Chapter 21

27 8 0
                                    

First Quest

Naging laman ng balita at usap-usapan ang naging laban nina Cid. Naging matunog ang nagawa nitong pagtalo kay Chris, ang pinakamalakas na estudyanteng mahikero sa buong akademiya ng Grixtonia.

Wala pang nakakikilala sa kaniyang pangalan at maging mukha maliban sa mga taga-1-E, mga propesor, grupo nina Chris at si Sir Claudius. Ang ibang mga estudyanteng nakalaban ng taga-1-E ay mga nauna ng umalis dahil hindi nila matanggap ang pagkatalo sa pinakamababang seksyon.

“Magandang umaga, 1-E students,” bati ni Prof. Max. “Nais kong batiin ang lahat sa matagumpay n’yong isang buwang training. Kitang-kita ang improvement n’yo sa paggamit ng magic. Bigyan n’yo ang inyong mga sarili ng masigabong palakpakan.”

Abot-tenga ang ngiti ng lahat habang nagpapalakpakan. Sa wakas, natapos din ang kanilang matinding paghihirap.

“Good news din, wala na kayong Magic Enhancement and Development na subject ko.”

Lalo pang nagsigawan ang mga estudyante.

“Oh tama na,” pagpapatigil ng propesor. “Ayaw ko sanang putulin ang kasiyahan n’yo ngunit ang pagsubok n’yo ay magsisimula pa lamang.”

Nagtanong si Diego ng, “Ano pong tinutukoy n’yong ang pagsubok namin ay magsisimula pa lamang?”

Lahat ng mga mata at tenga ng mga estudyante ay nakatutok sa propesor. Hinihintay nila ang kasagutan sa itinanong ni Diego.

“Wala na kayong subject ko kasi lahat naman ay naituro ko na o namin. Wala na kaming iba pang maituturo sa inyo. At kung matatandaan n’yo ang isang subject n’yo kay Mr. Mikhail, ang Student’s Execution of Mission, lahat kayo ay tatanggap ng mga misyon na kailangan n’yong mapagtagumpayan.”

Tila isa na namang mga bubuyog ang mga estudyante dahil sa kanilang pagbubulungan.

Tumayo si Cid at nagtanong din sa propesor. “Ano pong mga uri ng misyon ang kailangan naming gawin?”

“Bilang ito ang magiging unang misyon n’yo, nakatalaga sa inyo ang mababang uri ng misyon na ini-request ng mga tao whether sa loob man ‘yan ng Grixtonia o sa labas ng sakop ng bayan natin. Hindi porket tumaas na ang mga magic level n’yo, ibig sabihin higher mission na ang ibibigay sa inyo. Kailangan pa rin naming sundin ang batas ng PAG. Don’t feel down. Darating din ang araw na haharap kayo sa matinding pagsubok.”

Sa katunayan, hindi naman malungkot ang mga estudyante ng 1-E. Masaya pa nga sila na mabababang misyon lang ang nakatalaga sa kanila. Ibig sabihin, hindi na nila kailangang mag-alala sa maaaring kapahamakan na harapin nila. Kumbaga ay ligtas na sila sa panganib na idudulot ng matataas na misyon.

“Ang mga misyon ay nakapaskil sa bulletin ng hallway ng akademiya,” paliwanag ni Prof. Max. “May nakalagay na rin do’n kung anong antas ang mga iyon. May nakabantay do’n na isang babae. Kailangan n’yong ipakita sa kanya ang napili n’yo at kailangan ding may tatak n’ya ang papel. Bukas na bukas din ay maaari na kayong magsimula.”

Pagkatapos ng pagpapaliwanag ni Prof. Max, umalis na rin siya at nag-usap-usap naman ang mga estudyante ng 1-E. Maging sina Cid ay nagpupulong din kung ano at paano ang kanilang gagawin.

“Gusto ko pa naman sanang mataas na lebel agad ang unang misyon natin,” sambit ni Diego sa malungkot na tono. “Not to brag pero alam naman natin na ang grupo natin ay may sapat na kakayahan para kayanin ang matatas na misyon. Ang lalakas kaya natin.”

“PAG’s Rule: Students’ mission should be according to their section regardless of their magic level,” wika ni Aryan.

“Okay, fine. Ang batas ay batas. Bawal lumabas.”

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon