Chapter 11

31 7 0
                                    

Welcome to Yinzang Training Camp

MAAGANG nagising ang lahat. Nagtungo sila sa harap ng gate ng PAG upang hintayin ang bus na kanilang gagamitin patungo sa lugar na kanilang pagsasanayan.

5:30 pa lang ng umaga ay kumpleto na ang 1-E. At pagkalipas ng 30 minuto, dumating na ang transportasyon na maghahatid sa kanila sa camp.

Sumakay na ang lahat. Naunang umupo sa bandang dulong kanan si Cid kaya’t wala pang tumatabi sa kaniya. Nakatayo lamang at nakatingin sina Sasa at Aryan kay Cid.
“Hindi pa ba kayo uupo? Kung ayaw n’yo, ako na lang ang tatabi kay Cid. Chochoosy n’yo!” wika ni Cid na nagmamadali pang umupo sa tabi nito. “D’yan na ako sa malapit sa bintana, Cid. Medyo maliliyuhin ako e. I need fresh air.” Umisod naman si Cid.

Hindi na nakaalma pa ang dalawa kaya sa bandang kaliwa sila naupo na katapat pa rin nina Cid at Diego.

Naunang umupo si Aryan. “Pwede bang dito na rin ako maupo malapit sa bintana. Hindi ako sanay sa ganito e. Baka maliyo rin ako.”

Pumayag naman agad si Sasa. “S’yempre naman. Okay lang sa akin.”

Ayos lang kay Sasa ang nangyari dahil sa mas malapit siya kay Cid at nang sa gayon ay makakapag-usap pa sila nang maayos.

Bilang kumpleto na ang lahat, umalis na ang bus na sinasakyan nila. Naging mahaba-haba ang biyahe nila kaya ang iba ay nakatulog.

Nakatulog din si Aryan na tulog prinsesa ang ayos. Nakaupo ito nang tuwid at nakapatong ang mga palad sa hita. Samantala, nakatulog din maging si Diego. Nakasandal sa bintana, humaharok, at tulo-laway pa. Tanging gising ay ang dalawa nina Cid at Sasa.

“Hindi ka rin makatulog?” tanong ni Cid.

Tumingin si Sasa sa kaniya. “Oo, may iniisip kasi ako tungkol sa magaganap na training natin.”

“Parehas tayong dalawa. Naiisip ko rin kung bakit kailangan pa natin ng training sa malayo e mayro’n naman tayong Magic Development & Enhancement sa akademiya,” sagot ni Cid na medyo nagtataka pa rin sa biglaang pagkakaroon ng pagsasanay.

“Naalala ko lang no’ng nagpakwento ako kina Mama at Papa kung anong may’ron sa PAG, wala naman silang nababanggit na pagkakaroon ng ganitong training. As in, never nilang nasabi sa akin ang ganito kasi sabi nila mag-aaral lang daw at magpapagaling pa ng magic ang ginagawa nila. Wala ‘yung mission at itong training natin,” sambit ni Sasa na nakapisil sa baba ang hinlalaki at hintuturo.

Napa-isip din naman si Cid sa sinabi ni Sasa. “Nagtanong na rin ako sa mga nasa ikalawang taon ngunit hindi rin sila sumailalim sa ganitong pagsasanay. Alam kong may alam sila ngunit, mas mabuti raw kung sa mga propesor daw ako magtanong.”

Tumigil muna saglit sa pag-uusap ang dalawa dahil sa pag-iisip na mga posibilidad.

“Nabanggit nga ni Prof. Max ang tungkol do’n sa demonyong lumitaw na napatay mo. Maaari kayang may paparating pa na mas mapanganib na halimaw?” paghihinuha ni Sasa.

“Hindi ko rin masasagot ‘yan. Wala tayong mapapala kung ang mga sarili lang nating sapantaha ang ating mabubuo. Mas mabuti nga siguro na tanungin natin kung sino ang mas nakaaalam. Alamin natin sa kanila ang tunay na dahilan sa likod ng kara-karakang pagsasanay na ito.”

Sumang-ayon naman si Sasa sa tinuran ni Cid. “May punto ka nga r’yan, Cid. Magtanong tayo sa ating mga propesor tungkol dito. Sigurado akong may mga kasagutan sila sa mga tanong natin.”

Naghanda ng ipikit ni Cid ang kaniyang mga mata ng sumigaw si Prof. Max. “Wake up, 1-E students. Andito na tayo sa training camp natin.”

Naunsyami ang pag-idlip sana ni Cid. Lahat ay nagising at nagsimulang tanawin ang labas.

Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon