Conceal or Reveal?
LIMANG araw ng tulog si Cid sa healthcare center. Matiyaga siyang binabantayan nina Sasa, Aryan, at Diego.
“Cid, gumising ka na,” sabi ni Diego. “Ang laki na ng eyebags ko kakabantay sa’yo.”
“Sino bang may sabing magbantay ka?” wika ni Aryan. “Hindi ka naman pinipilit na magpuyat na bantayan s’ya.”
“S’yempre, he’s my best friend. And as his best friend, kailangang nasa tabi n’ya ako 24/7.”
“Tumigil na nga kayong dalawa,” awat ni Sasa. “Baka magising si Cid. Hayaan na muna natin s’yang magpahinga. Alam n’yo naman ang pinagdaanan n’ya.”
Tumahimik naman ang dalawa sa tabi habang parang mga batang nagbabangayan nang naka-silent mode.
Ilang oras pa ang nakalipas, bumukas na ang mga mata ni Cid. Napansin ito ni Aryan kaya ginising n’ya sina Diego at Sasa.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo Cid? Wala bang masakit sa’yo?” alalang tanong ni Sasa.
“Mayro’n.”
“Alin? Saang banda?”
“ ‘Yung kamay ko masakit. Masyado mong pinipisil, Sasa.”
“Sorry.”
Bumitaw sa pagkakahawak si Sasa. Kumuha s’ya ng tubig para ipainom kay Cid.
“Ilang araw na ako rito?”
“Limang araw ka nang mahimbing na tumutulog dito sa healthcare center ng PAG,” tugon ni Diego.
“Salamat naman,” wika ni Cid sabay hinga nang maluwag.
“Bakit ka naman nagpapasalamat e halos isang linggo ka nang nakahilata sa kama?”
“Noon kasi nang bigla kong napalabas ang isa sa aking mga kaibigang sinaunang nilalang, halos isang buwan akong nakatulog kaya nagpapasalamat akong limang araw lang ako nakatulog ngayon.”
“Oo, naalala ko dati ‘yon. Pagkatapos no’n, umalis na sila at hindi na nagpakita pa,” sambit ni Sasa.
“Kailangan naming umalis kasi marami na ang nakaaalam sa lugar n’yo. Kaya tumungo kami sa liblib na bundok para doon manirahan.”
Nag-usap pa sila ng mga bagay sa nakaraan ni Cid.
“Maiba ako Cid. Ang astig mo talaga no’ng ilabas mo ang isang phoenix! Lahat ng mga kaklase natin parang nabanat ang mga bibig at biglang lumuwang nang napakalaki.”
“Loko ka talaga,” wika ni Cid. “Maiba rin ako, ano na ang nangyari sa laban ko?”
“Hindi mo ba natatandaan ang nangyari?” tanong Aryan.
“Hindi e. Ang huli ko lang natandaan, nagalit ako dahil minaliit ni Chris ang mga magulang ko. Tapos no’n, wala na.”
“Oh, ganito kasi ang kabubuuang nangyari sa laban n’yo.”
Ikinuwento ni Aryan ang buong nangyari. Bakas sa mukha ni Cid ang pagkagulat. Ngayon, alam na ng lahat ang taglay niyang galing at lakas sa paggamit ng mahika.
“At saka kung maayos ka na raw, magtungo ka raw sa faculty. Kakausapin ka raw ni Sir Claudius, ang head ng PAG,” wika ni Aryan.
“Hala! Ano kaya ang kailangan n’ya sa akin?”
“Ewan namin. Baka gawa no’ng nangyari sa laban n’yo. Instant noodles—I mean celebrity ka na kasi agad,” tugon ni Diego.
Napatingin sa kisame si Cid at napaisip nang malalim.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...