Team D.A.C.S.
MATAPOS ang pagpapamalas ng bawat estudyante ng 1-E, nagpunta na sila loob ng silid. Bakas sa kanilang mukha ang pagod sa ginawang pagpapakita ng kanilang mahika.
Nakapatong ang ulo ng lahat sa kanilang mesa. Nang dumating ang 2nd year president na si Alfred.
"Attention everyone. Due to some minor problems brought by the emergence of various demons in Grixtonia and other places, Professor Edward Cullen was attending the meeting held outside the academy. He will be out for a couple of weeks. I'm informing you all on behalf of the whole Peculiar Academy of Grixtonia."
Naghiyawan ang lahat. Inihagis ang kanilang mga papel sa taas. Lahat ay nagbunyi sa pag-alis ni Professor Edward Cullen.
"But, you have to make sure that every activity written in the book should be done before he arrives back. Thank you and God bless," pahabol ni Alfred.
"Boo!" sigaw ng lahat.
Nagkaroon ng mga ilang oras na pahinga ang estudyante ng 1-E. Ang iba'y pumunta ng kantina para kumain. Matapos nito ay dumating na ang kanilang propesor.
Si Cid naman ay nakayupyop lang sa kaniyang lamesa. Hindi niya alam ang nangyayari.
"Magandang hapon 1-E students. I'm Professor Mikhail Dwight pero prefer kong tawagin ninyo akong Mr. Mikhail. Nice to meet you all. Medyo pamilyar na sa akin ang iba kasi nanonood ako habang nag-dedemo kayo ng magic spells n'yo kaninang umaga under Prof. Max. Hindi na masama ang ipinakita ninyo. And I'm sure you'll get better sooner with the help of Prof. Max. Magaling siyang magturo at tiyak akong madali kayong mag-iimprove sa pangangalaga niya. By the way, I will be your professor, not literally a professor but, a guide in Student's Execution of Mission."
"Sir Mikhail, ano po ang ibig sabihin ng Student's Execution of Mission?" tanong ni Nicole.
"Bago ko sagutin ang katanungan mo, Miss Nicole, tama ba? Ipakikilala ko muna sa inyo ang late enrollee ng akademiya, si Princess Aryan. Maaari ka ng pumasok."
"Prinsesa? Anong ginagawa n'ya sa section natin? 'Di ba dapat nasa mataas siyang section most preferably sa section A?" bulungan ng ibang estudyante.
Nagpapaliwanag si Mr. Mikhail ng marinig niya ang bulungan ng mga estudyante. "Maybe you are all wondering why she's here. As of now, may'ron pa rin siyang fever. Noong nagpasukat siya ng magic level, naapektuhan ito ng sakit n'ya kaya mababa lang ang nakuha n'ya. And I know you are all aware naman na makaaapekto ang sickness, thoughts, and wants sa pagpili ng section. For the case of Princess, she was sick during the last trial kaya nadito siya ngayon. The decision made by Qzigfor was final and irrevocable. Violating it was an act of treachery. Please don't underestimate her. Not to brag but, she has a power way greater than you all."
Nagbulungan ang bawat estudyante na parang mga bubuyog.
"Hi. I'm Princess Aryan Jade Webb. The only daughter of the King and Queen of Grixtonia. H'wag ninyo na akong tawaging prinsesa. Aryan will do. Sana ay maging magkaibigan tayong lahat. Thank you," pakilala ni Princess Aryan.
"Swerte naman ng section natin. May prinsesa na tayo at higit sa lahat, powerful pa!" wika ng mga estudyante sa bandang gitna.
Hindi pa rin bumabangon si Cid, mula sa pagkakalapag ng ulo sa kaniyang upuan. Nagising lang ito nang gisingan siya ni Diego.
"Ano ka ba Cid? Malalampasan mo pa ang pinakaimportanteng kaganapan dito sa seksyon natin! Gumising ka na!"
Pupungat-pungat pa ang mga mata ni Cid. Hindi niya masyadong maaninag ang paligid. "Bakit ba?"
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...