Night Before the Eclipse: Strategic Plan
NAGTIPON-TIPON ang lahat ng mga kawani at estudyante ng Peculiar Academy of Grixtonia. Isang kapat ng buong istadyum ang napuno nang magsama-sama ang lahat. May ideya ang lahat kung ano ang mangyayari dahil alam nila ang mangyayari kinabukasan, ang eklipse.
“Tumahimik muna ang lahat,” panimula ni Mr. Mikhail. “Tayo ay naririto para planuhin ang estratehiyang gagawin natin bukas sa oras na lusubin ang Grixtonia ng mga demonyo partikular ng hari ng mga demonyo na si Vladimir. Isang mahirap na laban ang magaganap bukas kaya kailangan nating seryosohin ang bagay na ito.”
Tahimik naman ang lahat habang nagsasalita si Mr. Mikhail. Nakikinig silang lahat sa bawat salitang binibigkas nito dahil sa mga salitang ito magmumula ang ikatatagumpay ng pagtalo sa mga demonyo.
Nagpatuloy sa pagsasalita si Mr. Mikhail. “Mayroon na kaming naunang pagpupulong, kaming mga staff ng ating akademiya. Pinag-usapan namin ang mabisang paraan upang matalo natin ang ating mga kalaban. Katulad pa rin ng rules ng PAG, ang mga taga-A ang haharap sa mga malalakas na demonyong nasa level 50 pataas at ang sections C, D, at E ang bahala sa mga demonyong nasa level 49 pababa at pag-eevacuate ng mga tao. Ngunit mayroon tayong exceptions. Ang Team D.A.C.S. ay magiging bahagi ng frontal attack. FYI, may mga magic sila, specially si Cid na far beyond our understanding kaya malaki ang maitutulong nila sa pagsugpo ng malalakas na demonyo.”
Hindi umaangal ang ibang mga estudyante dahil alam nilang may kakayahan silang lumaban sa mga naglalakihan at naglalakasang demonyo. Batid na rin nila na si Cid ang estudyanteng nakatalo kay Chris noong huling pagsasanay ng mga ito kaya malaki ang kanilang pananampalataya sa Team D.A.C.S.
“Mahahati tayong lahat,” pagpapatuloy niya, “ sa limang grupo na kung saan ang bawat isa ay may kanya-kanyang gampanin. Ang section E ay sa timog na bahagi ng Grixtonia, ang D ay sa kanluran, ang C ay sa silangan, ang B ay sa hilaga, at ang A at ang mga staff ay sa gitnang bahagi o sa Sentro dahil malaki ang posibilidad na roon lilitaw ang mga malalakas na demonyo at ‘yon ang pupuntiryahin ni Vladimir.”
Sumingit si Prof. Max. “Ang mangunguna sa bawat bahagi ay ang mga class presidents. Sila ang magbibigay ng hudyat kung maaari ng lumusob o kailangan pang maghintay ng pagkakataon. ‘Wag kayong mag-alala dahil may tiwala kaming lahat sa inyo. Gamit ang inyong mga mahika, makatutulong kayo sa pagkamit ng katahimikan at kapayapaan dito sa Grixtonia. Sama-sama nating puksain ang mga demonyo!”
“Waaaaaaaaaaaaaah!” sigaw ng mga estudyante tanda na sang-ayon sila sa tinuran ni Prof. Max.
“Patayin natin lahat ng mga demonyo!” sigaw ng isa sa mga estudyante.
“Oo!” muling sigaw ng lahat.
Natapos na ang kanilang pagpupulong at naghanda para sa darating na bukas. Naiwan sa istadyum ang ibang staff, ang ama ni Cid, Team D.A.C.S., at ang Ultimate Warrior.
“Sana mapagtagumpayan natin ang laban bukas,” ani ni Sir Claudius.
“ ‘Wag kayong mawalan ng pag-asa, Sir Claudius,” wika ni Charles. “Mayroon kayong magagaling na mahikero rito na tiyak akong makatutulong bukas.”
“Malaki naman ang aking paniniwala na mananalo tayo kaya nga lamang iniisip ko rin ang seguridad at kapakan ng mga bata. Hindi biro ang kahaharapin nila bukas.”
“Manalig tayo sa kanila. May awa ang mga ninuno ng mahika sa mundong ito.”
Sa hindi malamang dahilan, lumapit si Chris kay Charles. May nais siyang malaman mula sa kaniya.
“Kung tama ang dinig ko,” sambit ni Chris, “ ang pangalan n’yo ay Charles. Charles Ian Dagenhardt ba ang buo n’yong pangalan?”
“Oo, bakit mo naitanong?” usisa ni Charles.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasiaAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...