The First Day
BALOT ng kumot at tagilid na nakabaluktot si Cid paggising niya ng umaga. Malamig ang ihip ng hanging dumadampi sa kaniyang balat mula sa bukas na bintana ng kanilang kwarto. Nag-unat ng kamay at tumihaya mula sa pagkakatagilid. Nagbabadya na siyang humikab ng makita niyang nakatitig malapit sa kaniyang mukha si Diego.
“Anong ginagawa mo?” tanong ni Cid kay Diego na agad ding inilayo ang mukha sa kaniya.
“Alam mo bilib din ako sa’yo. Diyan ka natulog sa sahig e may kama naman. Pasalamat ka may sense of care ako. Kinumutan pa kita at nilagyan ng unan.”
“Salamat? Pero hindi ko naman kailangan ng unan at kumot. Sanay naman akong hindi gumagamit ng mga ito.”
“Oh! Sige next time hindi na kita bibigyan ng unan at kumot kapag natulog ka ulit sa sahig ha! Teka lang muna, magbibihis na ako.”
Habang nagbibihis si Diego ay inililigpit na ni Cid ang kaniyang pinaghigaan at inilagay nang maayos sa ibabaw ng kama. Sumilip siya sa bintana, pinagmamasadan ang ganda ng tanawin. Napa- ngiti si Cid sa kaniyang nakita. Nagliliparang mga ibon sa ibabaw ng mga naglalakihang mga puno.
Parang hindi na rin ako umalis sa lugar namin. Siguradong hindi ko mamimiss ang tirahan namin. Pero ‘Nay huwag kang mag-aalala dahil tanging ikaw lang ang hindi ko malilimutan.
Sa pagmumuni-muni ni Cid, hindi niya naririnig ang pagtawag ni Diego sa kaniya.
“Cedriiiiiiiiick Ivaaaaaan Dageeeenhardttttt!” malakas na sigaw ni Diego na halos mayanig ang buong dormitoryo.
“Cedrick, kanina pa kitang tinatawagan. Bingi ka ba?”
“Pasensiya ka na. May iniisip lang ako. Bakit ba? Saka Cid na lang ang itawag mo sa akin.”
“Anong bakit ba! Bakit hindi ka pa nagbibihis? Hindi ka ba sasamang maglibot sa Grixtonia? Nakahanda na ang lahat, ikaw na lang ang hindi.”
Naalala ni Cid na mayroon nga pala silang isang linggo pahinga bago magsimula ang kanilang klase. At maaari nilang gawin ang mga nais nilang gawin. Isa na rito ay maglibot sa buong Grixtonia.
“Oo nga pala nakalimutan ko na. Ah, hindi muna ako makakasama ngayong araw. Dito na lang muna ako sa dormitoryo,” wika ni Cid na agad ding humiga sa kaniyang kama.
“Ikaw bahala. Basta kapag nagbago ang isip mo, sumunod ka lang sa amin. Kung makikita mo kami,” ani Diego sabay tawa nang malakas.
“Masyado kasing malaki ang Grixtonia. Magaling na kung makikita natin ang isa’t isa. Goodbye, Cid!”
Hindi na tumugon pa si Cid.Umalis na si Diego at naiwang mag-isa si Cid. Tumahimik ang buong paligid. Ito ang gusto ni Cid. Walang magulo, walang maingay. Para sa kaniya, ang katahimikan ay katumbas ng kapayapaan. Ilang oras din walang ginawa si Cid kung hindi ang mahiga at tumitig sa kisame.
Ilang sandali lang ay may narinig siyang bumagsak sa ibaba. Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto at tinunton ang kinaroroonan ng ingay. Naghanda na siyang gamitin ang kaniyang mahika.
“Ictus Fulmi-,” napatigil siya nang makita niya ang isang matandang babae na nakahandusay sa sahig.
Agad ding nilapitan niya ito upang masuri kung ano ang nangyari. Nakita niya itong nakabulagta sa sahig.“Ale, ayos lang ba kayo? Bakit kayo nakalagpak diyan sa sahig?” tanong ni Cid sa matanda.
“Pasensiya ka na iho, may inabot lang kasi ako sa taas ng kabinet. Pagtuntong ko sa may upuan, medyo nawalan ako ng balanse kaya nahulog ako dito sa sahig.”
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasíaAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...