Confession
BILANG pakiusap ni Diego ang tungkol sa hot spring sa kanilang palasyo, pinahintulutan ni Aryan ang mga itong gamitin ito. Dalawa ang hot springs nila, isa sa lalaki at isa sa babae.
“Tara na Cid sa hot spring, baka lumamig pa ‘yon,” biro ni Diego.
“Hindi naman lumalamig ang bukal, loko ka talaga,” sagot naman ni Cid.
“Sasama ka ba o hindi?”
“Sasama ako. Hintay lang. Kukunin ko lang ang aking isusuot.”
“Hindi naman kailangang may isusuot kapag nasa hot spring.”
“Alam ko pero hindi naman ibig sabihin nakahubad na papunta ro’n. Subukan mo kayang magdamit, nakakahiya sa makakakita sa’yo.”
“A, gano’n ba?”
Nagtungo na sila sa hot spring.
***
“Ayos ka lang ba Sasa?” tanong ni Aryan. “Parang hindi ka okay.”
“Ayos lang ako,” tugon niya. “Nakapagpahinga na ako nang kaunti. Nais ko ring masubukan ang hot spring n’yo. Once in a blue moon lang ang ganitong pagkakataon.”
“Kung ayos ka na naman, wala ng problema. Magpunta na tayo sa hot spring namin. Tiyak akong magugustuhan mo ‘yon.”
Nagtungo na rin sila sa kinaroroonan ng hot spring.
***
Nagkasabay ang apat papasok sa makahiwalay na hot spring. Magkatabi lang kasi ang mga ito. Ngunit nakasisigurado namang wala makapamboboso sa magkabilang hot spring dahil yari sa bato ang pader na humaharang sa dalawa.
“What a coincidence,” sambit ni Diego. “Ngayon din pala kayo maghohot spring.”
“Oo, pahapon na rin kasi. Masarap magbabad sa mga oras na ito,” tugon ni Aryan.
“Maayos na ba ang pakiramdam mo, Sasa” tanong ni Cid.
Tumango lang si Sasa habang nakayuko.
“May problem ba?” muling tanong ni Cid.
“Wala naman.” Nakayuko pa rin si Sasa at nagmamadaling pumasok sa loob ng hot spring.
“Sasa, panlalaki ‘yang napasukan mo!” sigaw ni Aryan.
Bumalik naman agad si Sasa at pumasok sa kabilang hot spring.
“Anong probema ni Sasa?” tanong ni Cid.
“Hindi ko nga rin alam,” ani ni Aryan. “Ganyan na lang s’ya kanina pa. Kakausapin ko na lang mamaya.”
“Sabihin mo agad sa akin kung anong problema n’ya. Nababahala ako sa kanya.”
“Sige, ako na ang bahala.” Pumasok na si Aryan sa pambabaeng hot spring.
“Tara na rin Cid! Kating-kati na akong masubukan ang hot spring nila,” mutawi ni Diego na nagmamadaling pumasok sa loob.
Pagpasok nina Diego sa loob, muli silang namangha dahil sa ganda ng hot spring. Malawak pa ito at kumpleto sa kagamitan. Isa lang ang hot spring ngunit kaya nitong magpuno ng limampung tao.
“Iba talaga kapag mga mayayaman. Napaka-prestihiyoso ng mga makikita sa bahay,” sambit ni Diego.
“Gano’n talaga. May mga kakayahan silang gawin ang mga nais nila dahil mayroon silang kayamanan na kailanman ay hindi natin makakamit,” tugon naman ni Cid.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...