Chapter 15

31 8 0
                                    

Treasure Hunting

IKALAWANG linggo na ng pagsasanay ng mga estudyante ng 1-E. Ang lahat ay mistulang may mga tama pa dahil sa nangyaring kasiyahan kagabi.

“Parang may mga hang-over pa kayo,” sambit ni Prof. Max. “Aling Cecilia, pakilabas no’ng pinagawa kong inumin.”

Inilabas ni Aling Cecilia ang isang pitsel at mga plastic na tasa.

“Inumin n’yo ‘yan,” utos ng propesor. “Wala dapat akong makitang ibubuga o iluluwa sa ginawa ni Aling Cecilia.”

“Bakit naman namin iluluwa ang gawa ni Aling Cecilia?” tanong ni Diego.

Nang inumin ito ng lahat, nalasahan nila ang pait ng impyerno.

“Lasang panis na medyas na hinaluan ng ipot ng ibon at pawis ng atletang tumakbo ng isang kilometro,” sambit ni Diego. “Bakit naman ganito ang lasa, ang pangit-pangit. Blowwrck.”

“Oh, ‘wag n’yong iluluwa kung gusto n’yong magkaroon ng lakas ngayong araw. Makatutulong ‘yan para pambawi sa naubos n’yong enerhiya kahapon. Alam naming lubha kayong nagsaya.”

Kahit na masama ang lasa, pinilit pa rin nilang inumin ang pinaiinom sa kanila. Hindi pa man nagtatagal, nagkaroon ng milagro, mahika, at biglang lumakas ang kanilang pangangatawan.

“Oh, ‘di ba effective,” nakangising sabi ni Prof. Max.

Ganito ang pinapainom sa akin ng aking ina noong nagsasanay ako ng aking mahika. Sanay na ako sa lasa. Hindi na iba sa dila ko.

“Ngayong araw, ang training n’yo ay treasure hunting kung saan may isang bagay kayong hahanapin at kailangang ibalik sa loob ng partikular na oras. Unahan ko na kayo. Medyo-medyo mahirap nang konti, konti lang naman ang training na ito kaya ihanda n’yo ang mga sarili n’yo,” pagpapaliwanag ni Mr. Mikhail.

Parang bubuyog na nagbulungan ang mga estudyante ng 1-E.

“Tama ang sinabi ni Mr. Mikhail,” pagsang-ayon ni Prof. Max. “Hindi magiging madali ang training na ito. It requires collaborative efforts n’yong magkakagrupo kaya Good luck sa lahat.”

Ipinaliwanag pa nang detalyado ng mga propesor ang mga magaganap. Binigyan sila ng limang araw para makita ang treasure na pinahahanap sa kanila.

“Your time starts now!”

Nagsama-sama ang magkakagrupo. Bawat isa ay bumubuo ng plano.

“Bale isang palatandaan lang ang ibinigay sa atin. Isa pang tula,” ani ni Cid.

I stand tall whoever I face
I never once fall even in my defeat
I’m old but I’m strong
I’m the navel of the Earth.

“Nakuha n’yo ba,” sabi ni Cid, “ang sinasabi ng tulang ito?”

Nagkatinginan ang tatlo at sabay nilang sinabing, “Hindi.”

Walang nakaaalam ng kahulugan ng tula. Isang palaisipan na hindi nila maintindihan. Isipin man nang maigi, hindi nila mawari.

Maging ang iba ay halatang naguguluhan sa mga natanggap nilang pahiwatig. Parang nabagsakan ng isang toneladong bato ang kanilang mga mukha. Wala pa sa kanilang gumagalaw sa kanilang mga pwesto. Malalim ang deliberasyon ng bawat grupo. Palipat-lipat sa bawat miyembro ng grupo ang papel at sinusubukang alamin ang nais ipahiwatig ng palatandaan. Hindi pa rin nila maintindihan ang nakasulat sa papel.

Lumipas ang isang oras, may isang grupo na kumilos at kumuha ng gamit. Umalis sila sa kampo. Unti-unting nag-alisan na rin ang iba. Tanging naiwan ang grupo nina Cid.

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon