya.

Pinuntahan niya ito. Nakita niya ang isang matandang lalaking hubad at malago ang buhok. Kinausap niya ito.

“Manong, nandito kami upang tulungan kayo,” aniya. “Halina kayo, kailangan na nating makaalis habang hindi pa tayo napapansin ng tao sa likod ng paghuli sa inyo.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon