One-Month Intense Training?!
NAKABUO na lahat ng kani-kanilang grupo. Mighty Power, Zoom Reservoir, Holy Ones, FullStar, at Team D.A.C.S. ang nabuong pangalan ng bawat grupo.
“Mukhang ang pangalan ng ating grupo lang ang kakaiba sa lahat,” mutawi ni Cid.
Umeksena naman si Diego. “Ayaw mo no’n standout tayo sa iba. Maganda kaya ang Team DACS. Slang term siya ng ‘DAKILA’. Ibig sabihin ‘MAGNIFICIENT’.”
Mema. Pero may punto naman siya. Dakila? Pwede.
“Dito na rin ako uupo sa bandang likod para tabi-tabi na tayong apat,” ani Aryan.
“Dito ka na sa upuan ko. Lipat na lang ako dito sa kabila,” wika naman Diego na umalis sa upuan niya at pinaupo si Aryan.
“Salamat, Diego!” pagbati nito.
Ngayon ang posisyon nila sa upuan ay Diego, Aryan, Cid, at Sasa.
“Sakto na. Sunud-sunod na tayong DACS. D ako, A Aryan, C Cid, at S Sasa,” pabirong sabi ni Diego.
Sa isip ni Diego, gusto lang nitong makita ang reaksyon ni Cid na napalilibutan ng dalawang babae na may gusto sa kaniya.
Manhid din kasi itong si Cid. Hindi marunong makaramdam.
Pumasok na ng silid si Prof. Max. “Good Morning 1-E students. Bilang kayong lahat ay nakabuo na ng inyong grupo na may apat na miyembro. Magsisimula na ang inyong one-month training na gaganapin sa Yinzang Training Camp sa Yunlang. Nagkaroon kayo ng revised schedule ng klase. Mawawala na ang History class ninyo kasi magiging abala si Professor Edward sa kanyang secret mission. Mayro’n naman kayong book, ‘di ba? Basahin ninyo na lang kung may mga queries kayo. You can approach us professors din kung may nais kayong maunawaan na hindi n’yo maintindihan.”
Gusto mang magbunyi ng mga estudyante ng 1-E dahil wala na ang History class nila na may mabaliw na propesor, ipinagtataka nila ang pagkaka-roon nila ng training.
Nagtaas ng kamay si Cid at nagtanong. “Ano pong mayro’n sa one-month training namin? Wala po kaming nababasa sa student hand-book namin tungkol do’n.”
“For your information, this new memo was suggested by the head of this academy. Aware naman siguro kayo sa nangyari sa Sentro na paglitaw ng isang demonyo na nag-amok at nanggulo, ‘di ba? Ang one-month training na gagawin n’yo ay for your own benefit din. Alam n’yo naman na sa inyong level ngayon, hindi n’yo makakayang tumalo ng isang high-level demon. Hindi muna kayo tatanggap ng mission. Not until mag-improve kayo during the training. Makakasama natin do’n si Mr. Mikhail para rin i-guide kayo at ma-obserbahan ang improvement na mangyayari sa inyo.”
May punto nga rin sila. Lubhang magiging delikado ang mga misyon kung nasa mababang lebel lamang ang iba. Sabihin mang mababa rin ang lebel ng misyon, hindi pa rin maiiwasan ang panganib lalo na’t hindi sapat ang karanasan ng bawat isa.
“Next week, magsisimula na ang training n’yo. Ihanda n’yo na lahat ng dadalhin n’yo. Provided na lahat ng training gears and equipment. Si Mr. Mikhail ay nauna na sa training camp kaya wala na kayong klase bukas at sa susunod na araw. Monday morning 6:00 A.M., dapat nasa harap na kayo ng gate ng PAG. May susundo sa inyong bus. See you next week. Goodbye. At kung may iba pa pala kayong katanungan about dito, punta lang kayo sa faculty at hanapin n’yo ako. Thank you, and you may go,” pamamaalam ni Prof. Max.
“Biglaan naman ang training natin. Pero ayos lang naman sa akin kasi kahit minsan, makalalabas tayo ng akademiya,” wika ni Ynah, isa sa mga estudyante ng 1-E.
Tumugon naman ang kausap nitong si Queenie ng, “Excited na rin akong makapunta sa ibang lugar other than Grixtonia!”
Ang pagtataka nila ay napalitan ng pagkagalak.
BINABASA MO ANG
Peculiar Academy of Grixtonia (Book1) Completed
FantasyAnong gagawin mo kung mapunta ka sa isang lugar kung saan kailangan mong itago ang taglay mong kapangyarihan? Hanggang kailan mo maikukubli ang tunay mong katauhan sa ibang tao? Ito ay kwento ng isang binatang nagtataglay ng pambihirang mahika na h...