One-On-One or Group Battle
NASA HULING linggo na ng pagsasanay ang mga estudyante ng 1-E. Isang ire na lang ay matatapos na ang kanilang isang buwang pagsasanay. Ngunit ang hindi alam ng mga estudyante, ito rin ang magiging pinakamatinding pagsubok para sa kanila na kailangan nilang pagdaanan at malampasan.
Kung susumahin, lahat ay humusay na at napataas ang mga lebel ng mahika. Gayunpaman, ang pasya ng mga propesor ay pinal at hindi na maaaring baguhin pa.
“Mga estudyante ng 1-E, ikinagagalak naming sabihin na kayo ay nasa huling linggo na ng pagsasanay n’yo,” wika ni Prof. Max. “Kapag napagtagumpayan n’yo ito, tiyak na kaya n’yo ng makipaglaban sa mga demonyo ng may higit pa sa sampung lebel.”
Nagbunyi ang lahat. Sa wakas, matatapos na ang kanilang pag-hihirap.
“Ngunit, ang huling pagsubok na ito ang magpapasya kung kayo ba talaga ay humusay na o humusay lang dahil kayo-kayo lamang ang magkakasama,” pagputol ni Prof. Max sa kasiyahan ng lahat. “Ngayon din ay lilisanin natin ang Yinzang Training Camp at magtutungo tayo sa akademiya.”
“Bakit po kailangan nating magbalik sa Grixtonia? Hindi na po ba matutuloy ang huling pagsasanay?” tanong ni Sasa.
“Nagkakamali ka Ms. Sarah. Sa ating akademiya gaganapin ang inyong final training at ito ay magiging one-on-one o group battle.”
Naging mga lamok na umuugong sa tenga na naman ang mga estudyante. Pinagbubulungan nila ang tungkol sa mangyayaring labanan.
“The Clash: Isa laban sa isa laban sa lahat!” sigaw ni Diego.
“Tumpak Mr. Diego. Ang bawat isa o grupo ay may nakatalaga ng magiging kalaban pagdating sa akademiya. Lahat ng grupo maliban sa Team D.A.C.S. ay makahaharap ang mga 2nd year C students.”
Nagtaas ng kamay si Cid. “Paano po kami? Sino po ang aming makakalaban para sa huling pagsasanay?”
“Ang makahaharap n’yo for the final training ay 2nd year A students.”
Sigurado ba kayo sa sinasabi n’yo? Agad-agad 2-A ang aming makakalaban?
“Sigurado ba kayo sa sinasabi n’yo? Agad-agad 2-A ang aming makakalaban?” tanong ni Aryan.
Nababasa ba ni Aryan ang isip ko?
“Of course, Prin—Ms. Aryan. Nakita na namin ang extent ng magic n’yo at sigurado kaming mga A ang katapat ng level n’yo. Kaya no further discussion, kailangan na nating magtungo sa akademiya para makapagpahinga kayo ngayon at bukas na bukas magsisimula na ang huling training n’yo?”
Makikita ang pangamba sa mga mukha ng bawat isa, maging sina Cid ay halata ang pagkagulat sa naging desisyon ng mga propesor.
May napansin naman si Diego.
“Nasa’n po si Mr. Mikhail?” tanong niya. “Bakit kanina pa po namin s’yang hindi nakikita?”
Sumagot naman kaagad ang propesor ng, “Nauna na s’ya sa akademiya. Masyado kasi s’yang napagod sa limang araw na patuloy na paggawa ng mga clones. Nagpapahinga na s’ya ngayon.”
Naghanda ang lahat na lisanin ang Yinzang Training Camp. Sumakay sila sa nakaparadang bus sa paanan ng bundok sa may kalsada.
Hahanap-hanapin ko ang pakiramdam ng nasa kabundukan.
Medyo madilim na rin ng makarating sila sa Grixtonia. Dumiretso silang lahat sa kanilang dormitoryo.
“Magpahinga na tayong apat,” sambit ni Cid. “Hindi biro ang magiging pagsasanay natin bukas. Kailangan natin ng sapat na tulog at pahinga lalo’t higit enerhiya para kalabanin ang mga taga-A.”
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...